Angeline Quinto reveals how she became a Black Nazarene devotee

by Jerry Olea
Jan 8, 2020
Angeline Quinto on being a Black Nazarene devotee: "Bata pa lang ako, lagi akong isinasama ng mama, sa prusisyon po iyon. Iyon yung nakapaa kami, bata pa lang ako. Pero mula noong hindi na sumasama ang mama, kasi matanda na, iyon naman yung time na sumampa ako."
PHOTO/S: Jerry Olea

Tumatanggap ng trabaho si Angeline Quinto kahit Pasko o Bagong Taon, pero hindi kapag Enero 8 at 9.

Ito ay dahil sa kaarawan ng kanyang mama kapag Enero 8, at kinabukasan niyon ay Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo.

There was a time na may four-city concert tour na offer sa kanya sa Amerika. Disyembre ang umpisa niyon, at Enero 11 na sana ang balik niya sa bansa.

Tinanggihan ni Angeline ang panghuling leg ng concert tour para masigurong nasa Pilipinas siya by January 8 at makapiling ang kanyang mama—kapatid ng kanyang lola—na nag-aruga sa kanya mula pagkabata.

Seventy-eight years old na ang kanyang mama.

Nakayapak ba siya kapag pumupunta sa pista ng Itim na Nazareno?

“Kung kasali ka po sa prusisyon, siguro mas okay kung nakapaa ka. Kasi, iyon ang nakalakihan ko,” tugon ni Angeline sa presscon ng pre-Valentine concert na Voices for Love nitong Enero 7, Martes, sa Mesa restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

“Nagpapaa po ako noong bata ako.

"Pero ngayon, hindi po ako sumasama sa prusisyon. Ang ginagawa ko, pumupunta ako roon ng mga 9 P.M.

“Kasi, every hour naman iyong Misa. Sunud-sunod yun.

“So, before ibalik iyong Mahal na Poon sa simbahan, nakapagmisa na ako noon. 'Tapos, tatambay na kami sa ilalim... sa may Quinta Market.

“So, doon kami lagi nagkikita ng mga kaibigan ko, mga taga-Sampaloc [Manila].”

BLACK NAZARENE DEVOTEE

Kailan ba nagsimula ang debosyon niya sa Nazareno ng Quiapo?

“Mga eight years old ako,” matamang tugon ng 30-anyos na mang-aawit.

“Pero iyong sumasampa... pang-anim.

"Kasi, bata pa lang ako, lagi akong isinasama ng mama, sa prusisyon po iyon. Iyon yung nakapaa kami, bata pa lang ako.

“Pero mula noong hindi na sumasama ang mama, kasi matanda na, iyon naman yung time na sumampa ako.

“Pero hindi na po ako sumasama sa prusisyon. Sumasampa na po ako.”

Hindi pa sigurado si Angeline kung makakasampa siyang muli sa Nazareno this year.

Continue reading below ↓

“Kasi, ang balita ko, parang ipinagbawal ni Yorme [Isko Moreno] yata, na sumampa. Iyon ang nakarating sa akin.

“Pero... siguro...”

Kung hindi bawal, sasampa siya?

“Opo naman. Kasi, para sa akin, parang... kapag ipinagbawal iyon, parang hindi naman... parang sa mga nagpapanata, parang mahirap yun,” malumanay na tugon ni Angeline.

“Di ba? Sakaling magkaroon pa rin ng chance na makasampa, bakit hindi?”

Sanay na ba siyang sumampa? O may kaba, nerbiyos o takot siya pag sumasampa?

“Actually, kinakabahan pa rin ako taun-taon,” pag-amin ni Angeline.

“Kasi, kapag ikaw na mismo ang nandoon, nakita mo ang dami ng tao, iyon talaga ang nakakanerbiyos.

“Pero... every year naman po, may mga grupo na tumutulong sa akin para makasampa. Makati Chapter sila.

"Kasi, hindi ko naman kayang mag-isa."

Nagkapasa-pasa na ba siya sa pagsampa?

Tumango agad si Angeline, “Pero hindi naman grabe. Mas ano yung... hawak ka kung saan-saan! Hah! Hah! Hah!

“Kasi siyempre, pag sumampa ka roon... pag pababa ka na, hindi mo na nakikita iyong mga tumulong sa iyo pataas.

Continue reading below ↓

“So, kung kani-kanino ka na lang babagsak. So, may ganun. Kung anu-anong nahahawakan sa ‘yo.

“Pero hindi mo iisipin yun, e.”

Nakikilala ba siya sa crowd? Kaya napagbibigyan siyang makasampa?

“Madalas, madalas... kung sino po yung nagbabantay sa itaas, sa Nazareno... siguro, siguro, nakita na nila ako, ilang taon. ‘Oy! Si Angeline!’

“'Tapos, tutulungan ako.”

Wala siyang disguise? Wala siyang surgical mask?

“Wala naman po! Hindi naman po!

"Kasi, parang... hindi na iisipin kung artista ka o ano.

“Parang kahit siguro ako, pag nakakita ng naka-mask, maiintindihan ko kung may sakit.

“Pero kung nagdi-disguise ka dahil...” napapangiwing lahad ni Angeline. “Hindi.

“Ewan ko, kasi kapag fiesta talaga ng Quiapo, iyong mga kababata ko talaga sa Sampaloc, halos nandoon,” matatas na saad ni Angeline.

“So, pag nagkita kami, kain kami ng mga street food. Kadalasan iyon, banda doon sa may simbahan, e.

“Natutuwa ako, kasi, parang bigla silang mag... ‘Libre naman!’ Ililibre ko silang lahat.

Continue reading below ↓

"Minsan, nauubos na iyong tinda ng isang lalaki. Nagtitinda ng mga tusuk-tusok.

“Saka pag ganoon naman, hindi ka pagkakaguluhan, e. Kasi, ang ano roon, e, iyong panata mo.

“Wala silang pakialam sa mga ano.”

Wala raw nagpapa-autograph sa kanya pag pista ng Nazareno sa Quiapo. Pero merong mga nagpapa-picture.

Natutuwa si Angeline na may mga nare-recruit siya para samahan siya sa fiesta ng Quiapo.

“Every year na dumarating, parang mas lalong dumadami iyong naisasama kong magpanata.

“Nagsimula kami, mga taga-ABS-CBN ang naisama ko. 'Tapos, sa kasunod na taon, may mga kasama na rin sila.

“So, parang magte-thank you sila sa iyo, ‘Thank you, ha, naisama mo kami rito!’ So, parang malaking bagay sa akin yun.”

ANGELINE'S WISH

Ano ang hiniling niya sa Nazareno na ipinagkaloob Nito sa kanya, kaya ganoon karubdob ang debosyon niya rito?

Napangiti si Angeline, “Taong 2009, iyon po iyong gusto ko lang magkaroon ng regular na trabaho.

Continue reading below ↓

"Sabi ko, ‘Kahit hindi po sa pagkanta, basta meron po akong income.’

“Para nga po makapagbigay ako sa nanay ko. Kasi, gusto ko, kahit nag-aaral ako, may trabaho akong ginagawa. Kahit ano.

“'Tapos, iyong dumating ang Star Power, 2010.

"'Tapos, kasabay po nun, nag-agaw-buhay ang mama ko. Nag-flatline siya. Nag-zero heartbeat.

“So, iyon din ang hiniling ko sa Kanya. After ng sa regular na trabaho ko, iyong second life ni Mama.”

Nagbalik-tanaw si Angeline sa matinding pagsubok na iyon sa kanyang buhay.

“Noong time po na iyon, every week, may ibinibigay po ang Star Power na budget sa amin. P2,000.

“Kasi, noong time na iyon, sabi ko, ‘Bakit iyong nanay ko, sobrang payat?’ 'Tapos, laging wala siyang ganang kumain.

“So, nakaipon ako ng walong libo. Sa ilang linggo noon, nakaipon ako ng P8,000. Iyon talaga dapat ang ipantse-check up niya.

“Kaya lang, hindi na po umabot doon. Kasi, biglang... na-emergency na. Na-ICU na agad iyong nanay ko.

Continue reading below ↓

“Tapos, ang ginagawa ng mga kasama ko sa Star Power, pag nakikita nila akong hindi kumakain... kasi siyempre, ikaw ba naman, nanay mo, nasa ICU...

“Wala ka talagang gana. Kaya yata pumayat talaga ako noon.

“So, sila iyong nagbibigay ng P150. ‘Ge, kumain ka!’ Sa Loop ng ABS-CBN. Magkakasama kami. Sila ang bumibili ng food ko.”

Muntik nang mag-quit noon si Angeline sa Star Power. Naisangla na ang kanilang bahay at lupa sa Sampaloc.

Nag-aalala si Angeline sa kanyang mama kapag nasa Star Power siya, dahil walang nagbabantay rito sa Heart Center.

Inaaral niya ang mga kanta habang nakabantay siya sa inang nasa ICU. Natutulog siya sa papag sa labas ng kuwarto nito, kung saan pinapapak siya ng mga surot.

Paggunita pa ni Angeline, “Mabuti na lang, may rumondang security guard. Grabe!

"Paggising ko yata ng 2 A.M. or 3 A.M., napakarami kong kagat dito sa noo.

“Buti na lang, iyong rumondang security guard, kinausap ko. Sabi ko, ‘Bossing, wala na ba kayong ibang tulugan dito? Kasi, puro surot po iyong natulugan ko.’

Continue reading below ↓

“Ang ginawa niya, naghanap siya ng ibang upuan na mahaba na puwedeng tulugan.

“Iyon na lang ang inilagay ko sa harap ng pintuan ng kuwarto ni Mama. 'Tapos, binigyan na lang ako ng bagong unan ng mga nars.”

WISHING FOR A LOVE LIFE?

Ano pa ang hinihiling niya ngayon sa Nazareno?

“Lagi naman, long life para sa nanay ko, at sa ibang relatives ko po.

"Saka sana, ahhm, hindi man maibigay iyong mga pangarap kong trabaho...

“Kasi minsan, ganoon naman, hindi ibibigay sa ‘yo agad, e.

"So, gusto ko lang, magkaroon pa rin ng mga regular na trabaho para kahit paano, naibibigay ko pa rin iyong mga kailangan nila.”

Idinadalangin ba niya ang kanyang love life?

“Love life?” medyo napamulagat na sambit ni Angeline, na four years ago pa ang huling pakikipagrelasyon.

“Ahhm, minsan. Parang hindi consistent iyong pagdadasal ko ng love life. Kaya siguro hindi naibibigay.

“Parang kung kailan lang maisip,” pagkunot-noo pa ng dalaga.

Continue reading below ↓

“Parang ganoon. Pero mas sa trabaho po, saka sa pamilya po.”

COCO MARTIN

Nakita na ni Angeline si Kabayan Noli de Castro sa pista ng Black Nazarene. Si Coco Martin, nakasabay ba niya roon?

“Si Coco yata, nagsisimba siya, January 8 ng gabi, kung hindi ako nagkakamali.”

Pero noong nali-link sila, nagsabay silang pumunta sa Quiapo Church, di ba?

Hindi agad nakasagot si Angeline.

“Ayokong magsinungaling, kasi, about simbahan, e.

"Dati, nagkasama kami na pumunta roon. Pero madaling-araw.”

Hindi pa sila nagkasabay ni Coco sa mismong fiesta ng Nazareno.

“Pero minsan, napapag-usapan namin, kasi... ahmm, pag nagkikita naman po kami ni Coco na malapit nang mag-January, iyon lagi ang bukambibig niya. ‘Ge, punta ka bang Quiapo?’

“Laging ganoon.”

Niregulahan ni Coco ng kuwintas si Angeline. Krus ang palawit niyon.

Hindi sinagot ni Angeline kung nag-M.U. ba sila ni Coco, o kung ano ang label ng relasyon nila noon.

Ayaw ring sumawsaw ni Angeline sa isyu nina Coco at Julia Montes.

Continue reading below ↓

Siyanga pala, si Jed Madela ang kasama ni Angeline sa Voices for Love dinner concert na gaganapin sa Pebrero 12, Miyerkules ng 7:30 P.M. sa grand ballroom ng Marriott Hotel, Resort Drive, Pasay City.

Guests dito sina Alyssa Muhlach Alvarez, Mitoy Yonting, at L.A. Santos; at may special participation sina Imelda Papin at Lani Mercado.

Sa mga gustong bumili ng tiket, tumawag o mag-text sa mobile # 0918-807-3340.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto on being a Black Nazarene devotee: "Bata pa lang ako, lagi akong isinasama ng mama, sa prusisyon po iyon. Iyon yung nakapaa kami, bata pa lang ako. Pero mula noong hindi na sumasama ang mama, kasi matanda na, iyon naman yung time na sumampa ako."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results