Meet non-showbiz girlfriend of JC Santos

by Rachelle Siazon
Jan 8, 2020
In between movie projects, JC Santos spends quality time with non-showbiz girlfriend Shyleena Herrera. Based on Shyleena's Facebook posts, the two were together last Christmas Eve (left) and Halloween (right).
PHOTO/S: Shyleena Herrera Facebook

Positibo ang pasok ng taon kay JC Santos dahil bukod sa bahagi siya ng highest-grossing 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Miracle in Cell No. 7, masaya rin ang estado ng love life niya ngayon.

Kamakailan lang ay kumalat sa Internet ang litrato ng 31-year-old actor kasama ang non-showbiz girlfriend niyang kinilalang si Shyleena Herrera.

Kuha iyon noong nagdaang Pasko.

Tugma ang suot nilang damit sa litratong ibinahagi ni JC sa Facebook noong December 24, 2019.

Kasama roon nina JC at Shyleena ang mga kaanak ng dalaga.

SUPPORTIVE GIRLFRIEND

Naka-public din ang iba pang posts ni Shyleena kunsaan todo-suporta siya sa promotion ng pelikula ni JC.

Sabi pa sa comment ng isang netizen, "supportive girlfriend" ang pag-post ni Shyleena ng poster ng Miracle in Cell No. 7 noong November 2019.

Continue reading below ↓

Bago iyon ay ginawang display photo ng dalaga sa Facebook ang "twinning" picture nila ng aktor noong Halloween.

Pareho silang nakasuot ng blonde wig sa litrato.

"Fav couple," komento ng isang kakilala ng dalaga.

Sumagot si Shyleena ng twinning at heart emojis.

Dumalo rin si Shyleena sa premiere ng Miracle in Cell No. 7, base sa hiwalay niyang Facebook post noong December 17.

Continue reading below ↓

SCHOOLMATES IN PAMPANGA

Sa kaso ni JC, low-key ang aktor pagdating sa kanyang love life dahil wala itong ipinu-post sa Instagram na litrato nila ni Shyleena.

Pero minsan nang inamin ni JC na mayroon siyang non-showbiz girlfriend na isang chef.

Sabi pa ni JC, 16 years ago nang una niyang makilala ang nobya dahil magka-schoolmate sila noon sa Pampanga.

"Nagkita kami uli," sabi ni JC sa September 2019 episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

"Pumunta ako sa isang restaurant, 'tapos may sarili na siyang restaurant, so ayun."

Dagdag ni JC, masaya siya sa piling ng nobya.

Bago naging sila ni Shyleena, huling naging girlfriend ni JC ay ang stage actress na si Teetin Villanueva.

Apat na taong magkarelasyon ang dalawa, pero naghiwalay sila bandang December 2018.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In between movie projects, JC Santos spends quality time with non-showbiz girlfriend Shyleena Herrera. Based on Shyleena's Facebook posts, the two were together last Christmas Eve (left) and Halloween (right).
PHOTO/S: Shyleena Herrera Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results