Nakatanggap ng birthday greeting si Catriona Gray mula sa bagong Miss Universe na si Zozibini Tunzi.
Nagdiwang ng 26th birthday si Catriona nitong Lunes, January 6.
Sa huling Instagram post ni Zozibini nitong Martes, January 7, ibinahagi niya ang litrato nila ni Catriona na magkasama.
Ang picture ay kuha bago ang coronation night ng Miss Universe 2019 noong December 8, kung saan kinoronahan ni Catriona ang 26-anyos na South African bilang Miss Universe 2019 winner.
Sa caption, binati ni Zozibini ng “happy belated birthday” ang Filipino-Australian beauty queen.
Ayon sa bagong Miss Universe, sa bibihirang pagkakataong nakapag-usap sila ni Catriona, “I felt your kindness and took in your wisdom.”
Tweet ni Zozibini: “My dearest @catriona_gray I wish I had more time to get to know you.
“In the few times that we set and had conversations I felt your kindness and took in your wisdom.
“Happy belated birthday Queen! May God continue to bless your path [heart emoji].”
Nagpasalamat naman si Catriona kay Zozibini: “Aw thank you queen! [heart, hugs emojis].”

Ngayong tapos na ang kanyang reign, napapanood si Catriona sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime bilang host sa loob ng isang linggo.
