Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Angel Locsin mobilizes relief efforts for Taal evacuees

by Arniel C. Serato
Jan 14, 2020
Netizens praise "real-life Darna" Angel Locsin for her efforts to help those affected by Taal Volcano eruption.
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Nanawagan ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang followers kung ano ang mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano.

Panawagan ni Angel sa kanyang Instagram Stories, Twitter, at Facebook nitong Lunes ng gabi, January 13:

“Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong baranggays at ilang families per baranggay? Thank you #Taal

Continue reading below ↓

Kaagad namang tumugon ang maraming netizens sa panawagan ni Angel.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito, pinapurihan din ng netizens si Angel sa kanyang hangaring makatulong sa mga biktima.

May ilan pang nagsabi na ang aktres ang "real-life Darna."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Noong October 2019, bumisita si Angel at ang fiancé nitong si Neil Arce sa Mindanao at nagpaabot din ng tulong sa mga biktima ng magkakasunod na malakas na lindol doon.

Dahil sa kanyang pagtulong sa panahon ng mga sakuna at trahedya, napabilang ang 34-year-old actress sa listahan ng Forbes Asia bilang isa sa Heroes of Philanthropy.

Continue reading below ↓

PRAYERS FOR TAAL VOLCANO ERUPTION VICTIMS

Ngayong umaga ng Martes, January 14, nag-alay naman ng dasal si Angel para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Mensahe ng aktres sa kanyang Facebook post: “Almighty Father you are the most powerful God that could put and end to all the calamities that are happening now.

“We beg for your mercy to please bless your children sufferings from these calamities.

“Especially those in the nearby town of Taal volcano from its eruption. Amen. [praying hands emoji]”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens praise "real-life Darna" Angel Locsin for her efforts to help those affected by Taal Volcano eruption.
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results