Saab Magalona to donate own breastmilk to Taal infant evacuees

by Jet Hitosis
Jan 16, 2020
Saab Magalona will send her breastmilk stash for the infant evacuees of Batangas.
PHOTO/S: @saabmagalona on Instagram

Magkakaloob ng sarili niyang donasyon sa evacuees sa Batangas ang singer-blogger na si Saab Magalona.

Ang donasyon ni Saab: sarili niyang breastmilk.

Tumugon si Saab sa panawagang idinaan ng netizens sa Twitter nitong Miyerkules, January 15, para sa mga nais mag-donate ng “breastmilk stash” sa mga sanggol na evacuees sa iba’t ibang bayan sa Batangas.

Kaagad na umaksiyon si Saab.

Tweet niya: “I have breastmilk but need help with sending to Batangas! Help!”

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagsipag-reply kay Saab ang maraming ina na handa ring mag-donate ng kanilang gatas.

Makalipas ang kalahating oras, nag-tweet ng update si Saab.

Sinabi ng singer na may tutulong na sa kanya upang maibiyahe ang breastmilk stash niya papunta sa Batangas.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Saab sa tulong ng kanyang Twitter followers.

Saad sa follow-up tweet ni Saab: “UPDATE: Already found somebody who can transport my milk!! Thanks, guys!!!”

Continue reading below ↓

September 2019 nang isinilang ni Saab ang bunso nilang anak ng asawang si Jim Bacarro, si Vito Tomas.

February 2018 naman nang ipinanganak ng singer ang panganay nilang si Pancho.

Ang apela para sa breastmilk donation ay kasunod ng Facebook post ng Public Information Office (PIO) ng Batangas provincial government nitong Miyerkules, January 15, para sa kinakailangang “breast milk at breast milk pouches para sa mga breastfed babies na nasa mga evacuation centers ngayon.”

Continue reading below ↓

DONATION OF INFANT FORMULA IS PROHIBITED BY LAW

Kasunod nito, ipinaalala ng Department of Science and Technology (DOST)-Region IV-A sa isang Facebook post nitong Miyerkules na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdo-donate ng mga infant formula sa panahon ng kalamidad.

Binigyang-diin ng kagawaran na ang Philippine Milk Code (Executive Order 51) "prohibits donations of infant formula, breastmilk substitutes, feeding bottles, artificial nipples and teats during emergencies.”

Ito ay dahil ang pamamahagi ng nabanggit na mga produkto sa evacuation centers “put infants at greater risk of illness and death.”

DOST EXPLAINS

Ayon sa DOST, iniisip ng mga nagdo-donate ng breastmilk substitutes na mga toddler ang makikinabang sa ibibigay na gatas, “not realising that mothers in low-resource settings will give any available milk to their young infants whether toddler milk or even coffee creamer.”

Paliwanag ng DOST: “Diluted preparation of milk powder is common to make the powder last longer, contributing to both acute and chronic malnutrition.

“This puts infants at even greater danger post-disaster when clean water is not available, bottles cannot be cleaned, and congestion and lack of toilet facilities in evacuation centres make for extremely harsh environments.”

Continue reading below ↓

Sa latest update ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Miyerkules, nasa 26,294 pamilya o 121,455 katao na ang nailikas sa 373 evacuation centers sa lalawigan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saab Magalona will send her breastmilk stash for the infant evacuees of Batangas.
PHOTO/S: @saabmagalona on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results