Fans claim Carlo Aquino's GF Trina Candaza looks like Angelica Panganiban

by Jet Hitosis
Jan 16, 2020
Carlo Aquino's fans claim that the actor's new girlfriend Trina Candaza (left) looks a lot like his former flame Angelica Panganiban (right).
PHOTO/S: @jose_liwanag, @iamangelicap on Instagram

Kahawig nga ba ni Angelica Panganiban ang bagong girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza?

Sa Instagram, nag-post si Carlo ngayong Huwebes, January 16, ng bagong couple photo nila ni Trina.

Batay sa caption ng 34-anyos na aktor, kuha ang picture habang nasa Japan sila.

Sa post, iniendorso ni Carlo ang isang travel hub, na ayon sa kanya ay nakatulong nang malaki sa kanilang biyahe dahil “hindi kami naligaw."

Continue reading below ↓

Pero kapansin-pansin sa comments section na iisa ang reaksiyon ng Instagram followers ni Carlo.

Malaki raw ang pagkakahawig ni Trina sa ex-girlfriend ni Carlo na si Angelica “sa biglang tingin.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

“AKALA KO SI ANGELICA”

Ang ilan sa kanila, nagulat daw sa litrato dahil akala nila ay ang 33-anyos na aktres ang kasama ni Carlo sa picture "at okay na sila."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang fan, nagkomento na kaya raw “pla d maka get over” si Carlo sa dating nobya dahil “hawig ni Angelica” ang bagong girlfriend nito.

Continue reading below ↓

Nagkataon namang nitong January 7, nag-tweet si Angelica tungkol sa umano’y panggagaya sa kanya ng isang taong ayaw niya.

Continue reading below ↓

Hindi pinangalanan ni Angelica ang taong tinukoy niya, pero isang fan ang nagkomento ng pinagtabing litrato ng aktres at ni Trina habang parehong nakasuot ng floral-printed dress.

Hindi nag-react si Angelica sa litratong ikinomento ng kanyang fan.

CARLO AND ANGELICA’S FALLING-OUT

Hindi lingid sa publiko na may alitan sina Carlo at Angelica.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos mapurnada ang inakala ng maraming fans ng dating childhood sweethearts—binansagang CarGel—na magkakabalikan ang dalawa pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Exes Baggage.

September 2018 ipinalabas ang Exes Baggage, pero sa unang quarter pa lang ng taong iyon ay lantaran na ang paglalambingan nina Carlo at Angelica sa social media.

Gayunman, pagsapit ng January 2019 ay kumalat online ang mga unang litrato ni Carlo kasama si Trina.

Simula noon, hindi na nag-usap ang dating magkasintahan.

Sa isang TV interview noong October 2019, inamin ni Carlo na “siguro” ay pinaasa nga niya ni Angelica na magkakabalikan sila.

Kinumpirma rin niya sa panayam na girlfriend na niya si Trina, at may kinalaman ang dalaga sa falling-out nila ni Angelica.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino's fans claim that the actor's new girlfriend Trina Candaza (left) looks a lot like his former flame Angelica Panganiban (right).
PHOTO/S: @jose_liwanag, @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results