Arron Villaflor defends ex-girlfriend Jane de Leon over Darna role

by Melba R. Llanera
Jan 16, 2020
Arron Villaflor on ex-girlfriend Jane de Leon: "Regardless with everything, minahal namin ang isa't isa talaga. I'm very happy, sobrang masaya ako sa kanya.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

Ipinagtanggol ni Arron Villaflor ang ex-girlfriend na si Jane Leon sa mga kumukuwestiyon sa pagkapili sa aktres bilang bagong Darna sa pelikulang ipoprodyus ng ABS-CBN Star Cinema.

“Hindi naman natin maiiwasan yun, pero let's just be happy for the person.

"Diyan na naman dumarating yung crab mentality, e," pagbuntong-hininga ng Kapamilya actor.

“Let's just be happy for the person who really deserves to be in that position.

“Lahat naman tayo, pana-panahon iyan, e. We come, sometimes we go, we come back, we elevate.

"Ako, pinagpe-pray ko ang lahat.

“I have no insecurities in my life. Sobrang positive ako na tao.

"Gusto ko, lahat ng mga katrabaho ko is maging maayos."

Kampante si Arron na kaya ni Jane ang training at stunts na ipagagawa rito.

“Yes! Doon kasi sa La Luna Sangre [2017], yun ang parang naging training ground niya,” sambit ni Arron.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arron sa party ng Prestige noong Enero 10, Biyernes, sa Okada Manila.

Continue reading below ↓

ARRON'S EX-GIRLFRIEND IS THE NEW DARNA

Taong 2016 nagkarelasyon sina Arron at Jane, at nagkahiwalay noong 2017. Ano ang sanhi ng kanilang breakup?

“Wala, Hindi talaga nag-work out. Tingin ko, timing.

"Nagsisimula pa lang din siya sa industriya natin kaya ayun," malumanay na paliwanag ng binata.

Hindi ba naging maganda ang pagtatapos ng kanilang relasyon?

Sagot ni Arron, “Hindi naman. Feeling lang namin, if we’re gonna push through it, parang it will suffer lang din.

“Pinag-usapan namin, ‘Go with your dreams. Enjoy your work.’ Ganun-ganun.

"Matagal na niyang inaantay yung break, dumating na yun sa kanya.

“Actually, mutual kami, e. Napag-usapan namin yun nang maayos."

Factor ba ang agwat ng kanilang edad kaya sila nagkahiwalay?

“She's sweet, sweet naman siya. To be honest, I'm 29 and she's 21, ang layo ng gap namin talaga.

"Hindi ako naniniwala sa age gap. Siguro timing, yung maturity on both sides.

"Hindi ako naniniwala sa age gap... yung iba nga diyan...."

Continue reading below ↓

Mixed emotions ang nararamdaman ni Arron sa itinakbo ng relasyon nila ni Jane.

“One year, mixed emotions, e, sobra.

"Masaya na naging part siya ng buhay ko.

"Siyempre, hindi naman mawawala yung mga struggles sa relasyon.

“Lahat naman, may struggles. Baka hangga't maaari, aayusin natin.”

Dahil nasa iisang istasyon, may mga pagkakataong nagtatagpo ang landas ng dalawa.

Lahad ni Arron, “Nung [ABS-CBN] Ball, nagkita kami. Binati ko siya dun. Okay naman.

“Nung nalaman ko na siya ang napiling Darna, kinongrats ko siya. Sumagot naman siya sa akin."

Nanghihinayang ba siya na pinakawalan niya si Jane?

“Well, hindi naman. Kasi, ang ganda rin naman ng pagsasama namin.

"Regardless with everything, minahal namin ang isa't isa talaga.

“I'm very happy, sobrang masaya ako sa kanya.”

Posible bang magkabalikan sila?

“Hindi ko alam, e, malay mo, di natin masabi,” pagngiti pa ni Arron.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arron Villaflor on ex-girlfriend Jane de Leon: "Regardless with everything, minahal namin ang isa't isa talaga. I'm very happy, sobrang masaya ako sa kanya.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results