Billy Crawford, Coleen Garcia defend Luis Manzano, other celebs accused of not helping Taal evacuees

by Bernie V. Franco
Jan 16, 2020
Celebrity couple Billy Crawford and Coleen Garcia defend friend Luis Manzano and other celebrities who are accused of not helping Taal evacuees.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa halip na magreklamo, tumulong na lang.

Ito ang mensahe ng mag-asawang Billy Crawford, 37, at Coleen Garcia, 27, kaugnay ng pamba-bash ng ilang netizens sa kaibigan nilang si Luis Manzano at iba pang artista kaugnay sa pagtulong sa Taal evacuees.

Libo-libong residente ng Batangas ang naapektuhan sa pagputok ng Taal Volcano noong January 12, 2020.

Apektado rin ang mga kalapit lalawigan gaya ng Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, at maging ang Metro Manila.

Ilang netizens ang nag-akusa sa mga artista kagaya nina Luis, Alex Gonzaga, at Alden Richards na hindi raw tumutulong sa Taal evacuees.

Umalma naman sina Luis, Alex, at ama ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. at sinabing hindi kailangang ipangalandakan ang ginawa nilang pagtulong.

BILLY, COLEEN SUPPORT CELEBS’ QUIET EFFORTS

Kinatigan ng mag-asawang Billy at Coleen ang tahimik na pag-aabot ng tulong ng mga kapwa nila artista.

Sabi ni Billy, “Personally, sa mga kilala naming... mga kaibigan namin, hindi sila ma-post na tao.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Coleen, “They’re all very generous.”

Ayon pa kay Billy, bukal sa loob ang pagtulong ng kanilang mga kaibigan kaya hindi kailangang i-post pa sa social media.

Sabi naman ni Coleen, “Kami rin naman, we do our part also to help, but we don’t really post about it.”

Diin ni Billy, sa halip na mam-bash, tumulong na lamang.

“Kesa sa magreklamo na lang siguro tayo, tumulong na lang tayo kesa mag-bash ng tao.

“It’s a crucial period in people’s lives right now kasi medyo delikado na tayo.

“Let’s pray and let’s act kesa magsalita.

“Let’s just act,” panawagan ng Kapamilya singer-TV host.

Ayon kay Coleen, walang masama kung ipinu-post ng iba ang ginagawa nilang pagtulong.

“Although may mga others kasi who are posting, and hindi rin naman masama.

“It’s also encouraging others to help as well, and calling other people to action.

"So, wala rin namang masama sa pag-post."

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph at ilan pang reporters ang mag-asawa sa block screening ng pelikulang Mia, na pinagbibidahan nina Coleen at Edgar Allan Guzman.

Naganap ang block screening sa SM Megamall Cinema 12 nitong Miyerkules, January 15.

LUIS, ALEX, AND ALDEN’S FATHER REACT TO ACCUSATIONS

Pinag-usapan si Luis dahil sa akusasyong pagiging overpriced umano ng face masks na ibinebenta sa kanyang online business.

Kinastigo rin ng ibang netizens si Luis na inuna raw ang negosyo sa halip na tumulong, lalo pa’t ang mga apektado ay kababayan niya sa Batangas.

Inalmahan ito ni Luis at sumagot na hindi kailangang ipangalandakan sa social media ang pagtulong.

Si Luis ay anak ni Vilma Santos-Recto, representative ng Lipa, Batangas, na kabilang sa mga apektadong lugar.

Pinatotohanan naman ni Vilma ang sinabi ni Luis dahil nag-post sa Instagram ang actress-politician ng pasasalamat dahil sa pag-aabot ng relief goods ng anak para sa mga nasalanta.

Sinagot din ni Alex at ama ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. ang bintang ng netizens na hindi tumulong ang dalawa sa mga biktima ng Taal eruption.

Continue reading below ↓

Ang boyfriend ni Alex na si Mikee Morada ay konsehal sa Lipa City.

COLEEN SAYS FILM IS TIMELY

Samantala, sinabi ni Coleen na napapanahon ang Mia na kanyang kauna-unahang title role sa pelikula.

Bukod sa pagiging romantic movie, isang advocacy film raw ito tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Aniya, “It’s very timely, very relevant today, kasi one big thing is the environment.

“Siyempre, after everything we’ve been experiencing—global warming, climate change, and all—so it’s important also to educate our viewers when it comes to that.

“So, this film, it attempts to do so, but in a very entertaining way.

“So, sana may matutunan yung mga tao pag napanood nila ito, may mauwi sila na lessons, at saka siyempre mga ngiti at the same time.”

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang Mia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couple Billy Crawford and Coleen Garcia defend friend Luis Manzano and other celebrities who are accused of not helping Taal evacuees.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results