Ryza Cenon not worried about non-renewal of ABS-CBN franchise

by Rose Garcia
Jan 16, 2020
Ryza Cenon on being misinterpreted because of her attitude: "Hindi ako plastic na tao na kapag meron akong nakita o kailangang sabihin, sinasabi ko. Kahit masaktan pa yung tao, sinasabi ko talaga."
PHOTO/S: Rose Garcia

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ryza Cenon ang insights niya sa wala pa ring kasiguraduhang franchise renewal ng ABS-CBN, lalo na’t bagong Kapamilya pa lang siya.

Lumipat si Ryza sa ABS-CBN noong April 2018 pagkatapos ng 12 taong pananatili sa GMA-7.

Saad ng 32-year-old actress, “Actually, tinanong ko rin po sa Viva about it. Tinanong ko kung ano po ang mangyayari.

"And sabi naman, ‘Don’t worry, hindi namin kayo pababayaan. Kung wala man, meron naman tayong ganito, may digital naman.’

“So, wala raw dapat ikatakot.

“Hindi ako natatakot, kasi may tiwala ako sa Viva at sa ABS-CBN.”

Viva Artists Agency ang nagma-manage sa career ni Ryza.

Kung personal niyang makakausap si Pangulong Rodrigo Duterte, na mahigpit na tinututulan ang pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN, ano ang sasabihin niya rito?

“Siguro ako, kung may problem man between ABS-CBN and President Duterte, sana huwag nang idamay lahat, lalo na yung mas mababa pang nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

“Yun talaga ang concern ng lahat,” sabi ni Ryza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa isang coffee shop sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, noong Enero 12, Linggo.

UPS AND DOWNS

Mistulang roller-coaster ride ang nakaraang taon sa buhay at career ni Ryza—ups and downs.

“Kasi, yung mga project, mga blessing na natanggap ko,” paliwanag ng Kapamilya actress.

“Siguro, yung pag-transfer ko, yung napasama ako sa mabibigat na artista. Yun talaga ang highlights.

“Sa The General’s Daughter, sa Ang Probinsyano, na-experience ko siya nang ganoon kabilis.”

Ang itinuturing na downs ni Ryza ay iyung mga negatibong isyu na ibinato sa kanya.

“Siyempre, noong lumipat ka, yung mga negative na ibinabato ng mga tao.

“Iba pa yung mga kumakalat na chismis. May attitude problem daw ako, yung mga yun.”

Nagugulat na lang daw si Ryza na biglang may lalabas na tinitira siya o sinasabihan siyang may attitude.

Naapektuhan siya?

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Siyempre, alam mo yung gusto mong depensahan ang sarili mo.

"Pero ayaw mo rin naman na lumaki nang lumaki, manganak nang manganak.

“So siyempre, parang pinili ko na tumahimik na lang.”

Ano ang pinanggagalingan ng negatibong isyu sa kanya?

“Hindi ko alam. Siguro, tahimik akong tao.

"Kahit sa taping, siguro hindi sila sanay na once nag-question ako or nagsalita ako, hindi sila sanay na ganoon ako.

“Parang nami-misinterpret nila na nagrereklamo ako or nagsusungit ako.

"So, baka sanay lang sila na hindi ako nagsasalita. Yun lang siguro yun."

REAL-LIFE KONTRABIDA?

Posible ring dahilan ang pagiging kontrabida ng karakter ni Ryza.

“Baka dahil kontrabida ako, nadadala nila in real life. Naiisip siguro nila na yun na ako.”

Nasasaktan ba siya kapag may nagsabing kontrabida rin siya sa totoong buhay?

“Oo, minsan,” pag-amin ni Ryza.

“Tao lang din naman ako. Pero at the end of the day, kikala ko rin naman ang sarili ko.

Continue reading below ↓

“And as long as kilala mo ang sarili mo at wala kang tinatapakan, at yung mga taong nasa paligid mo ay totoong nakakakilala sa ‘yo, okay ako.”

Mas gusto niyang lapitan o kumprontahin na lang siya kung may isyu sa kanya ang isang tao.

“Mas gusto ko yun na puntahan nila ako, kumprotahin nila ako kung may isyu talaga sa akin ang isang tao, kesa ikinakalat nila nang ikinakalat na mali ang impormasyon.

“Kasi, parang hindi siya nakakatulong.

“Kung may problema ka at gusto mong ma-solve, bakit hindi ka lumapit sa akin at kausapin mo ako about it?”

Saan siya pinakanasasaktan?

“Pinakanasasaktan ako kapag nalaman ko na akala ko, kakampi ko siya, 'tapos malalaman ko, siya pala ang naninira or nagkakalat doon sa issue.

“Iyon ang nasasaktan ako.”

Kung may naninira o nami-misinterpret man siya, ano ang puwede niyang gawin para mawala ito?

Ayon kay Ryza, “Actually, iniisip ko kung ano ba talaga. Kasi, may mga nagsasabi na just be yourself. As long as wala kang tinatapakan, huwag kang magbabago.

Continue reading below ↓

“May iba naman, nagsa-suggest na kailangan, go with the flow, makipagplastikan ka lang.

"Ang hirap kasi for me dahil hindi ako ganoong klase ng tao.

“Hindi ako plastic na tao na kapag meron akong nakita o kailangang sabihin, sinasabi ko.

"Kahit masaktan pa yung tao, sinasabi ko talaga. So, hindi ko alam.”

Sa palagay niya, binago na siya ng showbiz?

“Feeling ko, mas matapang ako ngayon,” nakangiti niyang pakli.

“Before kasi, tanggap lang ako nang tanggap.

"Now, medyo lumalaban ako nang konti. Konti lang.

“Siguro, it’s more on mas kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at this point.

"Dati kasi, tanggap lang ako nang tanggap.

“Siguro, yun ang nabago ngayon.

"Bilang introvert, yun ang mahirap sa akin. Trabaho-bahay lang talaga ako.”

RYZA TRAVELS

Ilang araw bago magtapos ang 2019 ay nag-travel si Ryza. Nagpunta siya ng Peru, Hong Kong at Cambodia.

Naakyat niya ang Machu Picchu, ang sikat na tourist destination sa Peru.

Continue reading below ↓

“Mahirap siyang i-hike kasi eight hours siyang hina-hike. Parang half day.

"Pero isa rin siya sa wonders of the world. Maganda siya.

“Alam mo yung paghihirap mo, pagdating mo sa tuktok, sobrang ganda!”

Nahirapan si Ryza dahil nagkaroon siya ng altitude sickness. Yun ang pinakamataas na na-hike niya.

Umuwi siya sa Pilipinas noong December 23 dahil tuwing December 24, namimigay siya ng mga pagkain sa streetchildren.

Sa halip na sa bahay nagno-noche buena, namamahagi si Ryza sa daan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on being misinterpreted because of her attitude: "Hindi ako plastic na tao na kapag meron akong nakita o kailangang sabihin, sinasabi ko. Kahit masaktan pa yung tao, sinasabi ko talaga."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results