Alex Gonzaga releases video of Mikee Morada's proposal to her in Hong Kong

by Jet Hitosis
Jan 17, 2020
Lipa City, Batangas Councilor Mikee Morada proposes to TV host-vlogger Alex Gonzaga while in Hong Kong, two days after Christmas Day 2019.
PHOTO/S: @cathygonzaga on Instagram

Noong nakaraang buwan pa pala engaged si Alex Gonzaga kay Mikee Morada.

Ito ang natuklasan sa latest vlog na in-upload ng 32-anyos na TV host-vlogger ngayong Biyernes, January 17, 2020.

Ipinost din ni Alex sa Instagram ang vlog.

Tampok sa vlog ni Alex ang aktuwal na marriage proposal sa kanya ni Mikee, konsehal ng Lipa City, Batangas.

Continue reading below ↓

December 27, 2019 nang nag-propose si Mikee sa TV host-vlogger habang namamasyal sila sa 1881 Heritage sa Kowloon, Hong Kong.

Kasama nina Alex at Mikee ang mga magulang ng una na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty Gonzaga.

Makikita sa video na naglalakad sina Mikee at Alex kasunod ang mga magulang ng huli nang biglang huminto ang magkasintahan.

Nang lumuhod si Mikee sa harap ni Alex, natatawang napatalon ang dalaga—na tuluyang napaupo nang ilabas na ng nobyo ang engagement ring.

Kinikilig na natatawa si Alex habang pinagmamasdan ang ngiting-ngiti pero hindi makapagsalitang boyfriend.

Naibulalas tuloy ng dalaga: “Ano, tulungan niyo!”

Dun na itinanong ni Mikee: “Will you marry me?”

Tumawa muna nang tumawa si Alex bago sumagot ng “Yes!”

MIKEE PROPOSES TO THE BRIDE'S PARENTS

Sa dinner pagkatapos, inusisa ni Alex kung bakit mistulang hindi nagulat sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty sa marriage proposal ni Mikee.

Inamin ni Mommy Pinty na una nang “nagsabi” sa kanila si Mikee tungkol sa gagawin nitong proposal.

Continue reading below ↓

Habang nagdi-dinner, masayang paulit-ulit na sinisipat ni Alex ang suot niyang engagement ring.

Sabi pa niya sa camera, “Sobrang saya ng puso ko, di niyo alam.”

“BETHROTHED AND MAY FIANCÉ”

Sa huling bahagi ng video, sinabi ni Alex: “Pumunta ako ditong single, ngayon uuwi ako ng Pilipinas nang betrothed and may fiancé.”

Huwebes ng gabi, January 16—32nd birthday ni Alex—nang i-announce niya sa social media na engaged na siya kay Mikee.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ng picture niya habang nakayakap kay Mikee, nagpasalamat ang TV host-vlogger sa mga bumati sa kanyang kaarawan.

Kitang-kita naman sa litrato ang engagement ring na suot ni Alex.

Continue reading below ↓

October 2019 nang ipinagdiwang nina Alex at Mikee ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lipa City, Batangas Councilor Mikee Morada proposes to TV host-vlogger Alex Gonzaga while in Hong Kong, two days after Christmas Day 2019.
PHOTO/S: @cathygonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results