Magkasamang namahagi ng tulong at relief goods ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano.
Nag-post ng ilang litrato mula sa relief operations ang ina ni Daniel na si Karla Estrada, sa Instagram account nito, kahapon, January 17.
Saad ni Karla sa caption (published as is): "Hawak kamay tayo kasama ang kathniel at buong Team na kasama sa pag-Kawang gawa."
Ayon sa Instagram stories ng Star Magic PR Manager na si Thess Gubi, sa evacuation center sa Bonliw, San Luis, Batangas, bumisita ang KathNiel love team.

May ilang netizens din ang nag-post ng mga litrato nina Kathryn at Daniel habang namamahagi ng tulong sa evacuees.
May evacuees ding nagpa-picture kasama ang dalawang prime artists ng ABS-CBN.
Bukod kina Kathryn at Daniel, ang ilan pang celebrities na napabalitang tumulong sa evacuees ay sina Angel Locsin, Judy Ann Santos, Sofia Andres, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Rocco Nacino, at Dingdong Dantes.
Maging ang cast ng teleseryeng A Soldier's Heart na pinangungunahan nina Gerald Anderson at Carlo Aquino ay nagbigay rin ng tulong sa evacuees sa Batangas City.
May mga celebrities pa ring kusang tumulong ngunit hindi na nag-post sa social media.
