PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas reveals final straw in falling-out with Jiro Manio: "Nawalan na ako ng pag-asa."

Ai-Ai delas Alas reveals she has no more communication with Jiro Manio since he left a rehabilitation center in Bataan.
by Jojo Gabinete
Published Jan 19, 2020
Ai-Ai delas Alas on wasted efforts to help Jiro Manio: "Nasa rehab ka, bakit ka nagma-marijuana? Ako, bilang nanay-nanayan niya, siguro alam ng Nasa Itaas kung anong effort ang nagawa ko at naitulong ko sa kanya, na sana pinahalagahan niya."
PHOTO/S: @aiaidelasalas Instagram / Marikina City Police

Nababanggit ang pangalan ni Ai-Ai delas Alas sa frustrated homicide case na isinampa laban kay Jiro Manio.

Ito ay dahil siya ang kumupkop, nag-alaga, at nagpasok sa dating child actor sa rehabilitation center noong 2015.

Sinampahan si Jiro ng kasong frustrated homicide dahil sa pananaksak niya diumano sa isang kinilalang Zeus Doctolero sa Barangay San Roque, Marikina City, noong Biyernes, January 17, 2020.

Nadadamay sa isyu ang pangalan ni Ai-Ai dahil siya ang inaasahang tutulong kay Jiro sa kasong kinakaharap nito.

Nagkatrabaho sila noon sa mga pelikulang Ang Tanging Ina, Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, at Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!).

Pero nilinaw ng Comedy Queen na matagal na silang walang komunikasyon ni Jiro kaya hindi niya alam ang mga nangyayari sa buhay ng dating child actor.

Ipinagtapat ni Ai-Ai na pinutol nito ang komunikasyon kay Jiro nang malaman niyang gumagamit ng marijuana ang huli kapag lumalabas ito mula sa isang drug rehabilitation center sa Bataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram video ngayong Linggo, January 19, paliwanag ni Ai-Ai:

"May nagsumbong sa akin na nagma-marijuana siya uli.

"So, yun ang time na sabi ko, 'Wala na 'to.'

"Parang pakiramdam ko, yung lahat ng binuhos kong effort, lahat ng binuhos ko na tulong, pangaral, suporta sa pamilya, parang natapon na lang nang ganoon.

"Nasa rehab ka, bakit ka nagma-marijuana?"

Sumuko raw si Ai-Ai dahil hindi niya nakitaan ng pagbabago ang itinuring na anak-anakan.

Patuloy ni Ai-Ai: "So, parang ang dating sa akin, napagod na ako.

"Yung isinumbong sa akin na iyon, siguro after ilang days o ilang weeks, nagsabi na siya sa akin ng 'Mama, lalabas na ako ng rehab.'

"So ako, wala na. Nawalan na ako ng pag-asa. 'Wala na, hindi na magbabago si Jiro.'"

AI-AI'S EFFORTS TO SUPPORT JIRO

Dalawang beses na ipinasok ni Ai-Ai sa drug rehabilitation center si Jiro.

Una noong 2015 sa isang private rehabilitation center sa Quezon City kunsaan walong buwang namalagi si Jiro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pangalawa ay sa isang drug rehabilitation center sa Bataan kunsaan halos dalawang taong namalagi si Jiro.

Pero napagtanto raw ni Ai-Ai na hindi seryoso si Jiro sa pagsailalim nito sa rehabilitation program.

Desisyon daw ng comedienne-actress: "Tutal, nung ipina-rehab ko siya, 23 years old siya... 24, 25, 26… matanda na siya. Hindi naman siya 17 o menor de edad.

"So, sabi ko, 'Siguro, tama na yung nagawa ko para sa kanya.'

"Nung magpaalam na siya, ibinlock ko na siya. Hindi ko na pinansin.

"Ano pa ang magagawa ko? Kung yun ang gusto niya, e, matanda na siya."

Mula noon ay kargo na raw ni Jiro ang sarili nito, lalo pa't ito raw ang kusang umalis ng rehabilitation center sa Bataan.

"At ang pakiramdam ko rin, kung nakakauwi na siya sa Maynila, so pakiramdam ko, okey na siya.

"Until nawalan kami ng communication for one and a half year.

"I think, 2018... 2019 until ngayon, etong nangyari sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa pa rin daw si Ai-Ai na ma-realize rin ni Jiro ang mga pagkakamali nito.

"Ako, bilang nanay-nanayan niya, siguro alam ng Nasa Itaas kung anong effort ang nagawa ko at naitulong ko sa kanya, na sana pinahalagahan niya.

"At sana, yung pamilya niya rin, kahit papaano, sinuportahan siya sa lahat ng bagay. Siguro, hindi siya nasa ganyang sitwasyon."

PRAYING FOR JIRO

Sa huli, sinabi ni Ai-Ai na patuloy niyang ipinagdarasal na mapabuti si Jiro.

"Ang magagawa ko po ngayon ay magdasal. At hinihingi ko rin po na ipagdasal natin siya.

"Na malinawan ang isip niya kung anuman po ang mangyari sa kanya ngayon.

"Na sana ay matuto siya sa lahat-lahat ng pinagdaanan niya sa buhay niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinulungan ni Ai-Ai noon si Jiro para makabalik sa showbiz. Nagrenta siya ng condominium unit na titirhan ni Jiro at ng pamilya nito.

Pero sa huli, tumangging bumalik sa showbiz ang former child actor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on wasted efforts to help Jiro Manio: "Nasa rehab ka, bakit ka nagma-marijuana? Ako, bilang nanay-nanayan niya, siguro alam ng Nasa Itaas kung anong effort ang nagawa ko at naitulong ko sa kanya, na sana pinahalagahan niya."
PHOTO/S: @aiaidelasalas Instagram / Marikina City Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results