Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ellen Adarna, Liz Uy exchange messages on Instagram

by Rachelle Siazon
Jan 19, 2020
Fashion stylist Liz Uy reacts to Ellen Adarna being active again on social media: "You’re alive!!!!!!!" Ellen appears to have broken up with boyfriend John Lloyd Cruz, and has been spending time in Europe since Christmas 2019.
PHOTO/S: @katetorralba via @maria.elena.adarna / @lizzzuy Instagram

Nagkapalitan ng maikling mensahe sina Ellen Adarna at Liz Uy matapos i-post ng sexy star ang kanyang latest headshot na kuha mula sa pagbabakasyon niya sa Europe.

Umani ito ng papuri mula sa ilang kakilala ni Ellen sa showbiz, kabilang na ang fashion stylist na si Liz.

Tila excited na komento ni Liz, "You’re alive!!!!!!!" Nilapatan pa ito ni Liz ng shining emoji.

Continue reading below ↓

Masiglang sagot ni Ellen, "@lizzzuy yas maaaa!!! Anuney mamshhhh ahahah."


Tila nagkaintindihan ang dalawa bagamat wala nang sumunod na komento sa kanilang kumustuhan.

Kakatwang magkasundo sina Ellen at Liz, na parehong naugnay kay John Lloyd.

Pero bago pa man naging sina John Lloyd at Ellen ay nagkakabiruan na sina Liz at Ellen dahil may common friends sila sa showbiz.

Continue reading below ↓

Si Liz ay nakarelasyon ni John Lloyd, na noon ay hindi pa showbiz A-lister, nang mahigit tatlong taon. Nagkahiwalay sila noong 2009.

Taong 2017 naman nang maging magkarelasyon sina Ellen at John Lloyd, na matinee idol at box-office star na noong panahong iyon.

Mayroon silang one-year-and-six-months old na anak na lalaki.

Ngunit noong August 2019 ay pumutok ang balitang hiwalay na diumano sina Ellen at John Lloyd at nagkasundong mag-co-parenting na lamang sa kanilang anak.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naglalabas ng pahayag sina Ellen at John Lloyd hinggil sa isyu.

BLOOMING ELLEN

Pagpasok ng taong 2020, naging aktibo muli si Ellen sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account.

Dito ay makikita ang ilang litrato ng pagbabakasyon ni Ellen sa Europe.

Isa pa sa nagkomento sa kanyang profile photo ay si Gretchen Barretto na nagsabing "beautiful" si Ellen.

Sagot ni Ellen, @gretchenbarretto just like you!!!"

"Omg nabuhay its official," dagdag ni Isabelle Daza na may perfect at blowing kiss emojis.

Continue reading below ↓

Nagkomento naman ng "aba aba aba" kalakip ng isang high five emoji si Dominic Roque.

Tongue sticking-out emoji ang tanging sagot ni Ellen.

"There she is," hirit pa ng lifestyle host na si Bianca Valerio.

Sumagot ulit si Ellen ng blowing kiss emojis.

Continue reading below ↓

Matagal din kasing hindi nagparamdam si Ellen sa social media mula nang lumayo sila ni John Lloyd sa showbiz.

Huling napanood si Ellen sa ABS-CBN weekly sitcom na Home Sweetie Home noong October 2017.

GOOD TIMES IN SPAIN

Kung anu't ano man, tila sinulit nang husto ni Ellen ang kanyang bakasyon sa Europe.

Kasama ni Ellen na lumibot sa Spain si Kate Torralba, isang kaibigan na nilarawan niyang "best travel buddy."

Noong Lunes, January 13, ipinakita ni Ellen ang pagkain nila sa isang restaurant, kasama ang dalawang lalaking mukhang mga foreigner.

Isa sa mga ito ay mula sa Madrid, Spain, na hilig ang pag-travel sa iba't ibang lugar.

Kalakip nito ang caption ni Ellen na "Block block block!!!! No [f***s] given."

Walang ibang eksplanasyon si Ellen sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Sa mga sumunod na Instagram Stories ni Ellen, ipinakita niya ang ilan pang video clips ng pamamasyal nila ni Kate.

Nag-rent sila ng sasakyan na ang driver ay isang foreigner, na minsan na umanong napagmaneho ang Hollywood star na si Leonardo Dicaprio.

"I was with his friends. But I was with only him alone in the car for a couple of hours," kuwento ng driver.

Biro ni Ellen, "Next time you drive for him, tell him I am the one for him. Ellena is the one for him. He just doesn't know it yet."

Um-oo naman ang driver, pero nilinaw na isang beses lang daw nangyari iyon.

Continue reading below ↓

Sa kanilang road trip ay nag-enjoy din si Ellen sa pagkanta habang nagpapatugtog, tulad ng kantang "Shake It Out" ng Florence + Machine.

Bigay na bigay na kanta ni Ellen, "And every demon wants his pound of flesh
/ But I like to keep some things to myself / I like to keep my issues strong / It's always darkest before the dawn."

Continue reading below ↓

Ayon kay Ellen, sa mga susunod na araw ay pabalik na siya sa Maynila matapos ang halos isang buwang bakasyon sa Europe.

Noong December 2019, una nang naiulat ang pagdiwang niya ng Pasko sa Germany, kasama ang anak nila ni John Lloyd.

Kasama rin niya ang ilang kapamilya na nagbakasyon sa Europe, pero tila nauna nang umuwi ang mga ito.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fashion stylist Liz Uy reacts to Ellen Adarna being active again on social media: "You’re alive!!!!!!!" Ellen appears to have broken up with boyfriend John Lloyd Cruz, and has been spending time in Europe since Christmas 2019.
PHOTO/S: @katetorralba via @maria.elena.adarna / @lizzzuy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results