PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dina Bonnevie on telling off unprofessional co-stars: "Hindi ako plastic."

Dina Bonnevie says she lectures young stars about professionalism when necessary.
by Bernie V. Franco
Published Jan 23, 2020
Dina Bonnevie: "Sa akin, advantage na alam ng tao na diretso ako, na prangka ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Naniniwala si Dina Bonnevie, 59, na pumapabor sa kanya ang reputasyong prangka pagdating sa trabaho.

Paliwanag ng seasoned actress, hindi siya mangingiming sabihan ang mga baguhang artista kung hindi sila professional sa trabaho.

Noong 2018, sa isang interview ay ikinuwento ni Dina kung paano niya tinalakan ang isang young actress na nakatrabaho niya sa teleserye dahil sa unprofessionalism nito.

Hindi pinangalanan ni Dina kung sino ang young actress at kung saang teleserye niya ito nakatrabaho.

Pero abot-abot daw ang sermon na ibinigay niya sa young actress dahil pinaghihintay nito ang senior co-actors, kabilang na si Dina.

DINA: "HINDI AKO PLASTIC."

Sa presscon ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday, ang upcoming primetime series ng GMA-7, nagpaliwanag si Dina kung bakit sa tingin niya ay advantage ang kanyang pagiging prangka.

“Sa akin, advantage na alam ng tao na diretso ako, na prangka ako, kasi at least, alam nila na hindi ako plastic, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I tell you like it is, and I say what’s really in my mind.

“Hindi yung, ‘Ang ganda,’ biglang [manlalait kapag nakatalikod]. Hindi, e. Hindi ko kaya.”

Biro pa ni Dina, ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw niyang pasukin ang pulitika, kahit hinihikayat siya ng kanyang mister na si Ilocos Sur Congressman Deogracias Victor "DV" Savellano.

“Actually, yun pala ang bawal sa politician. Hindi daw puwede ang maging prangka,” nangingiting sabi ni Dina.

Ginanap ang presscon ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City, noong Martes, January 21.

PROFESSIONAL CO-STARS

Kasama ni Dina sa teleseryeng ito si Snooky Serna at ang Kapuso young stars na sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Ayon kay Dina, kung kinakailangan ay hindi siya magdadalawang-isip sabihan ang mga nakababatang co-stars kung hindi ito mga professional.

“Yeah, I tell them.

“Pero dito kasi sa set na ito, no need, because they’re so professional, sobrang on time.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi katulad ng mga ibang soap na ginawa ko na dun pa lang sa set na nagme-memorize ng lines."

Papuri pa ni Dina sa kanyang co-stars sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday, “Sila, pagdating sa set, habang nagba-blocking, they know their lines.

“Hindi sila yung tipong habang nagba-blocking, naka-phone, ‘no.

“They're so different, very disciplined, very professional, so no need to tell them.

“Pero if they were not like that, I would tell them.

“Kasi usually, I say, ‘Papunta pa lang kayo, pabalik na ako. Hindi kayo sisikat kung ganoon kayo, hindi professional.’

"Pero sila, they’re so professional," pagtukoy niya kina Barbie at Kate.

Paalala pa ni Dina sa young stars ngayon: “They should be professional, hindi yung kami yung naghihintay pa sa inyo o magme-memorize ka ng lines kung kailan nagba-blocking na.”

Tinanong si Dina kung nasa showbiz pa ang mga young stars na nasabihan niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro they’re there, pero hindi ganoon ka-big star,” nangingiting sagot ng award-winning actress.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie: "Sa akin, advantage na alam ng tao na diretso ako, na prangka ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results