PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza has no problem with boyfriend Jak Roberto's topless photos

Barbie Forteza does not mind Jak Roberto posting topless pics on Instagram.
by Bernie V. Franco
Published Jan 23, 2020
Kapuso actress Barbie Forteza not bothered by boyfriend Jak Roberto's topless photos: "[It's] not for me to… parang restrict him from... kasi dun siya nakilala na talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal / @jakroberto on Instagram

Hindi raw isyu kay Barbie Forteza, 22, ang pagpu-post ng boyfriend na si Jak Roberto, 26, ng topless photos nito sa social media.

Paliwanag ni Barbie, bago pa man sila naging magkasintahan, nakilala na si Jak sa pagta-topless at six-pack abs nito.

“Yes, of course, kasi before we even got together, yun na talaga yung image niya.

"And dun siya nakilala, dun siya nagkaroon ng Pambansang Abs title.

"So, it’s not for me to… parang restrict him from... kasi dun siya nakilala na talaga."

Pagtatanggol pa ni Barbie, hindi naman bastusin ang pagta-topless ng kanyang kasintahan.

“And hindi naman siya super laswa. Hindi naman siya, like, todo yung ganun.

“I think, gusto rin niyang ipagyabang yung pinaghirapan.

"Siyempre, hindi naman ganoon kadali yun, yung magkaroon ng six pack, mahirap yun.

"So, I think, tama lang din na kahit papano i-brag ang kanyang pinaghirapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya nababahala na marami ang nagpapantasya sa kanyang boyfriend?

“Hindi naman," sagot ni Barbie.

“Actually, mas parang compliment iyon sa kanya, na parang natutuwa ako.

"Kasi, mas maraming nagko-compliment sa kanya because of the photos, kesa nambabastos… parang ganun.

“Mas maraming pumupuri sa kanya kesa yung mga namba-bash, so it’s a good sign.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang tinaguriang Kapuso Primetime Princess sa presscon ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday nitong January 21, Martes.

KEEPING IT REAL

Ang tambalan nina Jak at Barbie ay kilala rin sa tawag na JakBie.

Dahil mayroon silang following, pumapatok ang kanilang YouTube videos.

Naniniwala si Barbie na isang dahilan kaya naaaliw sa kanila ang netizens ay dahil sa pagiging natural nila ni Jak sa videos.

Kaya naman daw hangga’t maaari ay nagpapakatotoo sila sa harap ng camera.

Saad ni Barbie, “We stay raw and we stay as natural as kung ano lang kami talaga.

“Wala kaming conscious effort na, ‘O, kailangan meron tayong magandang image as a couple.’

“Kung sino lang talaga kami.

"Kasi siyempre, kaya rin naman kami nag-vlog, para i-share rin namin sa mga tao kung papa'no kami talaga na magkarelasyon, kung paano kami as a couple, kung ano yung difference namin from other couples, kung ano yung parang relatable parts sa amin ng ibang couples na ordinaryong tao.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa kanyang acting career, isa pang pinagkakaabalahan ni Barbie ay ang vlogging.

Sa katunayan, mayroon na siyang 640,000 subscribers sa YouTube.

Paliwanag ni Barbie tungkol sa kanyang hilig sa vlogging, “I take it as a hobby, not really parang another profession.

“I just have fun doing it.

“I see Jak having fun as well, and we earn from it, and that’s good.

“So, ayun, masaya lang kasi parang hobby turned to paid profession.”

Ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ay pinagbibidahan din nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Kate Valdez, Jay Manalo, Migo Adecer, Teresa Loyzaga, Jean Saburit, Tanya Montenegro, Benedict Cua, at Celia Rodriguez.

Magsisimulang umere ang Kapuso primetime series sa January 27.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Barbie Forteza not bothered by boyfriend Jak Roberto's topless photos: "[It's] not for me to… parang restrict him from... kasi dun siya nakilala na talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal / @jakroberto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results