Megan Young, Mikael Daez are now married

by Justine Punzalan
Jan 25, 2020
Megan Young and Mikael Daez's nine-year relationship culminates into an intimate wedding held earlier today, January 25, 2020, at a church in Subic, Zambales.
PHOTO/S: @meganbata on Instagram

Ikinasal ang long-time showbiz couple na sina Megan Young at Mikael Daez ngayong Sabado, January 25, 2020.

Ginanap ang intimate wedding nila sa San Roque Chapel sa Subic, Zambales, kasama ang kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Makikitang lubos ang saya ng dalawa base sa posts nila sa Instagram bandang alas tres ng hapon sa araw ring ito.

Continue reading below ↓

Taong 2017 nang kumpirmahin ni Mikael ang romantic relationship nila ng Miss World 2013 na si Megan.

"I've been with Megan Young for six years and first time kong inaamin iyan," ang sabi ng Kapuso leading man noong siya ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng teleseryeng Legally Blind.

Kasunod ng kanilang pag-amin, naging saksi ang publiko sa iba't ibang dates at travel adventures na parehong ibinabahagi nina Mikael at Megan sa kanilang social media accounts.

Pero naging "quiet lang" sila pagdating sa pagpaplano ng kanilang kasal.

Noong May 19, 2019, nang tanungin ng PEP.ph si Megan kung kelan ang plano nilang magpakasal ni Mikael, heto ang sagot ng beauty queen, “No. You’ll just find out one day if we’re married siguro. Ganun na lang.

“Alam niyo naman kami, quiet lang naman kami.”

Lingid sa kaalaman ng marami, taong 2015 pa lamang ay engaged na si Mikael at Megan.

Continue reading below ↓

Isinalaysay nila ito sa kanilang interbyu kasama ang Metro, na inilabas rin ngayong Sabado, January 25, 2020.

Ani Mikael, "When I proposed, I [didn't even] have a ring.

"It was so spur of the moment! I felt that I wanted to ask her something.

"We were just hanging out in the room and I just felt it.

"Usually dapat bongga or may plano kahit papano, but I was spontaneous."

Agad itong sinagot ni Megan ng "Yes!" pero nagdesisyon muna silang isikreto ito sa lahat ng kanilang mga kakilala, pati na rin sa kanilang mga magulang.

"We just wanted to enjoy and think of our future together without anyone else yet, " sabi ni Megan.

Noong January 6, 2020, ipinagdiwang nina Megan at Mikael ang kanilang ninth anniversary as a couple.

Continue reading below ↓

Gaya ng kanilang engagement, lingid rin sa kaalaman ng marami na noong January 10,2020, ginanap na ang unang kasalan nila Mikael at Megan.

Naging pribado at taimtim ang selebrasyon sa Calaruega Church sa Tagaytay City na kinabibilangan lamang ng kani-kanilang mga pamilya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young and Mikael Daez's nine-year relationship culminates into an intimate wedding held earlier today, January 25, 2020, at a church in Subic, Zambales.
PHOTO/S: @meganbata on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results