Manila Mayor Isko Moreno emotional about "maepal" accusation

by Jojo Gabinete
Jan 25, 2020
Mayor Isko Moreno to detractors: "Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyo na panagutan ko sa batas kung mali ang pagtulong sa taumbayan sa ibang klase, uri, at makatuwirang pamamaraan na hindi ginagamit na parang balewala na lang ang kaban ng bayan. Pera ng pribado, itinulong sa tao, mali?"
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Napaiyak si Manila City Mayor Isko Moreno nang sagutin nito ang paratang na "maepal" siya.

Ang akusasyon ay nanggaling kay Atty. Fahima Tajar, isang human rights lawyer, na pumansin sa mga billboards ng product endorsements ni Mayor Isko sa EDSA.

Pinansin din ni Atty. Tajar ang sinasabing pagtulong ng mayor sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Kinukuwestyon ni Atty. Tajar ang sinabi ni Mayor Isko na for "a good cause" ang pagtanggap nito ng mga product endorsement, dahil itinutulong niya sa mga mahihirap ang kanyang talent fee, pero ipinahuhuli naman niya ang mga vendor ng Maynila na gusto lamang buhayin ang pamilya.

Litanya ni Atty. Tajar sa Facebook post nito tungkol kay Mayor Isko (published as is):

"So let my recent post be an exercise of your class bias.

"Kapag yung pa-cute na mayor ang lumabag sa batas, okay lang kasi napupunta naman for a 'good cause' through donations ang talent fee n'ya sa endorsements ng produkto.

Continue reading below ↓

"Pero yung vendor na nasa kalsada para magtinda at buhayin ang pamilya n'ya, hindi pwedeng lumabag sa batas kasi hindi yun for a good cause?

"Papakainin mo ‘yung pamilya mo, hindi ba yun good cause?

"Pero yung graffiti artists hindi pwedeng lumabag sa batas kahit protest art yung sinulat or ginawa n'ya sa pader? Hindi ba niya pwedeng i-invoke ang for a good cause?"

Binatikos din ni Atty. Tajar ang mga billboard ng product endorsements ni Mayor Isko, dahil sa pagkondena at pagpapahuli nito sa mga miyembro ng Panday Sining, na nahuling nagsulat ng mga graffiti sa Lagusnilad underpass.

"Vandalism. Lakas maka-invoke na sumunod sa batas eh s'ya yung lumalabag. Kapag ikaw, okay lang?

"For elective local government officials, Section 90 of RA 7160 (Local Government Code) governs: SEC. 90. Practice of Profession. (a) All governors, city and municipal mayors are prohibited from practicing their profession or engaging in ANY OCCUPATION other than the exercise of their functions as local chief executives.

Continue reading below ↓

"Anong mahirap intindihin sa ANY OCCUPATION?"

Buwelta pa ni Atty. Tajar: "Dilaan mo kaya billboards mo."

Ang patutsadang ito ni Atty. Tajar ay nanggaling sa pa-macho noong komento ni Mayor Isko na padidilaan niya sa vandals ang mga graffiti sa pader ng Lagusnilad underpass.


MAYOR ISKO ANSWERS ACCUSATIONS

Malinaw na apektado si Mayor Isko dahil tinalakay niya ito sa kanyang Facebook Live sa Manila City Hall nitong Biyernes ng gabi, January 24.

Continue reading below ↓

Sinagot ni Mayor Isko ang mga akusasyon ni Atty. Tajar: "Nagagalit kayo, pinagalitan ko kayo nang pinturahan ninyo yung pader ng may pader dito.

"E, hiningi ko lang yun, ipinangmalimos ko lang yun dahil dugyot yung underpass.

"O ngayon, sasama ang loob ninyo na nagkaroon ng gobyerno na nagsasaayos lang, o dahil sumama ang loob ninyo, hahanapan ninyo ng butas ng may butas, kahit butas ng karayom, bubutasin ninyo?

"'Tapos kung mangangatuwiran tayo, baluktot? Dapat daw payagan ko ito dahil yung ginawa ko raw, illegal.

"Dahil under Section 90, mema [may masabi lang].

"Anong buti noon sa Batangas? Dahil naiinis ka lang sa pagmumukha ko sa EDSA? Is that fair?

"Dahil minsan kong hinuli ang mga kasamahan mo, e, mali? Dahil baluktot ang pangangatwiran ninyo?"

Sa isang punto ng kanyang pagsasalita ay sumiklab ang galit ng alklade, tumaas ang boses, hanggang sa napaluha siya habang nagsasalita.

Emosyonal na pahayag ni Mayor Isko: "Yung laway niyo, walang bisa!

Continue reading below ↓

"Yung luha ng nanay, hindi niyo kaya yun kasi hindi kayo naging mahirap!

"Yung umiiyak yung tatay, umiiyak yung nanay, may tumor yung anak niya, walang magawa ang gobyerno.

"Walang magawa ang mga mayor, kasi limitado ang kapangyarihan sa paggastos sa isang pasyente dahil milyon… buhay niya?

"'Yan ang tinatamaan ninyo, ng kagalingan ninyo. Diyan kayo magaling!

"O, pumunta kayo dito, dito kayo manood ng tunay na sitwasyon ng tao!

"Makita niyo yung iyak ng ina na may tumor yung anak niya."

Tinira nito ang pagiging abugado ni Tajar: "Magagaling kayo, magaling lang kayo dahil nag-aral kayo, pero yung pag-aaral ninyo, hindi niyo ginamit sa makatuwirang pamamaraan.

"Bakit, palibhasa maganda ang bahay mo, panatag ka na?

"O, lahat ng mga produkto gustong magpaendorso, ieendorso ko kayo, maoperahan lang yung bata na yun,” ang nagpipigil sa galit at naluluhang pahayag ni Isko.

Dagdag pa ng mayor: "Talaga bang kapag kayo’y mga bata ng pulitiko o tao ng pulitiko, wala ba sa inyo ang tinatawag na konting delicadeza na kapag oras ng delubyo, oras ng trahedya, isasantabi natin ang mga kulay natin sa mundo ng pulitika?

Continue reading below ↓

"Akala ko ba, public service ang gusto niyo kaya kayo’y nag-aasam na agawin ang gobyerno?

"Kaya kayo nag-aasam na agawin ninyo ang puwesto ng may puwesto? Akala ko, gusto niyo ng public service?

"Huwag tayong mapanghusga. Kapag delubyo, delubyo; kapag trahedya, trahedya. Walang dapat kulay ng pulitika.

"E, kayo nga, e, di ba epal din kayo? Aba bakit, nagpapa-picture pa kayo habang namimigay kayo ng bigas sa Taal.

"Yung grupo na yun, sa susunod, papangalanan ko kayo."

MAYOR ISKO: THIS IS THE REAL WORLD

Matapos maglabas ng saloobin, humingi ng paumanhin si Isko.

Aniya, "Pasensiya na kayo. I swear to God, I’m sorry, I’m really sorry.

"Ang masakit na portion doon, yung mag-isip ka kung paano magiging maayos yung mamamayan mo, kung paano mo maitawid sila.

"Pagod ka, hindi mo na nakikita yung anak mo.

"Itutulog mo na lang, bibiyahe ka pa ulit para kunin lang yung suspect dahil may mga umiiyak na mahal sa buhay.

Continue reading below ↓

"Sinunog yung anak niya, nanay niya... yung hustisya.

"Wala kayo sa totoong mundo! Nabubuhay kayo sa virtual world, wala kayo sa totoong mundo. Namumuhay kayo sa bundok.

"Inilalayo ninyo ang sarili niyo sa katotohanan at realidad ng lipunan.

"Namumuhay kayo sa mga aral, ideolohiya.

"Ito ang totoong mundo!" saad pa ni Isko habang pinapahid ang mga luha.

Sa huli'y sinabi ni Mayor Isko na hayaan ang publiko humusga kung mali ang kanyang ginawa.

"Mga kababayan, kayo na ang humusga sa akin.

"Then, if that’s the case, na maraming naaabot yung perang ipinamahagi ng mga pribado, sa ginagawa kong pag-endorse, para sa kapakinabangan ng pribado at, higit sa lahat, on top of everything, kapakinabangan ng mga nalulugmok, biktima ng trahedya—then I will continue to do it.

"I will not stop. Mamatay ka sa inggit."

Parunggit pa niya kay Tajar: "O ngayon, tutal lawyer ka, I challenge you, taxpayer ka naman, e.

Continue reading below ↓

"Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyo na panagutan ko sa batas kung mali ang pagtulong sa taumbayan sa ibang klase, uri, at makatuwirang pamamaraan na hindi ginagamit na parang balewala na lang ang kaban ng bayan.

"Pera ng pribado, itinulong sa tao, mali?"

May pagbabanta ang mayor: "Huwag kayong makasubok sa Maynila, huwag kayong lalabag sa batas."

Paghamon nito kay Atty. Tajar: "Magaling ka palang abogado, e, di tumulong ka sa mahihirap.

"Punta ka rito sa Maynila, ang daming may kaso, kulang ng abogado. Yun ang pagtulong.

"Ewan ko ba kung ano ang naituturo sa inyo sa unibersidad na ‘yan, hindi ko talaga alam.

"Nananahimik kami rito, mema lang kayo."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Isko Moreno to detractors: "Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyo na panagutan ko sa batas kung mali ang pagtulong sa taumbayan sa ibang klase, uri, at makatuwirang pamamaraan na hindi ginagamit na parang balewala na lang ang kaban ng bayan. Pera ng pribado, itinulong sa tao, mali?"
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results