Lumusot sa entablado at nagtamo ng injury ang isang miyembro ng bandang Ben&Ben sa isang performance nila nitong nakaraang Sabado, January 25, 2020, sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.
May netizen na nakunan ang pangyayari, kung saan makikita ang bassist na si Agnes Reoma na tumatalon-talon habang tinutugtog nila ang kanilang awiting "Ride Home."
Bigla na lang bumigay ang entablado at nahulog ang bahista.


Sa pamamagitan naman ng Twitter account ng banda, nagbigay sila ng update sa sinapit ng kanilang kabanda.
Nagtamo raw ng injury si Agnes pero ligtas na ito.
Ayon sa tweet: Update: @agnesreoma has been injured but is safe and conscious. We'll update you more soon.”
