PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza describes how she channeled Maricel Soriano vibe in new teleserye

Barbie Forteza describes how she prepared for Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.
by Rommel Gonzales
Published Jan 29, 2020
PHOTO/S: Noel Orsal

Sobrang saya ang pasok ng taong 2020 para kay Barbie Forteza, na bida sa Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

“Puno ang kabuhayan showcase!” tumatawang bulalas ni Barbie.

Hindi niya pinanood ang 1984 Regal movie of the same title kung saan bida sina Maricel Soriano at Snooky Serna.

“Hindi, actually wala yata sa aming nakapanood, kahit yung direktor namin, pero parang desisyon na rin ng lahat na huwag mapanood dahil hindi rin namin talaga totally…. hindi namin talaga pinareho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie noong Enero 21, Martes sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Ave., Quezon City.

Ang papel ni Barbie sa TV version ay role noon ni Maricel Soriano sa pelikula.

“Pero siyempre, wala naman pong makakatalo sa nag-iisang Maricel Soriano, so huwag na po nating i-achieve.

"Huwag na nating subukan pang i-achieve, di ba?

“Gawan na lang natin ng panibago... Re-imagined version.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinitimpla namin ni Direk Mark na kahit papaano, nandoon pa rin yung touch of Ms. Maricel Soriano, especially iyon nga po yung tinake-up kong role.

“So, kahit papaano, kahit ba mas nilagyan namin ng drama na formula yung show, nandun pa rin yung vibe.

“And since primetime siya, gusto namin na matulog yung mga tao na masaya, hindi naman yung mabigat na mabigat.”

May language coach ba sila sa set?

“Staff din namin, marami kaming staff na Ilokano, Waray, ganun.”

Marami na ba siyang alam na Waray words?

“Wala masyado dahil ang talagang purong lumaki sa Tacloban ay ang nanay ko, 'tapos sa Manila na ako lumaki, so sobrang minimal lang.”

Kumusta si Snooky bilang nanay niya sa TV show?

“Sobrang ano niya, very kuwela, very mother, very… naaalala ko yung kung paano ako alagaan ng nanay ko.

“At saka ano siya, very expressive, both on-cam and off-cam.

“On-cam, she’s a very generous actor, makakaasa ka sa kanya sa mga eksena.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pagdating naman sa off-cam, lahat ng nararamdaman niya, sinasabi niya.

“Yung, ‘Alam mo, baby, nagugutom na ako. Alam mo, baby, parang nararamdaman ko, gusto ko ng milk tea.’ Yung mga ganun.

“Binilhan pa nga ako ni Ms. Snooky ng kape last taping, mahilig kumain si Ms. Snooky.”

Sa The Half-Sisters, sina Barbie at Thea Tolentino ang magkasama, 'tapos ngayon ay sila ni Kate Valdez (na anak ni Biday).

Ano ang pagkakaiba? Kumusta si Kate?

“Masaya kasi nakaka-bagets siyang kasama.

"Kasi, nakita ninyo naman, medyo mature na akong sumagot dahil kahit papaano, e, tumanda na rin naman ako sa industriya, pero pag kasama ko si Kate, bumabalik yung…”

Twenty-two years si Barbie at nineteen si Kate.

Ayos lang kay Barbie na ate ang tawag sa kanya ni Kate.

“Kesa kuya, di ba? Ha! Ha! ha!”

Hindi naman nagkakalayo ang edad nila.

“E, kasi, very baby girl, very bagets, e, siyempre kahit papaano, e, bago pa rin naman si Kate, though sobrang willing na siyang matuto pagdating sa pag-arte, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nararamdaman ko sa kanya kung papaano ako dati nung nagsisimula ako, ganun ka-overwhelmed sa lahat ng nangyayari sa paligid, sa set, ganyan, pag nasa out of town kami, ganun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results