Inihahawig ang singer-comedienne na si K Brosas sa sexy actress na si Ivana Alawi.
Ito ang reaksiyon ng netizens sa litrato ng 44-anyos na Umagang Kay Ganda host na ipinost niya sa Instagram nitong Lunes, January 27.
Sa picture, nag-selfie ni K matapos umahon mula sa swimming pool.
Caption niya (published as is): “Nakapag recharge, refresh, relax, spa overhaul etc.. thank you Lord! Lablablab! #nofilter [three hearts, praying hands emojis]”
Sa komento ng kaibigan ni K at dating TV host na si Janelle Jamer, sinabi nitong “nakikita ko talaga si Ivana sayo.”
Sumagot si K na marami nga raw ang nagsasabing kahawig niya ang 23-anyos na YouTube star.
Dahil dito, sinabi ni K na na-curious siya kung sino si Ivana, kaya sinilip niya ang Instagram account nito.
Nag-react si K ng “grabeeeee” nang nakita niya kung gaano kaganda at ka-sexy si Ivana.
Reply ni K kay Janelle: “ang dami nga nagsasabi hihi, kaya na curious ako At check ko IG nya.. grabeeeee naman ang ganda At ang sexy nya syet!”
Pabirong sumang-ayon si K kay Janelle na kamukha nga niya si Ivana, pero siya raw “yung haggard o nausog version” ng dalaga.
Sa huli, nagpasalamat si K sa mga naghahawig sa kanya sa mestisang actress-model.
“Pero Sige ako na yung haggard o nausog version ni ivana lol! Thanks pa din [face with stuck-out tongue and winking eye, smiling face with smiling eyes, smiling eyes with open mouth and cold sweat emojis],” saad sa reply ni K.

Marami namang Instagram followers ni K ang sumang-ayon sa sinabi ni Janelle na kahawig nga ng una si Ivana.






Ang ilan sa kanila, sinabi pang mukhang magkapatid sina K at Ivana.


May lahing American si K, habang Moroccan naman ang ama ni Ivana.
