Pageant veterans Ahtisa Manalo, Michele Gumabao, Sandra Lemonon submit applications to Miss Universe Philippines 2020

by Bernie V. Franco
Jan 31, 2020
Miss International 2018 1st runner-up Ahtisa Manalo (left), Bb. Pilipinas-Globe 2018 Michele Gumabao (center), and Binibining Pilipinas 2018 finalist Sandra Lemonon (right) will try their luck again to become Miss Universe Philippines 2020.
PHOTO/S: @ahtisa, @gumabaomichele and @sandralemonon on Instagram

Dalawang dating titleholders at isang national pageant finalist ang nagsumite ng application sa kauna-unahang Miss Universe Philippines.

Ang mananalo sa naturang national pageant ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyosong Miss Universe 2020.

Sa pamamagitan ng kanilang Instagram accounts, nag-announce sina Michele Gumabao at Sandra Lemonon na nagsumite sila ng application sa Miss Universe Philippines.

Ngayong Biyernes, January 31, nagsumite na rin ng application si Ahtisa Manalo.

Sina Ahtisa, Michele, at Sandra ay magkaka-batch sa Binibining Pilipinas 2018.

Si Ahtisa ang hinirang na Bb. Pilipinas-International 2018, habang si Michele ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Globe 2018.

Pumasok naman sa Top 15 si Sandra sa batch na iyon.

Umagaw rin ng eksena si Sandra noon dahil wala siyang naisagot sa question-and-answer portion tungkol sa “Build, Build, Build” program ng kasalukuyang administrasyon.

Si Catriona Gray ang hinirang na Miss Universe Philippines 2018, at kalaunan ay nanalong Miss Universe 2018.

AHTISA, MICHELE, AND SANDRA

Ngayong Biyernes ng gabi, nakunan ng larawan si Ahtisa nang magtungo siya sa tanggapan ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) para isumite ang kanyang application.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ahtisa ay naging first runner-up nang kinatawan niya ang Pilipinas sa Miss International 2018.

Proud namang inihayag ni Michele ang kanyang application sa Miss Universe Philippines 2020 sa pamamagitan ng Instagram nitong Huwebes, January 30.

Caption ng professional volleyball player: "Trading in my sneakers one more time Submitted my application to be part of the first ever Miss Universe Philippines Hello 2020”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapasok sa Top 15 ng Miss Globe 2018 si Michele.

Proud naman si Sandra sa muling pagsabak niya sa beauty pageantry.

Mensahe niya sa kanyang Instagram post: "Hello Universe team Lemonades is back”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahang magiging mahigpit ang labanan sa pagpili ng susunod na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.

Ito ang kauna-unahang beses na hahawakan ng Miss Universe Philippines Organization ang national beauty pageant, sa pamumuno ni Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup.

December 2019 nang ianunsiyo ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na hindi na ni-renew ng Miss Universe Organization (MUO) ang franchise nito para sa Miss Universe Philippines.

Sa loob ng 55 taon, ang Binibining Pilipinas ang pumili ng kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe, kung saan nakapag-produce sila ng apat na titleholders.

Ito ay sina Gloria Diaz noong 1969, Margie Moran noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015, at Catriona Gray noong 2018.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2018 1st runner-up Ahtisa Manalo (left), Bb. Pilipinas-Globe 2018 Michele Gumabao (center), and Binibining Pilipinas 2018 finalist Sandra Lemonon (right) will try their luck again to become Miss Universe Philippines 2020.
PHOTO/S: @ahtisa, @gumabaomichele and @sandralemonon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results