PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes tells daughter Zia he is a soldier

Dingdong Dantes tells curious daughter Zia, "Yes, I'm a soldier."
by Gorgy Rula
Published Feb 1, 2020
Curious daughter Zia asked daddy Dingdong Dantes: "Are you pretending to be a soldier?" Dingdong replied, "You know, Zia, because I’m a reservist, I am a volunteer, I help the real soldiers. So, yes technically, I’m a soldier."
PHOTO/S: GMA Network Facebook

Ibinahagi ni Dingdong Dantes sa PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nalaman ng panganay niyang anak na si Zia na isa pala siyang sundalo.

Kuwento ng Kapuso Primetime King nung Huwebes, January 30, sa mediacon ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun, ipinapakita raw niya minsan kay Zia ang mga kuha sa taping at ipinapaliwanag niya kung saang show iyun at kung ano ang role niya.

“Pag nagpapakita ako ng picture sa kanya, kunwari…o, nandun ako sa bundok, ‘Bakit ka nandun?’ Kasi sa Amazing Earth yun.

“So pakita ko yung soldier. ‘Ba’t ka naka-soldier?' 'Oh, that’s for a role,' sabi ko, 'Pretending to be a soldier for my show.'

“E, minsan nakita niya sa bahay... 'Ba’t naka-sundalo 'to?' 'Tapos sabi niya, ‘Are you pretending to be a soldier?

“'Tapos napaisip ako…’You know, Zia, because I’m a reservist, I am a volunteer, I help the real soldiers.

“So, yes technically, I’m a soldier.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Oh!' Sabi niya, 'You’re a reservist... a soldier... oh, I get it.'

“Minsan ang mga simpleng tanong na yun, na napapatanong ka rin sa sarili mo na, 'Ano ba talaga ako?'” napapangiting saad ni Dingdong.

Hindi lang niya maikuwento ang buong detalye ng pagiging sundalo niya, pero masaya ang Kapuso actor dahil nandiyan ang suporta ng pamilya, lalo na ang asawa niyang si Marian Rivera, sa kanyang pagiging reservist, lalo na’t na-promote na siya bilang isang lieutenant commander sa Philippine Navy.

HOW DINGDONG WAS PROMOTED

Ipinaliwanag na rin ni Dingdong kung paano siya na-promote sa pagka-lieutenant commander.

Mahabang proseso raw ito. Pero dala ito ng pagiging head niya sa kanyang non-profit na organization na Yes Pinoy Foundation.

“Talagang dini-deliberate nang mabuti.

“Nung 2006 kasi naging reservist ako sa Philippine Marines. Ang Philippine Marines, under the Philippine Navy.

“Magmula nun, nagsimula na ang partnership namin.

“With our organization, the Yes Pinoy Foundation, na-attach kami sa reservists ng marines. Ang tawag dun affiliate. So, I’m under the PNARU, yung Philippine Navy Affiliate Reserved Unit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ang ibig sabihin…tumutulong kami sa combat support…parang Combat Support Battalion.

“Kung ano man yung pangangailangan nila, kagaya ng mga vehicles, manpower…may mga doktor din kami,” matiyagang pagpaliwanag ni Dingdong.

“Right now, nagku-concentrate kami sa disaster preparedness. So, for several years, yun ang tinututukan namin sa Yes Pinoy.

“Saan man kami pumunta, yun ang bitbit namin, ang mga marines parati.

"In a way, nagiging project din ng mga military yun dahil nasa interest din ng mga sundalo ang panatilihing safe ang mga mamamayan, especially ang mga kabataan. Dun kami pumapasok. So, we are volunteers and we assist them,” dagdag niyang pahayag.

Naging commissioned officer daw muna siya bago siya nairekomendang i-promote.

“Yung Yes Pinoy kasi, mas lumalawak na yung nagiging responsibility niya at sakop.

“So, therefore, parang ganun din yung responsibility ko as head of Yes Pinoy. So, kinakailangan iakyat din siya,” saad ng aktor.

SUPPORT FROM PHILIPPINE ARMY

Nagkataon namang nagsisimula si Dingdong mag-promote ng Descendants of the Sun na mapapanood na sa GMA Telebabad sa February 10.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natutuwa nga siya at sobrang overwhelming daw ang suporta ng Philippine Army sa bago nilang drama series.

Kahit ang mediacon ay dinaluhan ng ilang miyembro ng Philippine Army, pati ang medical team nito na pinangunahan ni Brigadier General Ernesto C. Torres, Jr.

“Very overwhelming talaga,” bulalas ng Kapuso primetime star.

“Mula day one, nung nakipag-usap ang GMA sa kanila, sabi nila they’re willing to support and give you whatever you need.

“Alam nyo…more than gamit na pinapahiram sa amin, yun talagang presence nila, e. Yun ang na-appreciate namin the most.

“Kahit sa set nandun sila para gabayan kami. Nagtatanong kami kung tama ba ‘tong ginagawa namin. Kasi, the last thing we want is to misrepresent them on TV.

“Minsan, yung bawat tiklop, yung bawat tali, kasi yung maliliit na bagay na yun, yung maliit man…maliit man sa karaniwang tao, malaking bagay sa kanila yun,” saad pa ni Dingdong.

Inspired daw siya sa bagong proyektong ito sa GMA-7 dahil malapit sa kanya ang role at gusto na rin daw niyang saluduhan ang sandatahang lakas ng ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malapit talaga sa puso ko yung role kasi, sabi ko nga nung tinanggap ko, isa sa sisiguraduhin ko, bukod sa love aspect ng character ay sisiguraduhin kong ma-portray talaga nang maayos ang kasundaluhan natin, di ba?

“Kung ano yung mga sakripisyo nila. Kung bakit ganun ang nagiging desisyon…magandang pasukin yun nang maunawaan yung emosyon nila, e. Dahil hindi naman parati na nakakapanood tayo ng ganito.

“Maganda ring tingnan paminsan-minsan yung manggagaling sa mga sundalo,” seryosong pahayag ni Dingdong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Curious daughter Zia asked daddy Dingdong Dantes: "Are you pretending to be a soldier?" Dingdong replied, "You know, Zia, because I’m a reservist, I am a volunteer, I help the real soldiers. So, yes technically, I’m a soldier."
PHOTO/S: GMA Network Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results