Inalmahan ni Ahtisa Manalo, 22, ang akusasyong publicity stunt lamang ang pagsusumite at pagkatapos ay pag-uurong ng kanyang application sa Miss Universe Philippines 2020.
Ang mananalo sa national beauty pageant ang siyang magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2020.
January 31, 2020, kumalat sa social media ang mga kuha ni Ahtisa sa may tanggapan ng Miss Universe Philippines Organization para magsumite ng application.
Na-excite ang pageant fans dahil marami ang naniniwalang malaki ang potensiyal ni Ahtisa na mapanalunan ang Miss Universe Philippines crown.
Si Ahtisa ay itinanghal na first runner-up sa Miss International 2018.
Bukod kay Ahtisa, dalawa pang pageant veterans ang nagsumite ng appliction—sina Michele Gumabao at Sandra Lemonon.
Pero nitong February 1, 2020, naglabas ng statement sa Instagram si Ahtisa upang ianunsiyo na umurong na siya sa Miss Universe Philippines 2020.
Ayon sa beauty queen mula sa Quezon Province, gusto niyang pangalagaan ang kanyang kalusugan.
Bahagi ng kanyang paliwanag: "Believe me that I want to give you the fight you want to see, but I honestly don't think I can manage to physically perform the duties of a candidate as this surely involves physically draining tasks."
AHTISA REACTS TO PUBLICITY-STUNT ALLEGATION
Bunsod nito, ilang pageant fans ang nadismaya sa desisyon ni Ahtisa.
Isa na rito ang isang pageant blogger na aktibo sa pagbibigay ng updates tungkol sa beauty pageants sa bansa.
Nag-post ang blogger sa kanyang Instagram account, @titasofpageantry, at inilahad ang pagkadismaya nito sa biglang pag-atras ni Ahtisa.
Tinawag pa nitong "publicity stunt" ang ginawa ni Ahtisa na nagsumite ng application ngunit pagkalipas lamang ng isang araw ay biglang umurong.
Sinabi pa ng pageant blogger na hindi rin ikinatuwa ng ibang pageant enthusiasts ang pag-atras ni Ahtisa, at tila pinaasa sila nito.
Inalmahan naman ito ni Ahtisa.
Sa comments section, sumagot ang beauty queen at pinasinungalingan ang akusasyong “playing with other people’s emotions.”
Nagpaliwanag din si Ahtisa kung ano ang pinanggagalingan niya sa ginawang pagpasa ng application at pagkatapos ay pagwi-withdraw.
“What did I do wrong?” bungad ng beauty queen sa kanyang komento.
“The story goes like this.
“I passed my application the latest I can so people wouldn’t see I went there, because I wasn’t 100% sure I’ll push through.
“I did my preparations as quietly as possible because my decision wasn’t final yet.
“Don’t you think it’s too much for you to accuse me of playing with other people’s emotions?
“Please remember that I am still a person, I get hurt, I have problems of my own, I have a hundred other things happening in my life away from what you see.
“You based your opinion on what you think, this time try to base it on the truth because this post of yours is cultivating negativity.”

Muling sumagot ang blogger at nagpasalamat sa pagbibigay-linaw ni Ahtisa.
NETIZENS REACT
Hati naman ang reaksiyon ng pageant fans sa balitang pag-atras ni Ahtisa sa Miss Universe Philippines 2020.
May mga sumuporta kay Ahtisa, pero mayroon ding nadismaya sa ginawa niya.
Narito ang reaksiyon ng mga nadisyama:




Narito naman ang reaksiyon ng mga nakaunawa kay Ahtisa:




