Carla Abellana cites three reasons why she is ready to marry Tom Rodriguez

by Rommel Gonzales
Feb 4, 2020
Carla Abellana on dream wedding with Tom Rodriguez: "Although hindi pa po namin alam kung saan, but definitely po sa simbahan.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Tatlo ang dahilan ni Carla Abellana kaya handa na siyang magpakasal kay Tom Rodriguez.

“Number one, I am of age, hindi na po ako bata.

"I’m already 33, so nasa edad na po iyan,” lahad ni Carla sa mediacon ng teleseryeng Love Of My Life nitong Enero 28, Martes, sa GMA Network Center, Quezon City.

“Number two, matagal na po kami. Matagal na po ang pinagsamahan namin ni Tom.

"We’ve been together for over five years, so marami na pong naging tests and trials sa relationship, and na-overcome naman po namin.

“And then, number three, kasi napag-iiwanan na po ako ng mga ka-age ko, nahuhuli na po ako sa biyahe!” at tumawa ang Kapuso actress.

Sabi pa ni Carla, “Hindi naman po dahil sa pressure, but because, you know, I’m of age.”

DREAM WEDDING

Ano ang dream wedding ni Carla?

Tugon niya, “Wala naman po akong dream… church definitely, kasi pareho po kaming Catholic ni Tom.

Continue reading below ↓

"Although hindi pa po namin alam kung saan, but definitely po sa simbahan.”

This year kaya ay may magaganap ng kasalan?

“Ha! Ha! Ha! Sa Love of My Life meron, dalawa.”

Ang ama ni Carla na si Rey ‘PJ’ Abellana ay boto na maging manugang si Tom.

Kuwento ng aktres, “Botong-boto po iyon kay Tom!

"Dyusko, pag kumanta si Tom! Nadaan niya sa karaoke.”

Bakit?

“Kasi, mahilig po ang mga Abellana mag-karaoke, magagaling pong kumanta.

"E, nagulat sila kay Tom na kumakanta po. Nag-enjoy po sila sa karaoke."

Pero iyon na nga, wala pang wedding na magaganap?

“Wala pa po, tingnan po natin, depende po.”

ARE THEY ENGAGED?

Ang leading man ni Carla sa Love of My Life na si Mikael Daez ay ini-reveal na five years ago na silang engaged ni Megan Young bago sila ikinasal noong January 10 sa Caleruega Church sa Nasugbu, Batangas.

Sina Carla at Tom ba ay engaged na nang lihim?

Continue reading below ↓

“Ay, hindi po, hindi po, wala po, walang secret engagement. Wala po,” sagot ni Carla.

May tsansa bang sila ni Tom ay mag-ala Mikael at Megan na biglaan na lang ihahayag na kasal na pala?

“Hindi naman po, pero of course, we respect their decision po.

"Pero honestly, ako po, hindi naman po… it’s not something that I would want to keep a secret naman."

HEALTH ISSUES

Sa health issues na pinagdaanan ni Carla simula 2019—tachycardia, hypothyroidism, liver damage, at misdiagnosis ng asthma—malaki ang partisipasyon ni Tom.

“Si Tom po yung palaging nakikinig, laging tagasalo, lagi pong cheerleader, laging… very supportive naman po si Tom.

“In fact, si Tom medyo… ano ba… he took inspiration from my health scares, na mas inalagaan niya yung health niya, yung sarili po niyang health.

"So, nag-plant-based diet po siya.

“More than three months. No more meat.”

Kahit isda ay hindi kumakain si Tom…

Continue reading below ↓

“No, pati dairy.”

Ganoon din ang diet ni Carla?

“Hindi po, bale yung diet ko po, may chicken and fish pa rin po, pero walang beef and pork.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on dream wedding with Tom Rodriguez: "Although hindi pa po namin alam kung saan, but definitely po sa simbahan.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results