Carla Abellana, biktima ng misdiagnosis

Carla Abellana, biktima ng misdiagnosis; walang planong magdemanda.
by PEP Troika
Jan 29, 2020
Ibinunyag ni Carla Abellana na na-misdiagnose siya ng doktor at inakalang may asthma kaya sumailalim sa gamutan ng steroids, subalit naging sanhi ito upang bahagyang madagdagan ang kanyang timbang.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Na-misdiagnose pala si Carla Abellana at tinurukan ng steroids ng pulmonologist na una niyang pinuntahan, kaya nadagdagan ang timbang ng aktres.

Ang karamdaman ni Carla ang isa sa mga pinag-usapan sa mediacon ng bagong primetime series niyang Love of My Life, na ginanap sa GMA Network Center nitong Martes ng gabi, January 28.

Kapansin-pansin ang pagdagdag ng timbang ni Carla dahil sa karamdaman niya, at epekto rin ng treatment na ibinigay sa kanya.

Nilinaw ng Kapuso actress sa amin kung ano talaga ang sakit niya.

“Yun pong tachycardia, and then I had liver damage, and then hyphothyroidism,” pakli ni Carla.

Ang malungkot lang, sinabi raw ng pulmonologist na una niyang pinuntahan na mayroon daw siyang asthma, kaya binigyan siya nito ng steroids na oral at intravenous.

“Sayang nga po dahil sa misdiagnosis, nag-steroids pa po ako na hindi naman pala kailangan.

“So, lalo pa pong nag-cause ng weight gain iyong steroids ko,” malungkot na saad ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malumanay pa ring sinabi ng aktres na nangyayari talaga ang ganoon, at wala raw siyang balak idemanda ang doktor na nag-misdiagnose sa kanya.

“Hindi po ako magdedemanda, pero I will just inform him and show him the test results para lang din po alam niya na…

"You know, nangyayari po talagang ganoon na may mga doctors na nagmi-misdiagnose,” saad ni Carla.

Mukhang okay na rin naman siya sa mediacon kagabi.

Nabawasan na rin ang timbang niya at okay ang pakiramdam niya, kaya nakapagtatrabaho na siya nang maayos.

“Improving naman po lahat. Yung asthma po is misdiagnosis ng unang pulmonologist na pinuntahan ko.

“Ang tachycardia, hindi po namin tini-treat, pero kapag medyo alarming po siya at sunud-sunod, kailangan ko pong bumalik ng cardiologist.

“Yung liver ko po is okay na po, within normal range na po iyong liver profile ko.

“Yung hyphothyroidism, we will start treating po this month, or February.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, hindi muna namin ginamot since nagkaroon po ako ng liver damage dahil sa gamot ko,” pahayag ni Carla.

Hindi raw siya apektado sa ilang hindi magagandang komento sa social media.

Ang maganda lang, naibabahagi raw ni Carla itong karamdaman niya para malaman ng iba ang tungkol sa mga nabanggit na sakit.

“I believe it’s also good na i-explain mo kung bakit, para they know what is causing the weight gain.

"And then, it’s also a way for other people to know more about the illnesses and…kumbaga, marami pong nag-reach out sa akin na may mga ganoong sakit din po pala sila.

“Ito po iyong doktor na pinupuntahan nila, ano yung mga gamot na tini-take ko.

“So, okay po na nakapag-share kami sa isa’t isa ng tips and advice from our own doctors,” saad pa ni Carla, na magiging abala na sa promo ng Love of My Life, na magsisimula na sa Lunes, February 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana gumaling na sa lalong madaling panahon si Carla, at matagal-tagal na rin siyang na-miss sa mga ganap sa industriya.

May Love of My Life be a good vehicle for her again.

Teka, kailan na ba sila magpapakasal ni Tom Rodriguez?

Parang yun ang hinihintay na level up para sa kanilang dalawa, di ba?

JERRY OLEA

Pamilya Roces ang huling teleserye ni Carla, na nagtapos noong Disyembre 2018 sa GMA-7.

Enero 31, 2019 siya nag-renew ng kontrata sa Kapuso network, which marked her 10th anniversary in showbiz.

Nang mainterbyu namin siya sa celebrity screening ng Maledicto noong Abril 29, 2019, nag-wish ako na siya na lang sana ang kuning leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy version ng Descendants of the Sun.

Buti naman at masisilayan na nating muli ang ganda at husay ni Carla sa isang teleserye!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinunyag ni Carla Abellana na na-misdiagnose siya ng doktor at inakalang may asthma kaya sumailalim sa gamutan ng steroids, subalit naging sanhi ito upang bahagyang madagdagan ang kanyang timbang.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results