PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby Concepcion to daughter KC: "I love you and will stand behind you always."

Gabby Concepcion posts throwback pics with daughter KC Concepcion on Instagram.
by Bernie V. Franco
Published Feb 4, 2020
(Left) Gabby Concepcion with daughter KC Concepcion during their father-daughter date this weekend; (right) Gabby also posted throwback photos with KC on his Instagram account.
PHOTO/S: @concepciongabby on Instagram

Inihayag ni Gabby Concepcion, 55, ang suporta at pagmamahal sa anak na si KC Concepcion, 34, sa pamamagitan ng video na ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account.

Nitong Lunes, February 3, nag-post si Gabby ng collection ng throwback photos ng bonding nila ni KC at mga larawan ng anak noong kabataan nito.

Caption ng seasoned actor: “I will always be here for you. I love you my baby.---Papa”

Ginamit na hashtags ni Gabby ang mga sumusunod: babygirl #papa #baby #love #priceless #bonding #fatheranddaughter #goodvibes

Nag-post si Gabby isang araw matapos ang “date” nila ni KC sa isang Japanese restaurant.

Si KC ay nag-iisang anak ni Gabby sa unang asawa niyang si Sharon Cuneta, 54.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VIDEO SLIDESHOW

Sa video slideshow na ipinost ni Gabby, nakapaloob ang mga quote na naghahayag ng kanyang suporta at pagmamahal sa panganay na anak.

Mensahe ng aktor sa unang slide: “I love you and I will stand behind you always November 30, 2019”

Ito naman ang pangalawang mensahe niya: “Sometimes all you can do is leave it in God’s hands & wait.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangatlong quote ay halaw sa nobelang Go Set a Watchman, na isinulat ni Harper Lee.

Tungkol ito sa pagmamahal ng ama sa anak nito.

Ayon sa quote: “The most moral force in her life, was the love of her father.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa comments section, sinagot ni Gabby ang ilang kaibigang artista tungkol sa “unconditional love” ng isang ama para sa kanyang anak.

SHARON’S INSTAGRAM POSTS

Ilang netizens ang naghihinalang may kinalaman ang Instagram post na ito ni Gabby sa sunud-sunod na social media posts ni Sharon ngayong linggo.

Karamihan sa mga bagong post ng Megastar ay tungkol sa kanyang pamilya at mga kuhang larawan mula sa mahahalagang okasyon, kagaya nitong New Year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit kapansin-pansing hindi kasama si KC sa mga larawang ibinabahagi ni Sharon

Nitong weekend, dalawang oras matapos mag-post si KC sa pagkikita nila ni Gabby, nag-post si Sharon tungkol kina Frankie at Miel—ang kanyang dalawang anak na babae kay Senator Kiko Pangilinan.

Ang post ng Megastar ay tungkol sa pagmamahal niya kina Frankie at Miel dahil sa pagpapahalaga raw ng mga ito sa kanya at sa kanilang pamilya.

Nitong January 2020 ay nagkaroon ng palitan ng mensahe ang mag-inang sina Sharon at KC tungkol sa kanilang relasyon.

Sa kanyang birthday production number sa ASAP Natin ‘To noong January 5, may mga pahayag si Sharon tungkol sa pamilya, pero hindi niya binanggit si KC.

Ngunit malaman ang kanyang pahayag tungkol sa kanyang mga anak.

Hinala ng mga nakapanood, pinasasaringan ni Sharon si KC.

Kinabukasan, January 5, nag-post si KC sa Instagram para humingi ng paumanhin dahil hindi siya nakapunta sa ASAP para sa birthday celebration ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpahayag din si KC ng pagmamahal sa ina, at binanggit na sinisikap niyang maging proud ito sa kanya.

Makalipas ang tatlong araw, nag-post ng open letter ang Megastar.

Ang buod ng mensahe ni Sharon ay ang tampo nito kay KC na tila lumalayo sa kanila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Gabby Concepcion with daughter KC Concepcion during their father-daughter date this weekend; (right) Gabby also posted throwback photos with KC on his Instagram account.
PHOTO/S: @concepciongabby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results