PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson optimistic about 2020: "I hope it’s all positive."

Gerald Anderson on 2019 controversies: "Nag-grow ako as a person."
by Arniel C. Serato
Published Feb 4, 2020
A Soldier's Heart actor Gerald Anderson hopes 2020 will be a good year for him: "Masaya. And very happy. Very busy and very motivated.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Positibo raw ang pasok ng taong 2020 para kay Gerald Anderson.

Nakangiting sabi ng 30-year-old Kapamilya actor, “Masaya. And very happy.

“Very busy and very motivated.”

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang matinding kontrobersiyang kinasangkutan ni Gerald sa kalagitnaang bahagi ng 2019.

Ito ay ang breakup nila ng dating girlfriend na si Bea Alonzo, 32, at ang pagkakaugnay niya kay Julia Barretto, 22.

Ayon pa sa A Soldier's Heart actor, “Yeah, maraming nangyari, maraming nangyari.

“But I’m also, in a way, happy, because may mga challenges na dumating sa buhay ko last year.

“At ang dami kong... nag-grow ako as a person.”

Paano niya nalagpasan ang matinding bashing na kanyang natanggap bunsod ng kontrobersiyang kinasangkutan?

Tugon ni Gerald, “Ang mga tao sa paligid ko, you know, malaking factor 'yan, e.

“Family, friends, and just trying to grow and learn from the experience.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald pagkatapos niyang sumalang sa PEP Live on Facebook ngayong hapon ng Martes, February 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Gerald sa studio sina Nash Aguas at Elmo Magalona upang mag-promote ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN na A Soldier’s Heart.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

A MOTHER’S HEART

Noong kasagsagan ng kontrobersiya sa pagitan nina Gerald, Bea, at Julia, nagsalita ang ina ng aktor na si Evangeline "Vangie" Opsima sa isang local TV station sa General Santos City upang ipagtanggol ang anak.

Kumusta na sila ng kanyang ina?

Ayon kay Gerald, “Okay naman. Nung ano... ganun talaga nanay, e.

“Hindi mo maano yung pagmamahal ng isang nanay.

“Siyempre, kapag medyo nadedehado ang anak, so meron talaga. Ganun talaga.”

Hindi naman direktang sinagot ni Gerald ang katanungan kung umaasa siyang magkaroon ng closure ang relasyon nila ni Bea.

Aniya, “A, just... I’m just really in a good place right now sa buhay ko.

“And just every day, growing as a person, kung anuman ang mangyayari in the future, I hope it’s all positive.”

Umaasa ba siyang magkaroon ng bagong karelasyon sa taong ito o kaya ay sa susunod?

Sagot ng aktor, “Ang focus ko is to grow bilang tao muna, bilang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang dami ko pang gusto pang gawin. And focus ako dito sa A Soldier’s Heart.”

Sa mga nangyayari sa kanyang love life na puro taga-showbiz, mas nanaisin ba niyang non-showbiz na ang susunod na makarelasyon?

“Hindi ko masasagot 'yan, tingnan natin ano ang mangyayari,” pakli ni Gerald.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Soldier's Heart actor Gerald Anderson hopes 2020 will be a good year for him: "Masaya. And very happy. Very busy and very motivated.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results