PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Yam Concepcion ready to settle down with boyfriend Miguel CuUnjieng?

Yam Concepcion's boyfriend to settle down in the Philippines for good.
by Rey Pumaloy
Published Feb 5, 2020
Yam Concepcion on settling down with boyfriend Miguel CuUnjieng: “Siguro naman. Bakit siya lilipat dito at igi-give up niya yung career niya sa Amerika? Pero ayokong pangunahan. Baka mamaya, next interview natin, wala na pala!”
PHOTO/S: Noel Orsal

Mahirap, pero napanatili ni Yam Concepcion at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel CuUnjieng ang kanilang long-distance relationship.

Sa Pilipinas nakabase si Yam, samantalang sa isang bangko sa New York, USA nagtatrabaho ang kasintahan niya.

“Feeling ko, dahil sa open communication. Saka siguro sa edad na rin, nag-mature na, tina-trust namin ang isa’t isa,” paliwanag ni Yam nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva 2020 Vision presscon noong Enero 28, Martes sa Novotel Hotel, Araneta City, QC.

“Kilala ko na siya bilang tao na, parang... grabe yung pagpapalaki sa kanya, yung values niya.”

Bihira raw kung magkaroon sila ng misunderstanding.

“Pero normally, mainit na ang ulo namin kapag matagal na kaming hindi nagkikita.”

Pantay ang paghahanap at pananabik nila sa isa’t isa. Nasanay na ang 31-anyos sa kanilang set-up.

“Lilipat na rin siya ng Pilipinas midyear!” kinikilig na pagbabalita ni Yam

“Finally… siya ang nag-adjust.

"Sabi niya kasi, ayaw niya akong tumigil na magtrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, maganda yung takbo ng career ko.

"Sabi niya, ‘I don’t wanna lose you. I’ll be the one to adjust and move there for you.’

“For good na.”

May siguradong trabaho na si Miguel sa paninirahan niya sa Pilipinas, ayon kay Yam.

“Ganoon pa rin sa States, sustainability, sa bangko. Sa environmental department.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE ONE FOR YAM

Sa desisyon ng kanyang kasintahan, sigurado na si Yam na ito ang pakakasalan niya.

“Oo naman. Wala nang paliguy-ligoy pa,” sambit ni Yam.

Anumang oras kapag nag-propose na?

Matamang saad ng aktres, “Ahhmm, huwag naman ngayon.

"May mga commitment pa ako. Mga next year."

Siya ba, nararamdaman niyang anytime ay puwede na?

“Siguro naman. Bakit siya lilipat dito at igi-give up niya yung career niya sa Amerika?

“Pero ayokong pangunahan. Baka mamaya, next interview natin, wala na pala!” sabay halakhak ni Yam.

Sigurado si Yam na walang mababago sa init ng kanilang pag-iibigan kapag mas madalas na silang magkasama.

Paniniwala niya, “Feeling ko kasi, sa aming relationship, it works out, kasi parang nakikita na namin ang isa’t isa together in the future.

“Kumbaga, commitment yun, e.

"Hindi dahil nagkasawaan na kayo, ayaw mo na, itatapon na ninyo kung ano meron kayo.

"We have something deeper than just that."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NO TO LIVE-IN

Magsasama ba sila sa iisang bahay kapag nandito na si Miguel?

Mabilis na tugon ni Yam, “Ay, no. Gusto ko, kasal muna. Ayoko ng live-in.

"Gusto ko, we’ll get married first, and then we will stay in one house.

"Nandoon yung excitement.

“Di ba, ganoon naman talaga ang tamang pamamaraan?

“Sa totoo lang, yung pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang, conservative pa rin ako.

“So, sumusunod pa rin ako sa rules ng aking mom.”

Paano makikilala nang husto ni Yam ang taong makakasama niya habang buhay kung hindi nila susubukang mag-live in?

“Madami pang panahon para makilala ang isang tao. Iyon nga ang exciting.

“Sabi ko nga sa kanya, kay Miguel, ‘What if kung magkasawaan na tayo, wala na tayong mapag-usapan sa tagal na natin?’

“Sabi niya sa akin, ‘You know what? I look forward to those moments, hindi lang yung mga magaganda,’” kinikilig uling sabi ni Yam, sabay haplos sa kanyang buhok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, “Ang sabi ko nga, ang sweet naman nun, ‘I look forward to moments na wala na tayong mapag-usapan.’

“Sabi ko, 'Ay! OK ‘to, ah! OK siya.'”

May mga igi-give ba siya kapag nagpakasal, gaya ng hindi na pagpapa-sexy, hindi na makikipag-kissing scenes?

Matamang nag-isip si Yam saka sumagot.

Aniya, “Siguro… siyempre pag kasal na, ibang usapan na.

"Kasi, asawa na, iba yung respect mo sa kanya.

“I’ll ask him also kung papayag ba siya o hindi.

"Pero para sa akin, I’ll still be open to doing sexy, depende na lang kung maganda yung character o yung project.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yam Concepcion on settling down with boyfriend Miguel CuUnjieng: “Siguro naman. Bakit siya lilipat dito at igi-give up niya yung career niya sa Amerika? Pero ayokong pangunahan. Baka mamaya, next interview natin, wala na pala!”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results