Wala raw naging awkward moment sa pagitan ni Nicole Donesa, ang current girlfriend ni Mark Herras, at ang ex-gf ni Mark na si Jennylyn Mercado.
Magkasama ang dalawang aktres sa GMA-7 prime-time teleserye na Descendants of the Sun.
Kinuwento ni Nicole sa January 30 media launch ng Descendants of the Sun na masarap katrabaho si Jennylyn on and off camera.
"Marami po kaming eksena ni Jen. I play Nurse Via Catindig and lagi akong kasama ni Jen who plays Dr. Maxine dela Cruz a.k.a. Beauty,” lahad ni Nicole.
"Jennylyn is so professional. Napakagaan at masayang kasama sa set. Kapag on-cam, very serious siya, pero off-cam, she's so funny at parati po kaming nagkukuwentuhan.
"We talk about many things, from make-up to acting. Pero we never talked about Mark.
"As in, kahit in passing, wala po talaga, kaya naging magaan sa aming dalawa.
"Akala ko noong una, magkakaroon kami ng ilangan since she's an ex-girlfriend of Mark, pero wala pong ganun.
"Mark visited me once sa set at nandoon din si Jen. I can see naman na they are still good friends.
"If ever na mabigyan ako ng bagong teleserye after DOTS, I would love to work with Jen again."
May cameo rin si Mark sa DOTS.
NICOLE ON RELATIONSHIP WITH MARK
Kung ire-rate ni Nicole ang happiness niya sa relasyon nila ni Mark, bibigyan niya ito ng 11. Marami raw kasi siyang nadiskubre kay Mark na hindi alam ng maraming tao.
"Mark is very malambing. My family loves him and he is always there for me.
"People kasi see Mark differently because of his image. Pero ang hindi nila alam is that Mark is a very generous person lalo na pagdating sa pagtulong sa ibang tao.
"He has a soft side to his personality. You would think na ganito siya because of his image, but he's a vulnerable person.
"Nagugulat na lang ako kasi pati mga staff dito sa GMA-7, may natutulungan siya.
"Nakita ko naman na maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga tumayong parents niya and sadly, hindi ko na sila nakilala kasi they both passed away na.
"Kung buhay pa sana sila, I would commend them for raising Mark. He has a big heart at sana, makita iyon ng maraming tao."
Hindi naging issue kay Nicole ang naging image ni Mark noon.
"I don't judge people dahil sa mga nakaraan niya. What's important is what he is today and what he has learned from what happened in the past.
"I am aware of Mark's image before. Lahat naman tayo, we do things na hindi acceptable when we were young.
"I am looking at Mark ngayon. He's a nice person with a very big heart."
Dahil sa relasyon ni Nicole kay Mark ay na-bash ito sa social media. Pero kinakaya niya ang mga ito.
"Galing din po ako sa pageant world at mas malala ang bashing doon. Kaya nasanay na rin po ako," pag-amin ng former beauty queen.
"I guess, this is part of the job. Kapag may bashing, you just don't mind it.
"Noong una, shocking at masakit, but after a while, you just want to improve yourself.
"Things like that will only make you stronger."
Bago naging aktibo sa showbiz si Nicole, sumali siya sa dalawang beauty pageants. Una ay sa 2013 Bb. Pilipinas kunsaan nakuha niya ang special award na Miss Philippine Airlines. Ang nanalong Miss Universe Philippines that year ay si Ariella Arida.
Second pageant ni Nicole ay ang 2014 Miss World Philippines kunsaan naging 3rd Princess siya. Ang nanalo that year ay si Valerie Weigmann.
Sa tagal na ng relasyon nila ni Mark, hindi pa nakikilala ni Nicole ang anak ni Mark na si Ada Sofia Nicolette Herras.
Anak ni Mark si Ada sa former road manager nito.
Ayon kay Nicole ay minsan lang niya tinanong si Mark tungkol kay Ada, pero tahimik lang daw ito pagdating sa topic ng anak.
"I haven't met his daughter. We actually never talked about her.
"I asked him about it before, pero he's quiet about it. Kaya hindi ko na in-open ulit.
"So I felt na it's a personal thing for him kaya hindi ko na lang pinipilit.
"Siyempre, gusto ko ring makilala ang daughter niya. Pero siguro, kapag nasa tamang panahon na and when it's convenient for Mark to open up sa akin tungkol sa anak niya."
Bukod sa DOTS, lumabas na si Nicole sa Kapuso shows na Contessa, Sherlock Jr., Bihag, at Maynila.
