PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Batang nanghihina dahil sa brain tumor napapangiti dahil kay Alden Richards

Kahit kararating lang mula sa Thailand, dumiretso si Alden sa ospital kunsaan naroon si Chuchay.
by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Published Feb 5, 2020
PHOTO/S: Benard Nipales Facebook

Sa tulong ng social media, natupad ang hiling ng isang amang may anak na nakaratay dahil sa brain tumor.

Maraming netizens ang naantig ang damdamin nang i-post ito ni Bernard Nipales sa kanyang Facebook:

Video: GMA News.

Sa interview ni Cata Tibayan ng 24 Oras, ikinuwento ni Bernard na wala pang isang oras mula nang mag-viral ang kanyang post ay dumating na si Alden Richards sa Philippine General Hospital sa Maynila, kung saan naka-confine ang limang-taong-gulang na anak ni Bernard na si Bernzyrelle Nipales o "Chuchay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit na kararating lang daw ni Alden mula sa Thailand ay dumiretso na ang Kapuso actor sa ospital para makita si Chuchay. Nagbigay rin daw ng tulong si Alden at naghandog ng dasal para rito.

Kuwento pa ni Bernard, si Alden daw ang nagpapakilig at nagpapangiti kay Chuchay kahit na hinang-hina na ito dahil sa sakit.

May mga video pa si Bernard kunsaan makikitang napapangiti si Chuchay sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Alden.

One year old daw si Chuchay nang magsimulang maging fan ng tambalang Alden Richard-Maine Mendoza o mas kilala noon bilang AlDub.

Hanggang sa latest drama series daw ni Alden na The Gift, tinututukan daw ni Chuchay.

Hindi raw nawawalan ng pag-asa si Bernard na gagaling pa ang anak niya sa kabila ng pinagdadanan nito.

Aniya, "Hangga't humihinga yung bata, hangga't may tibok, may pag-asa yun."

Lubos naman ang pasasalamat niya sa ginawa ni Alden para sa anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Benard Nipales Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results