Vickie Rushton tries her luck in Binibining Pilipinas for the third time

by Bernie V. Franco
Feb 5, 2020
Vickie Rushton announces on Instagram that she has submitted her application to join Binibining Pilipinas pageant for the third time.
PHOTO/S: @vimrushton on Instagram

Nagsumite ng kanyang application si Vickie Rushton, 27, sa pag-asang makasali sa Binibining Pilipinas 2020.

Kung papalarin, ito ang ikatlong pagkakataong sasali si Vickie sa national beauty pageant.

Unang sumali ang girlfriend ni Jason Abalos sa Binibining Pilipinas noong 2018, kung saan hinirang siyang first runner-up.

Sumali ulit siya noong 2019, pero hanggang Top 15 lang ang kanyang inabot.

Marami ang nanghinayang nang hindi makakuha ng major crown si Vickie sa pangalawang beses na pagsali niya.

Nitong February 4, Martes, ibinalita ni Vickie sa Instagram na nagsumite siya ng application sa Binibining Pilipinas.

Mensahe niya: “Since the announcement, I have been receiving lots of words of encouragement.

“I’ve read your messages, comments and posts. And for that, THANK YOU.

“You are the reason why I will never stop trying.

“I just want to thank all of you for believing in me.

“Yes, I have fears, it’s normal, but I know I can do this because I have YOU by my side.”

Continue reading below ↓

Bumuhos naman ang suporta kay Vickie mula sa kanyang mga tagasuporta.

Nagpaabot din ng mensahe ang maraming beauty queens, kagaya nina Lara Quigaman (Miss International 2005), Bea Rose Santiago (Miss International 2013), MJ Lastimosa (Miss Universe Philippines 2014), Patch Magtanong (Bb. Pilipinas International 2019), Eva Patalinjug (Bb. Pilipinas Grand International 2018), Jehza Huelar (Bb. Pilipinas Supranational 2018), at Angelica Alita (Bb. Pilipinas 2016 first runner-up).

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

VICKIE’S LOST OPPORTUNITY

Noong Binibining Pilipinas 2019, naging maingay ang pangalan ni Vickie at marami ang umasang makakakuha siya ng major crown.

Sa katunayan, hinakot ni Vickie ang special awards sa grand coronation na ginanap noong June 9, 2019.

Subalit sumablay si Vickie pagdating sa question-and-answer (Q &A) segment.

Nagmula ang tanong kay Daniel Padilla, na isa sa mga hurado.

Continue reading below ↓

Tanong kay Vickie: “Why is mental health as important as physical health?”

Hindi nasagot nang maayos Vickie ang tanong at tila na-distract ito.

Sa isang interview ilang araw pagkatapos ng pageant, sinabi ni Vickie na na-distract siya dahil may tumayo mula sa audience at sinimangutan siya.

“Nasasayangan ako, kasi I know kung anong sasabihin ko.

"Pero may nang-distract sa akin sa audience. Doon ako nawala.

"May tumayo at nag-make face," sabi ni Vickie sa interview niya ABS-CBN News.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vickie Rushton announces on Instagram that she has submitted her application to join Binibining Pilipinas pageant for the third time.
PHOTO/S: @vimrushton on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results