Angel Locsin praises Sharon Cuneta for being a "wonderful example"

by Bernie V. Franco
Feb 5, 2020
Sharon Cuneta (right) on Angel Locsin: “Napakabuti ng batang ito. Paano mo naman di mamahalin?"
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

Lumabas ang pagiging Sharon Cuneta fan ni Angel Locsin matapos mabasa ang appreciation post para sa kanya ng Megastar sa Instagram nitong Martes, February 4.

Puring-puri ni Sharon, 54, si Angel, 34, dahil sa respetong ibinibigay nito sa kanya.

Kalakip ang throwback photo nila ni Angel, inalala ni Sharon ang mga pagkakataon kung paano nagpakita ng respeto sa kanya ang The General's Daughter actress.

Kuha ang larawan noong nasa GMA-7 pa si Angel at bida sa teleseryeng Darna (2005).

Mensahe ng Megastar sa caption (published as is): “This was taken in 2005 or 2006. Angel was still Darna on GMA7.

“I was shooting my McDonald’a commercial with Kakie who was so obsessed with Darna then.”

Kasunod nito, ikinuwento ni Sharon ang efforts na ginagawa ni Angel, na lagi raw sinisiguradong makabati sa kanya kapag nasa ABS-CBN compound sila.

“Lemme tell you about this woman. Kahit nasaan siya sa laki ng ABS-CBN, pag nalaman niyang nandun din ako somewhere in the complex, pupuntahan niya ako kahit gaano kalayo para lang mag 'hello,’” lahad ng singer-actress-host.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw makakalimutan ni Sharon kung paano siya inalalayan ni Angel nang i-tape nila ang ABS-CBN Christmas special.

“Magkakasama kami nila Angelica Panganiban at Ogie [Alcasid] sa likod habang nauna na lahat halos ng ibang Kapamilya stars,” lahad ni Sharon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Nung nasa stage na kami, ayaw ni Angel na dun lang ako sa likod.

"Sabi ko okay lang, nakakahiya naman dumaan pa sa gitna ng ibang stars doon para lang mapunta sa harap. Ayaw niya! Dapat daw doon ako!

“So hinila niya talaga ako at nilusot niya talaga kaming dalawa sa lahat ng mga artistang nasa long stage hanggang madala niya ako sa harap.”

Papuri pa ni Sharon kay Angel: “Napakabuti ng batang ito.

“Paano mo naman di mamahalin?

“She didn’t have to do it but she did anyway, forgetting that she is THE Angel Locsin.

“Maraming salamat sa respeto, Angel. Love kita!”

Continue reading below ↓

ANGEL RESPONDS TO SHARON'S APPRECIATION POST

Hindi naman napigilan ni Angel na mag-react sa papuri sa kanya ng Megastar.

Ayon sa Kapamilya actress, “starstrucked” siya kay Sharon.

Inalala rin ni Angel na noon ay inaabangan pa niya si Sharon sa labas ng Eat Bulaga! para lamang makita ang idolo.

Pinasalamatan din ni Angel si Sharon sa pagiging magandang ehemplo sa industriya.

Komento ni Angel (published as is without the emojis): “Ikaw po ang MEGA STAR namin! grabe, starstrucked 100%

"Naalala ko po nagaabang po ako sa labas ng eat bulaga para lang po makita kayo! Pero binaba nyo po yung bintana ng kotse nyo para mag 'hi!', tapos namatay na po ako sa kilig

"Thank you so much po for being a wonderful example para po sa amin sa industry.”

Continue reading below ↓

NOT ABOUT KC

Samantala, nangatuwiran si Sharon nang paratangan siya ng isang netizen na parinig sa anak niyang si KC Concepcion ang kanyang appreciation post kay Angel.

Pagtatanggol ni Sharon sa sarili: “nagpapasalamat ako sa isang taong gumawa ng mabuti sa akin, patama agad?

“Ang tinatamaan guilty kahit hindi sya ang iniisip.

“Konting lawak ng pag-iisip naman.”

Nanawagan din si Sharon sa netizens na huwag nang pakialaman ang isyu nila ni KC.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (right) on Angel Locsin: “Napakabuti ng batang ito. Paano mo naman di mamahalin?"
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results