Kris Bernal engaged to boyfriend Perry Choi

by Rachelle Siazon
Feb 6, 2020
Kris Bernal's non-showbiz boyfriend, Perry Choi, proposes to her during his birthday bash at a restaurant in Makati City, Thursday night, February 6.
PHOTO/S: Nice Print Photography courtesy of Charisse Santillan Tinio

Simula na ng journey to forever ni Kris Bernal at ng non-showbiz boyfriend niyang si Perry Choi.

Engaged na ang magkasintahan matapos mag-propose si Perry kay Kris ngayong Huwebes ng gabi, February 6.

Naganap ang proposal sa El Circulo Restaurant sa Makati City, kunsaan ginanap ang birthday party ni Perry, na si Kris ang nag-organisa.

Pero ang 30-year-old Kapuso actress ang nasorpresa nang biglang mag-propose sa kanya ang nobyo.

Saksi sa proposal si Charisse Santillan Tinio ng Nice Print Photography. Siya ang nagbigay ng ilang detalye sa engagement nina Kris at Perry kay Rommel Llanes, Multimedia Editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nagbahagi rin si Charisse ng ilang litrato na kuha sa okasyon.

Continue reading below ↓

Makikita ritong naghanda si Perry ng gold-letter balloons na hawak ng iba pang imbitado sa okasyon.

Sabi rito: "WILL U MARRY ME?"

Halatang nasorpresa si Kris, na may hawak na bungkos ng long-stemmed sunflowers, habang nakaluhod sa harap niya si Perry na hawak naman ang engagement ring para sa dalaga.

Pagkatapos ay yumakap sa isa't isa ang magkasintahan.

May kuha rin si Kris na suot na ang engagement ring.

Continue reading below ↓

THREE YEARS TOGETHER

Si Perry ay isang chef at businessman na kasosyo ni Kris sa kanyang restaurant business.

Nagkakilala sila nang maging supplier ni Kris si Perry sa dating burger joints ng Kapuso actress.

February 2017 nang unang aminin ni Kris sa PEP.ph ang panliligaw sa kanya ni Perry, na noo'y hindi pa niya pinapangalanan.

Sinabi rin niyang limang taon ang tanda sa kanya ng manliligaw niya.

Pero nang maging sila na, naging bukas sa pagsasabi si Kris kung gaano siya kasayang nakahanap siya ng lalaking lubos na nagmamahal sa kanya.

KRIS'S SWEET MESSAGE FOR PERRY

Pagpasok ng taong 2020 ay nagsulat pa si Kris ng isang sweet love letter para kay Perry sa kanyang Instagram account.

Sabi rito ni Kris: "I want to thank you for the endless things you do for me and for everything that you are, @choi.perry

"For loving me endlessly, honestly, constantly, completely, with all your heart, mind, and being!

Continue reading below ↓

"Seriously, I can just count in my fingers our 'tampuhans' this year! 3 out of 365 days? No major major!

"I want to thank you for enduring the emotional roller coaster of my 2019. For being always there for me."

Natutunan din daw ni Kris kay Perry na ang pagmamahal ay hindi nasusukat, kundi kusa lang nararamdaman.

Dagdag ng aktres: "Happy 2020, my love! This new year may we be the bestest versions of ourselves and live in a way that is more pleasing to God!"

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal's non-showbiz boyfriend, Perry Choi, proposes to her during his birthday bash at a restaurant in Makati City, Thursday night, February 6.
PHOTO/S: Nice Print Photography courtesy of Charisse Santillan Tinio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results