PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon prefers not to be friends with ex-BF Cholo Barretto

Ryza Cenon is inclined to have a non-showbiz boyfriend.
by Glenn Regondola
Published Feb 8, 2020
Ryza Cenon explains why she prefers a non-showbiz boyfriend: “Parang nakumpara ko lang kung paano kapag taga-showbiz at yung di taga-showbiz. Kapag non-showbiz kasi, mas private yung relationship, mas intimate.”
PHOTO/S: Glenn Regondola

Halos isang taon nang single si Ryza Cenon mula nang nakipag-break sa aktor na si Cholo Barretto noong February 2019.

Hindi naman daw siya yung tipo ng babae na kapag nililigawan ay kailangan pa ng matagal na "getting-to-know-each-other" stage.

Pero aminado siyang kapag may manliligaw siyang hindi niya type at walang dating sa kanya ay hindi na rin niya ito pinatatagal.

Ito ang pahayag ni Ryza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa storycon ng pelikulang Kunwari… Mahal Kita na ginanap kahapon, February 6, sa Viva office, Tektite Building, Ortigas Center,Pasig City.

Kabilang si Ryza sa cast ng pelikulang pinagbibidahan din nina Nathalie Hart at Joseph Marco, sa direksiyon ni Roderick Lindayag.

Sabi ng Viva actress, “Ako, kasi, kapag may nanligaw sa akin, ‘tapos alam ko na wala siyang chance, sinasabi ko kaagad dahil ayaw kong manakit.

“At saka, ayaw ko ring magpaasa.

“Makikita mo naman yun kung sakaling wala kang gusto sa ugali niya, or parang, ‘Hindi magwu-work ito, kasi hindi talaga kami swak.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sasabihin ko na agad.

“Ang hirap lalo kapag binigyan mo sila ng chance, at alam mo na na day one pa lang, alam mo nang wala.

“Yung effort nila, sayang.

“Mas mahirap kasing sabihin yun, e.

“Yung wala talaga, ‘tapos nag-effort ka.

“’Ano ba, ginamit mo lang siya?’ Ganun ang magiging dating sa iyo.

"No, hindi ko kaya."

BREAKUP WITH CHOLO

Dahil dito, muling nabuksan ang usapin tungkol sa pakikipaghiwalay niya noon kay Cholo Barretto.

Naging madali ba yung breakup na yun, lalo na’t ilang taon din ang binilang nila bilang magkasintahan?

Aniya, “Sobrang effort yun!

“Sobrang hirap nun, kasi minahal mo naman siya, e.

“Parang ilang months kong inisip yung breakup na yun.

“Ilang months na ipinagdadasal na, ‘Bigyan Niyo ako ng chance, kung kelan yung tamang timing para sabihin yun.’”

Kinailangan na nga raw niyang magdesisyon dahil, para sa kanya, hindi na tama para kay Cholo na patagalin pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng 32-year-old actress, “Yeah, kasi feeling ko, unfair naman din para sa kanya.

“Parang feeling ko, ako wala na, ’tapos tinutuloy ko pa…

“Na ang akala niya, okey pa ako, pero hindi na.

“Kaya, mas okey yata na maging honest ka na lang.

“Tutal, given naman yung may talagang masasaktan, pero mas masakit yung patatagalin pa, ‘tapos wala naman na pala.”

NOT FRIENDS WITH EX-BF

Hindi raw alam ni Ryza kung may bago nang girlfriend si Cholo, na isa ring Viva artist, pero aminado ang aktres na after one year ay hindi pa rin sila friends.

Aniya, “No. Pero okey naman yung breakup.

“Pero mas pinili ko na huwag na lang maging… kasi, kaplastikan naman na, ‘Okey pa kami after, di ba?’

“’Di na yun. Wag na nating i-showbiz yun.

“Ganun naman talaga ang process para maka-move on.

“Hindi mo naman iki-keep kung anong meron kayo. Buburahin mo yun lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tanggalin mo, para meron ulit kang bago. Makapagsimula ka muli.

“Hindi ka makaka-move on kung laging nandiyan lagi. Para saan kung ba’t naghiwalay pa kayo? Balikan mo na lang kaya?

“Hindi naman sa nagpapaka-bitter, pero kailangan mong kumilos, para maka-move on.”

PREFERS NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Puro trabaho lang daw si Ryza ngayon, pero kung sakaling may matagpuan siyang potential boyfriend, sana raw ay hindi na ito taga-showbiz.

Ani Ryza, “Ayaw ko na munang taga-showbiz.

“Since then naman, hindi naman taga-showbiz ang… si Cholo lang talaga ang taga-showbiz.

“Parang nakumpara ko lang kung paano kapag taga-showbiz at yung di taga-showbiz.

“Kapag non-showbiz kasi, mas private yung relationship, mas intimate.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon explains why she prefers a non-showbiz boyfriend: “Parang nakumpara ko lang kung paano kapag taga-showbiz at yung di taga-showbiz. Kapag non-showbiz kasi, mas private yung relationship, mas intimate.”
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results