ABS-CBN news anchor Rica Lazo to co-host labor-themed radio show with Arnell Ignacio

New DZMM radio show Labor of Love to focus on labor issues
by Rommel Gonzales
Feb 9, 2020
ABS-CBN news anchor Rica Lazo (right) looks forward to co-hosting labor-themed radio show Labor of Love with Arnell Ignacio (left). The public service program will have its pilot airing via DZMM on February 14, 9:00-10:00 p.m.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Masaya ang ABS-CBN news anchor na si Rica Lazo dahil magkakaroon siya ng bagong radio show kung saan makakasama niya bilang co-host and kilalang comedian at former Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director V na si Arnell Ignacio.

Ayon kay Rica, ang radio show na pinamagatang Labor of Love ay eere sa DZMM at magkakaroon ng pilot airing sa Valentine's Day, February 14, 9:00-10:00 p.m.

Masasabing malaki ang social relevance ng radio show dahil tatalakayin dito ang mga labor at employment-related issues ng mga Filipino workers, kasama na ang Overseas Foreign Workers (OFWs).

Ang public service-oriented radio program ay nabuo sa pakikipagtulungan ng DZMM at Department of Labor and Employment (DOLE).

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rica kung ano ang magiging focus ng radio show nila ni Arnell.

MAJOR FOCUS

Paliwanag niya, “It’s about helping the labor force ng Pilipinas.

“Kasi ang dami po talaga nating mga manggagawa na hindi masyadong informed of our rights, di ba? Or kung ano pa yung mga puwede nating gawin to maximize yung kakayanin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ang ganda pong means nitong gagawin ng DZMM at ng DOLE para ipakita nga po sa mamamayanang Pilipino na eto pa yung meron tayo.

“Hindi tayo empleyado lang, so hindi lang din po dun yung magiging focus, kasi we are also gonna be tackling some problems being experienced ng iba nating mga workers.

“Let’s say illegal recruitment, o kaya malpractice dun sa kanilang… yung maling… mga pagkakamali sa kontrata, pag hindi naayos or hindi nasunod…

“Paano natin ilalaban? Saan tayo lalapit kapag meron tayong nararanasan na hindi magandang pang-aabuso sa atin?

“So hindi lang ito para sa mga mabababang uri ng mga manggagawa, kasi we can go as high as yung mga nandun sa mga may posisyon na talaga, because everybody experiences something not so nice at work, di ba? Something negative na alam natin na kaya pa nating ayusin .

“So iyon yung focus ng programa natin: to help, help find ways how we can manage yung mga ganyang problema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And also kung paano pa natin maipapakalat yung mga good news ng DOLE para matulungan natin yung labor force.”

WORKING WITH ARNELL

Bagamat hindi pa personal na kilala ni Rica si Arnell, inamin niyang matagal na niyang napapanood ang beteranong komedyante at artista, at aminado siyang na-starstruck siya noong una niyang nabalitaang magkakasama sila sa isang radio show.

Pag-amin niya, “Kasi ang laking pangalan po ni Arnell Iganacio, di ba po?

“Kaya nung sinabi sa akin na makaka-partner ko siya, lumabas siyempre yung pagka-fangirl kol, ‘Oh my God! Arnell Ignacio ito!’

“Kailangan kong maging mas better pa than kung ano ako ngayon, kaya challenge po talaga sa akin ‘tong programa na ito…

“Na matuto po ako kay Sir Arnell sa kanyang mga natutunan dito sa industry. Kasi di ba ilang taon na siya sa industriya? Ako bago pa lang, di ba po?

“So kung ano yung matututunan ko sa kanya, magiging malaking tulong, kaya nga po excited ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba nate-tense or nape-pressure si Rica dahil magaling na host at stand-up comedian si Arnell?

Lahad niya, “Naku, very much pressured po ako!

“Hindi ko nga po alam kung paano ako magsasalita nun. Baka mamaya, ‘Hahaha,’ gumanon lang ako,

“Wag naman sana Lord!

“Pero excited po talaga akong matuto kay Sir Arnell, kasi ang ganda po ng latag namin ng programa, hindi po namin kasi ito pinaplano na maging seryoso.

“Gusto namin very lighthearted lang ang pagkaka-deliver natin ng mga topics, dahil problemado ka na nga sa trabaho mo, puproblemahin pa natin lahat, di ba?”

Paano nga ba ang magiging format ng Labor of Love? Parang magtsi-chikahan lang ba sila on-air?

Pagkumpirma niya, “Oo, tawanan natin ‘yan, kasi may solusyon lahat ng bagay.

“Kung hindi mo masolusyunan ngayon, wait a minute, pahinga ka muna, di ba? Tawa muna tayo nang konti, ’tapos pag okay ka na, mag-isip tayo ulit kung paano natin iyon sosolusyunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya iyon po… kaya maganda din po na kasama ko po si Sir Arnell, kasi matututo ako sa kanya kung paano niya ginagawa yung mga…

“Bilang pulitika siya, showbiz siya, so naikot na niya yung mundo na ang dami na niyang nagawa, di ba po?

“So kung paano niya gagawin iyon, i-a-absorb ko po nang malala iyon ‘tapos paga nagawa ko po iyon, my God, baka may mapuntahan ako sa buhay, pangarap ng mga magulang ko. Hahaha!”

JOB EXPERIENCE

Matagal-tagal na rin si Rica sa larangan ng radio broadcasting.

Kuwento niya, “I have been a radio DJ for 11 years, prior to focusing on news.

“So paglipat ko po ng ABS-CBN five years ago, I was affiliated first with MOR, and then I started my first newsbreak with Sir Ted Failon, so after po nun I fell in love more with newscasting.

“Kasi gusto ko talaga to do the news more than yung entertainment ko. Parang nauna lang siya, although I don’t want to ano… to leave both worlds, kasi ang saya pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, now I’m focused on doing the news, I’m a news anchor for ABS-CBN’s ANC, The Business Channel for ABS-CBN, and also for DZMM.

“So, right now, this program that I’m gonna be working with, it’s a new program. It’s co-produced with DZMM and DOLE, so I’m the co-anchor of Sir Arnell.”

HELPING WITH OFW-RELATED ISSUES

Isa sa mga major problems ng mga Pinoy OFWs ay madalas masangkot ang mga ito sa mga kasong abuse, rape o minsa’y kabilang na rin ang murder sangkot ang kanilang mga foreign employers.

Paano makakatulong ang Labor of Love sa mga kasong ito?

“Well, we’re tied up with DOLE now.

“They have the means naman to also talk with POEA and yung mga iba pa nating ahensya para makita natin kung paano natin kakausapin yung mga agencies they’re affiliated with…

“Kung saan sila dumaan, yung mga labor… yung mga naging boss nila pagdating doon, dahil katulad ng na-mention natin kanina, ang daming mga pandaraya na nae-experience ng mga workers natin, lalo na yung mga OFWs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kung kunwari yung nangyari kina Veloso, di ba, na hindi maganda talaga yung naranasan ng pamilya nila, ang hirap sa pamilya na kapag nawalan sila ng contact doon sa kanilang mahal sa buhay na OFW.

“Ano pang gagawin nila, di ba?

“So dito tayo tutulungan nung programa natin, in line with DOLE, to find ways paano natin sila magagawan ng paraan makontak ulit, hindi lang with POEA [Philippine Overseas Welfare Administration].

“We’re gonna be trying to find more means, so tuturuan din ng programa natin yung mga nakikinig, mga nanonood, ng mga puwede nating gawin, hindi yung kung ano lang yung alam natin.

“So mas maganda na ma-o-open up tayo dito sa mga ganitong ways ng gobyerno natin kung paano din nila tayo matutulungan.

“Kasi kung hindi naman tayo informed—hindi naman lahat ng tao ay techie, hindi naman lahat ng tao ay marunong mag-research nang maayos—obligasyon ng programa namin na ipaalam iyon sa mga manggagawa Pilipino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT A TULFO COPYCAT

Sinabi namin kay Rica na hindi maiwasang ikumpara ang Labor of Love sa sikat na public service radio/online show ng Pambansang Sumbungan na si Raffy Tulfo.

Meron bang similarities ang programs nila?

Paglinaw ni Rica, “Sumbungan?

“No, hindi. Hindi lang siya about sumbungan, kasi ilalabas din namin dito yung mga magagandang mga nagagawa ng DOLE, yung mga programa para makatulong sa mga empleyado.

“Katulad na lang yung mga na-displace na residente…

“Sabihin natin yung Taal, yung mga hindi pa makabalik sa kani-kanilang mga trabaho.

“Ano bang puwedeng gawin ng DOLE para sa kanila? Makakakuha ba sila ng trabaho agad-agad pagbalik nila sa bahay nila? Anong maibibigay na trabaho ng DOLE?

“Yung mga ganun. Ibibigay namin sa kanila yung mga ganung klase ng mga programa din, so hindi ito sumbungan lang.”

ON-AIR JOB FAIR

Kabilang din sa public service focus ng Labor of Love ang pagbigay ng employment opportunities sa mga Pinoy workers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Rica, “Yes, meron din tayong ganyan, meron din tayong jobs on-air.

“We will also feature good news, mga magagandang ginawa ng iba’t ibang empleyado, mga kumpanya na maganda ang ginagawa para sa mga empleyado nila.

“So it’s not just mga negatives ang tinitingnan natin, but we are also gonna be boosting morale ng lahat ng mga empleyado, lahat ng mga manggagawa…

“Dahil pati yung mga boss, titingnan natin—sino ba yung mga maganda ang ginagawa para sa mga employees nila? How can other companies emulate what they are doing, di ba?

“Para magawa naman din nila dun sa kumpanya nila, hindi lang itong mga boss na ‘to, dahil mamaya baka kung maipakalat natin sa buong Pilipinas ‘yan, hindi na tayo lumabas ng ibang bansa, di ba? Hindi na tayo lumayo sa pamilya natin.

“So iyon kasi ang aim ng gobyerno ng Pilipinas, e. Bawasan yung brain drain.

“To try as much as they can, have the Filipinos be here in the country, with their families, helping yung paglago ng Pilipinas, so ganun po yung gagawin natin dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OTHER SHOWS

Bukod sa forthcoming radio stint ni Rica with Arnell for Labor of Love, busy din siya sa kanyang current radio shows, kasama na ang Wow Trending na umeere sa DZMM Monday to Friday, 2:30 p.m.

Meron din siyang Saturday afternoon radio show sa DZMM with Danny Buenafe, ang Good Job, 2:00-3:00 p.m. na tumatalakay din sa labor issues.

News anchor din siya ng ANC, kung saan hawak niya ang graveyard shift pagkatapos ng The World Tonight.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN news anchor Rica Lazo (right) looks forward to co-hosting labor-themed radio show Labor of Love with Arnell Ignacio (left). The public service program will have its pilot airing via DZMM on February 14, 9:00-10:00 p.m.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results