Solicitor General asks Supreme Court to revoke ABS-CBN franchise

by Jet Hitosis
Feb 10, 2020
Solicitor General Jose Calida leads the filing today, February 10, of a quo warranto petition for the Supreme Court to revoke the legislative franchises of ABS-CBN Corporation and its subsidiary ABS-CBN Convergence Inc., after his office discovered the alleged "highly abusive practices of ABS-CBN."
PHOTO/S: @SolGenCalida on Twitter, PEP file

Naghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS-CBN Corporation dahil sa mga umano'y paglabag sa legislative franchise nito.

Idinulog ng OSG sa Kataas-taasang Hukuman ang petisyong bawian ng prangkisa ang broadcasting giant, mahigit isang buwan bago mag-expire ang 25-year franchise nito sa March 30.

Personal na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa tanggapan ng Supreme Court ngayong Lunes ng umaga, February 10, ang “Very Urgent Omnibus Motion” upang kanselahin ang franchise ng ABS-CBN Corporation at ng subsidiary nitong ABS-CBN Convergence Inc.

Ang ABS-CBN Convergence ang telecommunications unit ng network, at nangangasiwa sa digital TV service ng kumpanya na ABS-CBN TV Plus.

Hindi nagbigay si SolGen Calida ng kopya ng petisyon sa mga mamamahayag, bagamat naglabas ng opisyal na pahayag ang OSG.

SOLGEN CITES “HIGHLY ABUSIVE PRACTICES”

Sa official statement ng OSG, iginiit nitong dapat nang matuldukan ang “what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN.”

Continue reading below ↓

Ang mga paglabag diumano ng network “have gone unnoticed or were disregarded for years.”

Binigyang-diin ng OSG sa petisyon nito na ang ABS-CBN “has been broadcasting for a fee, which is beyond the scope of its legislative franchise" ang Republic Act No. 7966.

Inakusahan pa ng OSG ang 65-anyos na broadcast network ng “allowing foreign investors to take part in the ownership of Philippine mass media entity, in gross violation of the foreign interest restriction of mass media provided under Section 11, Article XVI of the Constitution.”

Nakasaad din sa pahayag ng OSG na inabuso umano ng ABS-CBN ang prebilihiyong ipinagkaloob dito ng gobyerno nang mag-operate ito ng “pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus, the KBO Channel,” nang walang permiso mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

FOREIGN OWNERSHIP RESTRICTION VIOLATIONS?

Bukod dito, sinabi pa ng OSG na nag-iisyu umano ang Kapamilya network ng “Philippine Deposit Receipts (PDRs) through ABS-CBN Holdings Corporation to foreigners.”

Continue reading below ↓

Ang nasabing paglabag ay nakapaloob pa rin sa foreign ownership restriction sa mass media, ang Section 11, Article XVI ng Konstitusyon.

Nakasaad sa probisyong ito na tanging mga mamamayan ng Pilipinas ang maaaring magmay-ari at mangasiwa sa isang mass media company sa bansa.

Nahaharap sa parehong alegasyon ang online news agency na Rappler, makaraang atasan ng OSG ang Securities and Exchange Commission (SEC) na imbestigahan ang kumpanya sa hinalang hindi ito 100 percent-Filipino owned.

January 2018 nang magpasya ang SEC na bawian ng license to operate ang Rappler sa paglabag umano sa Konstitusyon.

Iniapela ng Rappler ang pasya ng SEC, at inatasan ng Court of Appeals na rebyuhin ang pasya nito.

Samantala, may alegasyon din ang OSG na sangkot ang ABS-CBN Convergence sa “corporate layering scheme in order to transfer its franchise without the necessary Congressional approval.”

May hiwalay na 25-taong prangkisa ang ABS-CBN Convergence, na iginawad noong 1997, sa bisa ng Republic Act No. 8332. Mag-e-expire ito sa 2022.

Continue reading below ↓

Bigo rin umano ang telecommunications arm ng network, ayon sa OSG, na ialok ang alinmang “outstanding capital stock to any securities exchange within the Philippines within five years from the start of its operations, which is an indispensable condition in its franchise.”

Asahang maglalabas ng official position ang ABS-CBN Corporation sa quo warranto petition ng OSG kapag inatasan na ito ng Korte Suprema na maghain ng komento sa petisyon.

QUO WARRANTO PETITION

Ang quo warranto ang paraan ng gobyerno upang kuwestiyunin ang “usurpation of a public office, position or franchise,” batay sa Rule 66 ng Rules of Court.

Maaari itong ihain laban sa “a person who usurps, intrudes into, or unlawfully holds or exercises a public office, position or franchise; a public officer who does or suffers an act which, by the provision of law, constitutes a ground for the forfeiture of his office; or an association which acts as a corporation within the Philippines without being legally incorporated or without lawful authority so to act.”

Continue reading below ↓

Quo warranto petition din ang ginamit ng OSG upang mapatalsik sa puwesto si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Dahil sa kabiguang maghain ng mandatory asset declaration habang nagtuturo bilang propesor sa University of the Philippines (UP) College of Law, napaalis sa puwesto si Sereno noong 2018.

SOLGEN PETITION AND PENDING FRANCHISE BILLS

Mahigit siyam na panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation ang nakabimbin pa rin sa Kamara hanggang ngayon.

Pero dahil sa quo warranto petition na inihain ng OSG, inamin ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel na made-derail ang pagdinig sa mga ABS-CBN franchise bills.

Inakda ni Pimentel, kongresista mula sa Surigao del Sur, ang House Bill 5608, isa sa mga panukalang nagsusulong ng pagkakaloob ng panibagong broadcasting franchise para sa Kapamilya network.

“[If] ever we will hear the application of ABS, the violations mentioned by the OSG (Office of the Solicitor General) will be highlighted during the hearing, thereby derailing its renewal,” saad sa press statement ni Pimentel ngayong Lunes.

Continue reading below ↓

Ilang beses nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin ang pagkakaloob ng panibagong 25-taong prangkisa sa ABS-CBN.

Ito ay makaraang akusahan niya ng swindling ang network sa hindi paglalabas sa mga presidential campaign ads niya noong 2016, kahit pa bayad na ang mga ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solicitor General Jose Calida leads the filing today, February 10, of a quo warranto petition for the Supreme Court to revoke the legislative franchises of ABS-CBN Corporation and its subsidiary ABS-CBN Convergence Inc., after his office discovered the alleged "highly abusive practices of ABS-CBN."
PHOTO/S: @SolGenCalida on Twitter, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results