Former matinee idol Dennis Da Silva gets life imprisonment for rape, four years for child abuse

by Jojo Gabinete
Feb 11, 2020
Former actor Dennis Da Silva was sentenced to life imprisonment for raping the 14-year-old daughter of his live-in partner in 2001. Da Silva has been in prison for 17 years.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7 / Facebook

Napatunayan ng korte na nagkasala ang former actor na si Dennis Da Silva sa mga kasong rape at child abuse sa mga paulit-ulit na insidente na nagsimula noong 2001.

Ang biktima ay anak ng dating live-in partner ng aktor.

Twenty-eight years old noon si Dennis, habang 14-anyos lang noon ang biktima.

Binasahan ng hatol si Dennis sa Branch 261 ng Regional Trial Court ng Pasig City noong Biyernes, February 7.

Nahatulan si Dennis ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong sa bawat 15 bilang ng panghahalay (Article 266-A in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code, as amended, in relation to Republic Act No.7610).

Maliban dito, nahatulan din ang dating aktor ng apat na taon, dalawang buwan, at isang araw hanggang anim na taon at isang araw na pagkakakulong para sa apat na bilang ng child abuse (Republic Act No.7610) sa biktima.

Para naman sa civil liability, ipinag-utos ng korte na bayaran ni Dennis ang biktima ng P100,000 para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral damages, at P100,000 para sa exemplary damages o P300,000—may kabuuang halaga na P4.5 million—for each count of rape.

Continue reading below ↓

Pinagbabayad din si Dennis ng P380,000 o P95,000 each para sa four counts ng child abuse.

Labing-pitong taon nang nagdurusa sa Pasig City Jail si Dennis, na ngayon ay 47 years old na.

Kahit puwede na siyang mag-apply ng conditional pardon at commutation o good conduct time allowance, kailangan pa rin niyang magbayad para sa perhuwisyo na kanyang ginawa sa biktima.

Kung walang pambayad si Dennis sa civil indemnity, maaari siyang mag-file ng appeal dahil sa pag-asang mabago ang desisyon.

Pero nangangahulugan ito ng kanyang mas matagal na pananatili sa kulungan.

Kasama ang live-in partner noong ni Dennis na si Marilyn Paz sa mga sinampahan ng kaso, pero namatay na ito bago pa man nakamit ng kanyang anak ang hustisya.

Promising young actor si Dennis nang magsimula ang showbiz career niya noong kalagitnaan ng dekada ’80.

Pero nalulong siya sa masasamang bisyo na dahilan para mapariwara ang kanyang buhay.

Si Dennis ay naging miyembro ng dating youth-oriented show na That's Entertainment.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nilabasan niyang pelikula ay ang Ninja Kids (1986), Captain Barbell (1986), Love Boat: Mahal Kita (1988), Sheman: Mistress of the Universe (1988), at Underage Too (1991).

Naging kontrobersiyal din siya noon dahil sa relasyon nila ng dating girlfriend na si Ruffa Gutierrez.

Read Next
Read More Stories About
dennis da silva, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actor Dennis Da Silva was sentenced to life imprisonment for raping the 14-year-old daughter of his live-in partner in 2001. Da Silva has been in prison for 17 years.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7 / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results