Kapuso stars Dingdong Dantes, Aiko Melendez Eugene Domingo rally behind ABS-CBN

by Bernie V. Franco
Feb 11, 2020
Kapuso stars (L-R) Dingdong Dantes, Aiko Melendez, and Eugene Domingo express their support for ABS-CBN amid threats that may shut down the giant network.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nakahanap ng kakampi ang ABS-CBN sa ilang artista ng kalaban nitong network, ang GMA-7, sa kinahaharap nitong krisis dahil sa nalalapit na pag-e-expire ng kanilang franchise sa March 30, 2020.

Sa pambihirang pagkakataon, nakiisa sa ABS-CBN ang Kapuso artists gaya nina Dingdong Dantes, Eugene Domingo, Aiko Melendez, at Paolo Valenciano.

DINGDONG TWEETS IN SUPPORT OF ABS-CBN

Ngayong Martes ng hapon, February 11, sunud-sunod ang tweets ni Dingdong, 39, upang ipahayag ang pakikiisa sa mga kapwa artista sa kabilang network.

Unang tweet ng Kapuso actor: “Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry.

“We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos.”

Continue reading below ↓

Umaasa raw ang Descendants of the Sun lead star na, sa huli, isasantabi ng mga kinauukulan ang anumang pansariling interes para sa nakararami.

“In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a countermeasure against alleged abuses.”

Continue reading below ↓

Nananalig din si Dingdong na gagampanan ng Kongreso ang trabaho nito upang talakayin ang isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

“I pray too that the government, thru Congress, will hear out its constituents. After all, Congress is supposed to represent our ‘voice,’” tweet ng aktor.

Ginamit din ng Kapuso actor ang hashtag na "#NoToABSCBNShutDown" bilang pakikiisa sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Ang Kongreso ang pangunahing legislative body na tatalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN at iba pang networks.

Subalit sa ulat na inilabas ng Politiko noong February 3, sa pagsisimula ng hearing ng House Committee on Legislative Franchises ay hindi kabilang sa mga tatalakayin ang proposed bills para sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Ni-repost din ni Dingdong ang bahagi ng speech ni Representative Lito Atienza ng Buhay Party-list tungkol sa kawalan ng aksyon ng House Committee on Legislative Franchises kaugnay ng ABS-CBN franchise.

Ayon kay Atienza, ang kawalan ng aksyon ng komite “will only spell the weakening of the foundations of our democratic system.”

Continue reading below ↓

Bagamat Kapuso si Dingdong, nakagawa siya ng mga pelikula sa ilalim ng Star Cinema, ang production film outfit ng ABS-CBN.

Kabilang dito ang Segunda Mano (2011), One More Try (2012), She’s The One (2013), The Unmarried Wife (2016), Seven Sundays (2017), at Fantastica (2018).

EUGENE DOMINGO

Pro-Kapamilya rin ang post ng Kapuso actress na si Eugene Domingo, 48.

Continue reading below ↓

Post ni Eugene via Instagram: “In the end, we are all family [heart emoji] I pray with you. [praying emoji]”

Bago lumipat si Eugene sa GMA-7 noong 2008, halos anim na taon siyang napanood sa ABS-CBN.

AIKO MELENDEZ, PAOLO VALENCIANO

Nagpakita rin ng suporta sa ABS-CBN ang aktres na si Aiko Melendez, 44, na kasalukuyang napapanood sa Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas.

Continue reading below ↓

Ani Aiko (published as is): “Ang tagal ko dn naging parte ng ABS CBN, madami akong magandang proyekto nagawa sa kanila.

“Nagkaroon ng ibat ibang papuri sa mga awards.

“Malaki ang naitulong ng Abs sa akin.

“Bagamat ako ay nasa GMA hangad namen na maayos ang kanilang franchise dahil sa huli lahat tayo ay nasa iisang industry.

“Tayo ay magkapuso at magkapamilya. #notoabscbnshutdown”

Bago ang Prima Donnas, sunud-sunod ang naging teleserye ni Aiko sa bakuran ng ABS-CBN.

Kabilang dito ang The Story of Us, Wildflower, at Bagani.

Continue reading below ↓

Nagpahayag din ng kanyang pakikiisa sa ABS-CBN ang concert and events director na si Paolo Valenciano.

Maiksing tweet ni Paolo: “I’m Kapuso but I support @ABSCBN”

Si Paolo, anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, ay creative consultant ng bagong Kapuso show na All-Out Sundays.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars (L-R) Dingdong Dantes, Aiko Melendez, and Eugene Domingo express their support for ABS-CBN amid threats that may shut down the giant network.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results