Bea Alonzo, Dominic Roque spotted together at family gathering 

by Rachelle Siazon
Feb 12, 2020
Netizens speculate about Dominic Roque's closeness to Bea Alonzo and her family after he was seen at a party that Bea organized for her half-brother and soon-to-be sister-in-law. Seen above is a photo of Dominic and Bea at the actress' birthday party last October.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram

Nakatawag ng pansin ng netizens ang patuloy na pagiging malapit nina Bea Alonzo, 32, at Dominic Roque, 29.

Partikular na rito ang pagdalo ni Dominic sa isang party na inorganisa ni Bea para sa fiancée ng nakababatang kapatid ng aktres na si James Carlos.

Ang fiancée ni James ay si Thalia Agbayani, anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani.

Buntis si Thalia kaya nag-organisa si Bea ng baby shower para rito noong Linggo, February 9.

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng picture kunsaan makikita si Bea, ina ni Bea na si Me-Ann, at ang magkasintahang sina James at Thalia.

Puna ng netizen, bakit daw si Dominic ang bukod-tanging showbiz personality, maliban kay Bea, na kasama sa picture.

Narito ang close-up shot ng kanilang group photo:

Continue reading below ↓

Napansin din ng netizens na nakaupo si Dominic sa table kung saan nakapuwesto ang ina ni Bea.

Anila, senyales daw iyon na malapit talaga ang binata sa pamilya ni Bea.

Base ito sa hiwalay na videos at pictures na ni-repost sa Instagram at Twitter ng ibang fans ng aktres.

Continue reading below ↓

Sumali rin si Dominic sa games.

Continue reading below ↓

Bukod sa family gathering na ito, namataan din sina Bea at Dominic na naggo-grocery kasama si Nina Ferrer ng Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN.

Hindi malinaw kung kailan nakunan ang litrato.

JAPAN TRIP

Pero noon pang 2019 napansin ng netizens ang pagiging malapit ng dalawa.

Continue reading below ↓

November 2019 nang magbakasyon sina Bea, Dominic, at Nina sa Japan.

Sa Instagram account ni Dominic, makikita ang ilang kuha ng grupo nila habang namamasyal doon.

Sa Instagram account ni Bea, hindi siya nag-post ng pictures nila ni Dominic sa Japan.

Pero naka-tag si Dominic bilang photographer sa solo pictures ng aktres.

Continue reading below ↓

JUST FRIENDS?

Bali-balita noon na nanliligaw si Dominic kay Bea.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 28, 2019, aminado si Bea na hindi maiwasang maugnay sa kanya si Dominic dahil pareho silang single.

Magkaibigan daw sila mula pa noong 2016.

Pero "too soon" pa raw para isipin ni Bea ang pakikipag-date.

Huling nakarelasyon ni Bea si Gerald Anderson.

Noong June 2019, nadawit sa hiwalayan nina Bea at Gerald ang Between Maybes leading lady ng aktor na si Julia Barretto.

Nanindigan naman sina Gerald at Julia na wala silang anumang espesyal na ugnayan.

JULIA UNFOLLOWS DOMINIC

Incidentally, kaibigan din ni Julia si Dominic.

Pero noong December 2019 hanggang January 2020, napansin ng netizens na kabilang si Dominic sa mga in-unfollow ni Julia sa Instagram.

In-unfollow din noon ni Julia sina Joshua Garcia, Janella Salvador, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, at Patrick Sugui.

Si Joshua ay ex-boyfriend ni Julia. Kaibigan naman ni Julia sina Janella, Gabbi, Khalil, at Patrick.

Continue reading below ↓

At press time, naka-follow na ulit si Julia kina Khalil, Gabbi, at Patrick. Pero hindi pa rin siya naka-follow kina Joshua, Janella, at Dominic.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens speculate about Dominic Roque's closeness to Bea Alonzo and her family after he was seen at a party that Bea organized for her half-brother and soon-to-be sister-in-law. Seen above is a photo of Dominic and Bea at the actress' birthday party last October.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results