OPM, media groups support ABS-CBN in franchise renewal battle

by Jet Hitosis
Feb 12, 2020
Ogie Alcasid shares on Instagram the Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit's statement of support for the franchise renewal of ABS-CBN.
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram

Nanawagan ang Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa gobyerno, partikular na sa mga mambabatas, na tiyaking may “due process” sa pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation.

Ang franchise-renewal battle sa pagitan ng Kapamilya network at ni President Rodrigo Duterte ay kasalukuyang nakabimbin sa Kamara.

Ang OPM, na itinatag noong October 1986, ang pangunahing samahan ng Pinoy professional singers sa bansa.

Inilabas ng OPM ang apela nitong Martes, February 11, isang araw makaraang maghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema upang ipawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ang OSG ang tumatayong abogado ng gobyerno ni Presidente Duterte.

Inakusahan ng OSG ang network ng paglabag sa ilang probisyon ng legislative franchise nito, gaya ng umano’y ilegal na pag-aalok ng paid broadcast, at pagpapahintulot ng foreign ownership sa kumpanya.

Isinagawa ng OSG ang quo warranto filing nitong Lunes, February 10, mahigit isang buwan bago mag-expire ang 25-taong broadcasting franchise ng ABS-CBN sa March 30.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, hindi pa nasisimulang talakayin sa Mababang Kapulungan ang 11 franchise renewal bills na kasama ang ABS-CBN.

“KEEP VITAL PLATFORM FOR OUR ARTISTS”

Sa statement of support ng OPM, nakasaad na mahalagang mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN “and keep that vital platform for our artists.”

Sa pangambang tuluyang maipasara ang Kapamilya network kapag hindi na-renew ang prangkisa nito, sinabi ng OPM: “Shutting it down will deal a significant blow to our community of artists that Filipinos rely on for more than their entertainment.”

Nagbabala ang grupo na ang consequences ng pagsasara ng ABS-CBN “will indeed be felt far beyond our sector.”

Continue reading below ↓

Ang apelang ito ng OPM ay ipinost ng kapwa Kapamilya singers na sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano sa Instagram nitong Martes.

Si Ogie ang presidente ng OPM.

Continue reading below ↓

FAM CONDEMNS QUO WARRANTO FILING

Nauna nang nagpahayag ng suporta sa network nitong Lunes ang grupo ng entertainment artists na Free the Artists Movement (FAM).

Kabilang sa mga miyembro ng FAM sina Jaime Fabregas, John Arcilla, Joel Lamangan, Ricky Lee, Monique Wilson, Pen Medina, at Pinky Amador.

Mariing kinondena ng FAM ang paghahain ng OSG, sa pamumuno ni Solicitor General Jose Calida, ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN bilang “pre-empting the constitutional process.”

Ayon sa FAM, ang Kamara, partikular ang House Committee on Legislative Franchises, “should be left alone, free of pressure, to deal with pending house bills pertaining to ABSCBN franchise.”

Continue reading below ↓

PRESS CORPS EXPRESS SUPPORT

Kasabay nito, nagpahayag din ng kani-kanilang suporta sa ABS-CBN—partikular sa “press freedom” at “right to information”—ang iba’t ibang grupo ng mga mamamahayag sa bansa.

Nanindigan para sa kapwa journalists sa ABS-CBN News ang Defense Press Corps ng Department of National Defense (DND) ang mga sumusunod: ang PNP Press Corps ng Philippine National Police (PNP) at ang mismong mga nagko-cover kay Pangulong Rodrigo Duterte na Malacañang Press Corps.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa nakalipas na mga taon, ilang beses nagbanta ang Presidente na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Ito ay matapos akusahan ni Pangulong Duterte ang Kapamilya network ng hindi paglalabas sa kanyang presidential campaign ads noong 2016, kahit na bayad na ang mga ito.

NUJP’S ONLINE PETITION

Ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang unang tumuligsa sa quo warranto filing laban sa ABS-CBN nitong Lunes.

Noong nakaraang buwan, inilunsad ng NUJP ang online petition sa Change.org para makalikom ng isang milyong pirma na inaasahang kukumbinsi sa mga kongresista na aksiyunan ang mga pending franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Marami nang Kapamilya artists ang pumirma sa naturang online petition ng NUJP, kabilang sina Lea Salonga, Anne Curtis, Vice Ganda, Melai Cantiveros, at Karla Estrada.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid shares on Instagram the Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit's statement of support for the franchise renewal of ABS-CBN.
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results