Matapos makipaglaro sa mga batang ulila na inimbitahan ng St. Louis College Valenzuela City, tinanong ng 24 Oras showbiz reporter na si Lhar Santiago sina Glaiza de Castro at Joel Palencia tungkol sa kanilang magiging Valentine's Day.
Video: GMA News
Ayon sa dalawang Kapuso stars, trabaho ang haharapin nila sa Araw ng Puso.
Si Joel nasa isang show sa Zamboanga del Norte sa February 14, habang si Glaiza naman ay nasa Davao mula ngayong araw, February 13, Huwebes, hanggang kinabukasan ng Biyernes.
Pagkatapos na raw ng Valentine's Day makikipag-date si Glaiza sa Irish boyfriend na si David Rainey. Sa susunod na linggo pa raw kasi ito darating mula sa Ireland.