Did singer Rhap Salazar come out on Valentine’s Day?

by Arniel C. Serato
Feb 14, 2020
Singer Rhap Salazar posts photo with a mysterious guy on his social media accounts.
PHOTO/S: Courtesy: @rhapsalazar on Instagram

Tila itinaon ng singer na si Rhap Salazar ngayong Valentine's Day ang pagsasapubliko ng kanyang love life.

Sa pamamagitan ng Instagram at Twitter, isang mensahe tungkol sa "love" ang ibinahagi ni Rhap.

Kalakip nito ang dalawang larawan ng dalawang lalaking nakatalikod at nakatingin sa waterfall.

Caption dito ng 23-year-old singer at voice coach: “Today, let us celebrate LOVE [heart emoji].”

Continue reading below ↓

Base sa larawan, si Rhap ang lalaking nasa kaliwa.

Hindi naman naka-tag ang kasama niya sa larawan kaya wala itong pagkakakilanlan.

Ngunit malinaw sa mga komento sa parehong Instagram at Twitter accounts ni Rhap na masaya ang mga kaibigan niya para sa kanya.

Kabilang sa mga nagkomento ay ang singer na si Klarisse de Guzman at ang comedienne na si Kiray Celis.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May Valentine's Day message din si Rhap para sa kanyang Twitter followers: "Maligayang Araw ng mga Puso sa mga taong patuloy na lumalaban sa ngalan ng pag-ibig. Magbunyi!"

MANTAYUPAN FALLS

Sa pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Instagram ni Rhap, napag-alaman naming kuha ang nasabing mga larawan sa Mantayupan Falls, na matatagpuan sa Barili, Cebu.

Continue reading below ↓

Noong May 2018 ay nag-post si Rhap sa Instagram ng solo photos niya na kuha mula rito.

Base sa tattoo at suot niyang shorts, parehong araw kinunan ang mga larawan na ibinahagi ni Rhap ngayong Valentine's Day kung saan kasama nito ang pinaniniwalaang karelasyon niya.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin din ang Twitter post ng The Little Big Star alumnus noong February 12.

Aniya: "I miss my Cheek so much. I miss my safest place. Haaaay. Kaya mo ‘to, self."

Ang "my Cheek" kayang tinutukoy ni Rhap ang lalaking kasama niya sa larawan?

RAINBOW FLAG

Matagal nang kinukuwestiyon ang sexual orientation ni Rhap, at wala pa siyang direktang pahayag tungkol dito.

Continue reading below ↓

Ngunit tila sinagot na ni Rhap ang katanungan ng marami dahil sa paggamit niya ng rainbow flag emoji sa kanyang Instagram profile.

Ang rainbow flag ay sumisimbolo sa lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer (LGBTQ) pride at LGBTQ social movements.


Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhap ng direct message sa Twitter upang makahingi ng pahayag tungkol sa kanyang makahulugang post.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rhap Salazar, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Rhap Salazar posts photo with a mysterious guy on his social media accounts.
PHOTO/S: Courtesy: @rhapsalazar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results