Matapos ang matagumpay na pinning ceremony niya bilang private pilot last year, natapos na ng singer and actor na si Ronnie Liang ang kanyang Philippine Army reservist military training under the Armor “Pambato” Division (AD), February 14, sa Capas, Tarlac.
Ginawaran siya ng ranggo bilang second lieutenant.
Pahayag niya, “Started this 2018 pa pero wala akong sinabihan. I actually volunteered.
"I said na gusto kong maging parte siyempre to serve the country, to help the community lalo na sa panahon ng pangangailangan.
"Remember Marawi siege? Iyun ang nagpagising sa akin na talagang kailangan natin magtulungan as a nation,” kuwento ni Ronnie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Linggo ng umaga, February 16, sa pamamagitan ng e-mail messaging.
Qualified si Ronnie maging Philippine Army reservist dahil college degree holder siya, kumuha ng ROTC noong college, at nakadagdag din ang pagiging piloto niya. Ang iba pang requirements ay dapat physically ready at malinis ang record.
Lahad niya, “Sobra ang paghanga at pagsaludo ko sa AFP, sa Armor Division, sa lahat ng sundalo. Hindi madali iyung ginagawa nila sa bayan. Iyung pawis nila ang sumisimbolo sa dedikasyon nila at sa serbisyo nila.”
Ang eksaktong pinagdaanan ni Ronnie ay ang Mechanized Infantry Operations Training (MIOT) to further equip his reservist competencies in addressing conventional and external threats.
The rigorous course highlights battle drills, armored vehicle defensive driving, raid mission training, and lectures on enemy armored threats.
Pagbabalik-tanaw niya, “Grabe iyung training. Such a humbling experience. 4:00 am pa lang gumigising na.
"Super strict sa time and kilos. Dapat talagang mabilis ka kumilos—from eating your food to taking a bath.
"Sobrang ma-physical nung training but at the end of the day, iisipin mo na malaki ang maitutulong nun sa character mo and pagmamahal mo sa bayan natin.”
Bilang pormal na kasapi ng AFP family (Armor Division), nilagyan si Ronnie ng black beret at mechanized patches na sumisimbolo sa respeto, dedikasyon, passion, commitment, pagmamahal sa ginagawa, at sakripisyo ng buhay para sa bansa.
Ayon kay Ronnie, elite officers and soldiers lang ang may karapatang magsuot ng black Armor beret.
Hindi rin ito ibinibigay sa mga hindi pumasa o hindi nagtapos ng training.
Bukod pa rito, bilang din ang nagka-qualify na mag-train sa Armor Division.
Sabi ng newly promoted second lieutenant, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagpipiloto hanggang sa makamit niya ang kanyang commercial license. Last year, nakuha niya ang pin bilang isang pormal na private pilot.
Sa ibang dako naman, patuloy ang pag-promote ni Ronnie ng collab song niya with Pop Star Royalty Sarah Geronimo titled “Liwanag,” available on Spotify and other digital music platforms.
This year, magpu-produce si Ronnie ng new songs dedicated to his supporters. Kabilang din siya sa mga performer para sa PAGCOR TOUR at bahagi rin siya ng upcoming movie under Viva Films that stars Bela Padilla and Marco Gumabao.