Watch Now

Senate panel to start tackling ABS-CBN franchise renewal

by Jet Hitosis
Feb 18, 2020
Senate Committee on Public Services, lead by Senator Grace Poe, is set to discuss the ABS-CBN franchise renewal bill starting February 27.
PHOTO/S: Gorgy Rula / ABS-CBN

Itinakda ng Senate Committee on Public Affairs sa February 27 ang pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation.

Magsasagawa ng hearing ang komiteng pinamumunuan ni Senator Grace Poe kahit hindi pa natatalakay ng Kamara ang alinman sa 11 panukalang magkakaloob ng panibagong prangkisa sa network.

Sa March 30, 2020 mag-e-expire ang 25-year franchise ng ABS-CBN.

Humarap sa press conference sa Senado si Senator Poe, 52, nitong Lunes, February 17.

Ayon sa report ng Philippine Star, nilinaw ng senadora na Kamara pa rin ang may kapangyarihang magkaloob ng prangkisa sa public utilities at broadcast companies.

Gayunman, aniya, maaari namang magsagawa ng “simultaneous hearing” ang Upper Chamber sa mga panukalang kailangang maipasa kaagad.

Tulad nga ng kaso ng prangkisa ng Kapamilya network, na mapapaso na sa susunod na buwan.

Twelve session days na lang ang natitira bago mag-adjourn ang Kongreso sa March 14.

Sakali mang tuluyang hindi ma-renew ang prangkisa, matitigil ang television at radio operations ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigit 11,000 empleyado ng kumpanya ang inaasahang maaapektuhan nito.

SIMULTANEOUS HEARINGS OF LOWER AND UPPER CHAMBERS

Tatalakayin ng komite ni Poe ang Senate Bill No. 981 (Renewing the Franchise Granted to ABS-CBN Broadcasting Corporation).

Inihain nina Senators Ralph Recto at Leila de Lima ang naturang panukala noong August 28, 2019.

Ayon kay Poe, hindi ito ang unang beses na magsasagawa ng pagdinig ang Senado habang wala pang naita-transmit na counterpart bill ang Lower Chamber.

Aniya, ganito rin ang nangyari sa pagtalakay ng Kongreso sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law noong 2017, at maging sa mga naunang deliberasyon sa annual national budget.

Ang TRAIN Law (Republic Act No. 10963) ang nagtakda ng malaking bawas sa personal income taxes sa bansa, kasabay ng pagtataas sa buwis ng ilang serbisyo at produkto, simula noong 2018.

Tiniyak din ng senadora na hihintayin ng public services panel ang aprubadong franchise renewal bill mula sa Kamara bago nito isapubliko ang sariling committee report.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, umaasa si Poe na aaksiyunan na rin ng mga kongresista sa mga susunod na araw ang pending ABS-CBN franchise renewal bills sa Mababang Kapulungan.

LEGISLATIVE INQUIRY ON FRANCHISE COMPLIANCE

Sa presscon, sinabi ni Poe na nagbago na ang kanyang isip, at ang mismong franchise renewal na ang didinggin ng kanyang komite.

Hindi na itutuloy ng senadora ang legislative inquiry para sa inihain niyang Senate Resolution No. 322, na tutukoy sana sa mga naging paglabag umano ng ABS-CBN sa prangkisa nito.

Ang mga paglabag ay base sa quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema noong February 10.

Ayon sa Rule 66 ng Rules of Court, inihahain ng pamahalaan ang quo warranto laban sa “person who usurps, intrudes into, or unlawfully holds or exercises a public office, position or franchise; a public officer who does or suffers an act which, by the provision of law, constitutes a ground for the forfeiture of his office; or an association which acts as a corporation within the Philippines without being legally incorporated or without lawful authority so to act.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumatayong abogado ng gobyerno, ipinakakansela ng OSG ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation at ng telecommunications unit nitong ABS-CBN Convergence, Inc. dahil umano sa ilang paglabag.

Kabilang dito ang pag-aalok ng “pay-per-view” channel sa ABS-CBN TV Plus nang walang permiso ng National Telecommunications Commission (NTC), at ang pagpapahintulot ng foreign investors sa kumpanya, ayon sa OSG.

Ang NTC ang sangay ng gobyerno na nangangasiwa sa lahat ng telecommunications services sa bansa.

Mariin namang itinanggi ng pamunuan ng ABS-CBN ang mga alegasyon ng OSG.

Nanindigan ang network na wala itong nilabag na batas.

DRILON ASKS TO EXTEND FRANCHISE UNTIL DECEMBER 2022

Samantala, inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nitong Lunes ang Senate Resolution No. 11.

Layunin nitong palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang sa December 31, 2022.

Nakasaad sa resolusyon na dahil mag-a-adjourn na ang Kongreso sa March 14, kailangan ng Senado at ng Kamara ng “additional time to review, assess and determine whether or not ABS-CBN Broadcasting Corporation shall be granted the renewal of its franchise.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa huling update, naiendorso na ang resolusyong ito ni Drilon sa komite ni Poe.

Dahil dito, may posibilidad na matalakay rin ang resolusyon sa gagawing committee hearing.

PROVE THAT ABS-CBN OPERATIONS CAN BE EXTENDED

Inihain ni Drilon ang resolusyon makaraang umapela si Poe sa Kamara at NTC na patunayan at tiyaking maaari pa ring mag-operate ang ABS-CBN pagkalipas ng March 30.

Ito ay matapos na mismong si House Speaker Alan Peter Cayetano ang nagsabing maaari pang mag-operate ang ABS-CBN hanggang March 2022.

Ayon sa House leader, pupuwede ito kung mabibigyan ng NTC ng provisional authority ang network.

Alinsunod sa batas, puwede pa ring mag-operate ang network na wala nang broadcasting franchise basta naihain ang panukala para sa renewal nito bago na-expire.

Kailangan lang na may pahintulot ito ng NTC, batay sa "traditional agreement" ng komisyon at ng Kamara, ayon kay Poe.

Kaya naman nanawagan ang senadora sa House Committee on Legislative Franchises na hilingin sa NTC na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay habang hindi pa natatapos ng Kamara ang pagtalakay sa pending franchise renewal bills para sa broadcasting giant.

PRESIDENT DUTERTE WILL DECIDE

Samantala, makapagpasa man ng panukala para sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN ang Kongreso, o magkaloob man ang NTC ng provisional authority sa network, dadaan pa rin sa approval ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ito.

Pero hindi lingid sa lahat ang mariing pagtutol ng Presidente sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Nagbanta pa nga siyang haharangin ito.

Inakusahan ng Pangulo ang network ng hindi pagpapalabas ng kanyang presidential ads campaign noong 2016, kahit pa bayad ang mga ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate Committee on Public Services, lead by Senator Grace Poe, is set to discuss the ABS-CBN franchise renewal bill starting February 27.
PHOTO/S: Gorgy Rula / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results