Watch Now

Supreme Court asks ABS-CBN to answer OSG gag order plea; Senate hearing to proceed

by Jet Hitosis
Feb 18, 2020
Supreme Court orders ABS-CBN Corporation to answer the gag order plea that was filed by the office of Solicitor General Jose Calida in connection with the quo warranto petition against the network.
PHOTO/S: @SolGenCalida on Twitter, PEP file

Pinasasagot ng Supreme Court (SC) ang ABS-CBN Corporation sa gag order na hinihiling ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng quo warranto petition na kinahaharap ng network.

Ito ay matapos maghain ang OSG sa SC ngayong Martes, February 18, ng “very urgent motion” upang maglabas ng gag order “prohibiting the parties and persons acting on their behalf” na talakayin sa publiko ang tungkol sa quo warranto.

Layunin ng gag order na maiwasang maimpluwensiyahan ng media o ng publiko ang magiging desisyon ng korte sa kaso.

Binigyan ng Kataas-taasang Hukuman ng limang araw ang ABS-CBN Corporation at ang telecommunications arm nitong ABS-CBN Convergence, Inc. upang magkomento sa gag order plea ng OSG.

QUO WARRANTO PETITION

Ang gag order ay kaugnay ng quo warranto petition na inihain ng OSG sa Korte Suprema nitong February 10.

Ipinasok ng OSG ang petisyon mahigit isang buwan bago mag-expire ang 25-taong legislative franchise ng network sa March 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang abogado ng gobyerno, target ng OSG na bawian ng prangkisa ang ABS-CBN Corporation at ang ABS-CBN Convergence, Inc. dahil umano sa ilang paglabag sa batas.

Ang ABS-CBN Convergence ang nangangasiwa sa digital TV service ng network na ABS-CBN TV Plus.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy ng OSG ang ilegal umanong pag-aalok ng “pay-per-view” channel sa ABS-CBN TV Plus, at ang pagpapahintulot ng foreign ownership sa kumpanya.

Sa isang official statement nang araw ring iyon, pinabulaanan ng ABS-CBN ang mga alegasyon ng OSG, at nanindigang wala itong nilabag na batas.

Kinabukasan, inatasan ng Korte Suprema ang pamunuan ng ABS-CBN na magkomento sa quo warranto petition sa loob ng 10 araw.

VIOLATION OF SUB JUDICE RULE

Kasunod nito, nagkanya-kanyang post ng suporta sa network ang maraming Kapamilya artists, tulad nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Boy Abunda, Coco Martin, Angel Locsin, at Piolo Pascual.

Naglabas din ng official statement of support sa ABS-CBN ang ilang artists at media groups.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa mosyon ng OSG ngayong Martes, iginiit nitong ang network “engaged in propaganda in a clear attempt to elicit public sympathy, way public opinion, and, ultimately, to influence the resolution of the case.”

Bilang petitioner ng mosyon, tinukoy ni Solicitor General Jose Calida na kabilang ang mga pakikisimpatiyang ito ng mga artista, at ang mismong mga pahayag ng ABS-CBN, sa mga paglabag ng network sa sub judice rule.

Ayon sa OSG, ang sub judice rule “restricts parties, witnesses, the public in general, and most especially lawyers and judges from making comments and disclosures in relation to the pending cases before the courts.”

Ang lalabag dito ay makakasuhan ng indirect contempt, batay sa Rules of Court.

Nilinaw naman ni Atty. Brian Keith Hosaka, spokesman ng SC, na sakaling maaprubahan ang gag order, sasaklawin din nito ang OSG at mismong si SolGen Calida.

SENATE HEARING “WILL PUSH THROUGH”

Kasunod ng mosyon ng OSG para sa gag order, sinabi ni Senator Grace Poe na matutuloy ang franchise renewal hearing ng Senado, na itinakda sa February 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inihayag ni Poe nitong Lunes, February 17, na magsasawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Senate Committee on Public Services kaugnay ng panibagong legislative franchise para sa ABS-CBN.

Ito ay kahit hindi pa natatalakay ng Kamara ang 11 franchise renewal bills para sa ABS-CBN, na ilang buwan nang nakatengga sa House Committee on Legislative Franchises.

Saad sa media statement ni Sen. Poe ngayong araw:

“Our hearing will push through according to our Constitutional mandate.

“It is up to the Supreme Court to act on that motion under existing laws and jurisprudence where it recognized the jurisdiction of its co-equal branch.

“Whether it will apply the gag order on our hearings is up to the Court to decide.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Supreme Court orders ABS-CBN Corporation to answer the gag order plea that was filed by the office of Solicitor General Jose Calida in connection with the quo warranto petition against the network.
PHOTO/S: @SolGenCalida on Twitter, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results