PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasser Marta dumbstruck by six-digit indecent proposal

Yasser Marta reveals how he wards off admirers with not-so-pure intentions.
by Rommel Gonzales
Published Feb 19, 2020
Yasser Marta on warding off indecent intentions from gay admirers: "Ako, kung barkada tayo, barkada tayo. Pero pag alam kong lumalampas na yung ano, hindi ko din naman tine-take for granted yung mga ganun.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Katulad ng maraming male celebrities, nakaranas ding makatanggap ng indecent proposal ang bagong Kapuso leading man na si Yasser Marta.

“Meron, minsan straight to the point na magpepresyo agad,” pahayag ng 24-year-old Filipino-Portuguese actor.

Magkano ang pinakamalaking inialok sa kanya?

"Siguro six digits din.

"Kaya medyo napatigil ako nung nakita ko, e!” ang tumatawang pagbibiro ni Yasser.

“Pero hindi.”

Paano niya iyon na-handle? Ano ang sinabi niya?

“Ako minsan, pag medyo sobrang over na nung mga comments and message, minsan hindi ko na lang din nire-reply-an.

"Pero pag napaka-good intentions din naman ng ano nila na…

"Kasi minsan, may nagme-message sa akin na, 'Thank you for inspiring,' mga ganun, nagpapasalamat lang din ako."

May naliligaw lang na indecent comment o, iyon nga, proposal?

“Oo, mga ganun.”

Paano pag may nag-seven digits na offer sa kanya?

“Hindi, siguro… maganda naman ang takbo ng career ngayon.

"And, siguro, last resort!” ang muling tumatatawang biro ni Yasser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bawi niya, “Hindi naman, happy naman ako ngayon and focused sa career.”

Ayon kay Yasser, close siya sa maraming gays. Pero alam daw niya kung may ibang intensiyon ang mga ito.

“Siguro, meron pa ring wall and limitations.

"Ako, kung barkada tayo, barkada tayo.

"Pero pag alam kong lumalampas na yung ano, hindi ko din naman tine-take for granted yung mga ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasser sa presscon ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit, noong Pebrero 11, Martes, sa GMA Coop Building, Timog Avenue, Quezon City.

Si Yasser ang leading man ni Kyline Alcantara sa upcoming Kapuso afternoon drama series na ito.

HUNKY YASSER

Napangiti naman si Yasser nang pansinin namin ang matambok at mabalahibong dibdib.

“Talaga? Hairy, hairy chest,” sambit niya.

Pabirong kinumusta namin kay Yasser ang abs niya.

“Hindi na siya medyo nahihiya. Ha! ha! ha! Medyo naninigas-nigas na. Ha! ha! ha!”

Ano ang pinakaseksing ginawa niya sa harap ng kamera?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Topless-topless pa lang naman, sa IG.”

Wala pa sa TV?

“Wala pa, kasi last year pa lang ako talaga nagpaganda ng katawan, e.

"So, ngayon, parang isinama ko rin sa character ni Jun.

"Kasi, medyo bad boy, confident, malaking factor ng katawan," pagtukoy ng binata sa karakter niya sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung kinakailangan ay payag daw si Yasser na magpakita ng katawan sa mga eksena niya.

“Dito muna sa taas, puwede naman, yung mga trunks, mga board shorts, confident din naman tayo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasser Marta on warding off indecent intentions from gay admirers: "Ako, kung barkada tayo, barkada tayo. Pero pag alam kong lumalampas na yung ano, hindi ko din naman tine-take for granted yung mga ganun.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results