PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ivana Alawi on indecent proposals: “You can look, but you cannot touch.”

Ivana Alawi talks about how she deals with indecent proposals.
by Bernie V. Franco
Published Feb 20, 2020
Sexy star Ivana Alawi admits she receives a lot of indecent proposals. "Parang feeling nila, makukuha ka, kasi di ba, I show skin."
PHOTO/S: Jimpy Anarcon

“Andami. Sobra.”

Ito ang pagkumpirma ni Ivana Alawi tungkol sa mga natatanggap niyang indecent proposals mula sa mga lalaking nagpapantasya sa kanya.

Aminado ang 28-anyos na social media influencer/actress na malaking dahilan nito ay ang sexy image niya.

Pero diin ni Ivana, hindi siya pumapatol sa indecent proposals.

“Actually, andami, sobra… Lalo na ngayon, parang feeling nila makukuha ka kasi, di ba, I show skin…

“Pero dinededma ko sila and minsan, sinasabihan ko, ‘No, you cannot buy me,” sagot ni Ivana nang matanong tungkol sa natatanggap na indecent proposals.

Dugtong ng aktres, dinidiretso niya ang mga nag-aalok sa kanya ng "offers."

Paano nakararating sa kanya ang indecent proposals?

Sagot ni Ivana, “Kasi, from people I know, dumadaan sila doon.

"'Tapos, parang feeling nila, ‘Mayaman ako, makukuha ko lahat.’

"Pero you cannot buy everything with money."

Malinaw na dahil sa kanyang sexy image kaya lapitin ng indecent proposals si Ivana.

Pero anong klaseng imahe ba ang gusto niyang maabot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng dalaga, “Feeling ko, yung sa akin is, you can look, but you cannot touch."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Ivana sa story conference ng Ang Lihim ni Ligaya, ang kanyang launching teleserye sa ABS-CBN.

Ginanap ito sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong February 19, Miyerkules.

IVANA WANTS TO PROVE THAT SHE CAN ALSO ACT

Pero desidido si Ivana na mapatunayang hindi lang pagpapa-sexy ang kaya niyang gawin.

“Aside from being sexy, gusto ko rin maipakita na kaya [ko] ring umarte.

"Hindi lang ako puro pa-sexy, hindi lang puro pakita ng skin, mag-swimsuit.

“I can do so much more.”

Noong February 7, 2020 ay pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN si Ivana.

Malaking achievement ito para kay Ivana, na sampung taon ang hinintay bago siya magkaroon ng network contract.

Nagsimula si Ivana bilang isang extra.

Nag-audition siya sa Kapamilya reality-based TV show na Pinoy Big Brother.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakatanggap siya ng callback, pero hanggang doon lang ang inabot niya.

Noong 2015 ay nakapasok siya sa StarStruck Season 6, ang reality-based artista search sa GMA-7. Pero maaga siyang na-eliminate.

Noong 2018, napabilang si Ivana sa Kapamilya afternoon drama series na Araw Gabi at nagkaroon din siya ng guest appearance sa primetime series ni Coco Martin na FPJ's Ang Probinsyano.

Ang pinakamalaking break ni Ivana ay ang lead role niya sa 2019 ABS-CBN primetime series na Sino Ang May Sala: Mea Culpa?.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy star Ivana Alawi admits she receives a lot of indecent proposals. "Parang feeling nila, makukuha ka, kasi di ba, I show skin."
PHOTO/S: Jimpy Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results