Angel Locsin answers Vivian Velez’s post on ABS-CBN top stockholders list; promises to donate shares to charity

by Jet Hitosis
Feb 21, 2020
Angel Locsin (left) to Vivian Velez (right): “Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, Vivian Velez on Facebook

Sinagot ni Angel Locsin ang isyu tungkol sa pagkakasama niya sa Top 100 stockholders ng ABS-CBN Corporation, habang masugid niyang idinedepensa ang network sa nakaambang tigil-operasyon nito.

Si Angel, 34, ay isa sa A-listers ng Kapamilya network.

Sa Top 100 Stockholders List ng ABS-CBN, as of March 31, 2019, pumuwesto sa ika-29 ang aktres.

Bukod kay Angel, nasa listahan din ang iba pang celebrities, tulad ng singer na si Jose Mari Chan (9th), ng broadcast journalist at dating vice president na si Noli de Castro (25th), at ng aktor na si Daniel Padilla (54th).

Pasok din sa listahan sina Bea Alonzo (55th), Kris Aquino (64th), Angelica Panganiban (77th), John Estrada (86th), at Kim Chiu (94th).

Kabilang din sa top 100 stockholders ng network ang ilang opisyal nito, gaya nina ABS-CBN President-Chief Executive Officer (CEO) Carlo Catigbak (13th) at Chief Operating Officer (COO) Cory Vidanes (14th).

Ayon sa Investopedia.com, ang stocks ay isang investment na nagbibigay ng “proportionate ownership” sa kumpanyang nagbebenta nito.

Continue reading below ↓

Nagbebenta ng stocks ang mga kumpanya upang madagdagan ang kanilang pondo.

Habang lumalaki ang kita ng kumpanya, tumataas ang value ng stocks nito.

Pero sakaling magkaproblema ang kumpanya, malaki naman ang posibilidad na malugi ang mga bumili ng stocks, o stockholders.

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL WOES

Isinapubliko ang listahan sa harap ng posibilidad na magtigil-operasyon ang broadcasting units ng ABS-CBN dahil sa problema nito sa legislative franchise.

Mag-e-expire ang prangkisa ng Kapamilya network sa March 30.

Sa kabila nito, nakatengga pa rin sa Kamara ang 11 panukalang magbibigay ng panibagong 25-year broadcasting franchise sa media conglomerate.

Nakatakda naman sa Lunes, February 24, ang pagdinig ng Senado sa counterpart bill para sa franchise renewal.

Gayunman, may hiwalay na legal battle ang ABS-CBN sa Korte Suprema, kung saan naghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG) nitong February 10.

Iginigiit ng tumatayong abogado ng pamahalaan na mapawalang-bisa ang prangkisa ng network dahil sa ilang paglabag umano nito sa batas.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy ng OSG ang ilegal umanong pag-aalok ng pay-per-view ng KBO (Kapamilya Box Office) Channel sa digital TV service ng network na ABS-CBN TV plus, at pagpapahintulot ng foreign ownership sa kumpanya.

Ilang oras makaraang itanggi ng ABS-CBN ang mga alegasyon ng OSG, inatasan ng Supreme Court (SC) ang network na magkomento sa quo warranto petition.

KAPAMILYA STARS SHOW SUPPORT

Bumuhos naman ang pagpapahayag ng suporta sa network ng Kapamilya stars, kabilang na si Angel.

Sa isang Instagram post nitong February 12, umapela ng suporta ang aktres para sa kapakanan ng nasa 11,000 empleyadong mawawalan ng trabaho sakaling magtigil-operasyon ang ABS-CBN.

Ngayong Biyernes, February 21, ibinahagi ni Angel sa Instagram ang official statement ng ABS-CBN president na si Carlo Katigbak na umaapela sa Kongreso ng patas na franchise renewal hearing.

Sa caption, sinabi ng aktres na walang perpektong kumpanya, at hindi dahilan ang mga pagkakamali ng ABS-CBN upang ipasara ito.

Continue reading below ↓

Dito ay isang netizen ang nagkomento: “Kc maapektuhan shares mo pag nagsara abs cbn? #wagkami”

Sinegundahan ito ng isa pa: “tama ang shares nya ang maaapektuhan, nandamay pa eh”

Continue reading below ↓

VIVIAN’S TOP STOCKHOLDERS POST

Hindi sinagot ni Angel ang netizens.

Sa halip, ipinost niya ang screenshot ng Top 100 Stockholders List ng ABS-CBN na nanggaling sa Facebook post ni Vivian Velez.

Continue reading below ↓

Ang aktres na si Vivian, 51, ang kasalukuyang director-general ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Sa Facebook post ni Vivian nitong February 12, may netizen na nagtanong kung mga “Chinese-Filipinos or just chinese? Oligarchs? dummies?” ang nasa listahan.

Sinagot ni Vivian ang netizen: “And actors?... Angelica Colmenares is Angel Locsin”

Ang screenshot ng pakikipagpalitan na ito ni Vivian ng komento sa isang netizen ay bahagi rin ng latest Instagram post ni Angel.

“MONEY IS NOT EVERYTHING”

Sa caption, binanggit ni Angel na kailangan niyang sagutin ang ilang posts at “accusations that were thrown at me for speaking up for what I think is right.”

Tatlong bagay ang ipinunto ng aktres sa kanyang post.

Una, nilinaw ni Angel na hindi siya “part of any political party, nor representing any politician.”

Ikalawa, sinabi ng actress-humanitarian activist na wala na siyang “existing contract with ABS-CBN."

Bahagi pa ng kanyang post, “Therefore, the company has no control on whatever I want to post.”

Continue reading below ↓

At sa pangatlong punto, sinagot ng aktres ang post ni Vivian tungkol sa pagkakasama niya sa listahan ng Top 100 Stockholders ng ABS-CBN.

“Sorry to disappoint some people, but money is not everything,” mababasa sa post ni Angel.

“Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue.”

ABS-CBN INVESTMENTS WILL BE DONATED TO CHARITY

Upang patunayan ang kanyang punto, sinabi ni Angel na ido-donate niya sa charity ang lahat ng kikitain ng “aking maliit na investment” sa network.

“Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.”

Paliwanag ng aktres, maliit lang ang naturang shares niya sa network, na bahagi ng prebilehiyo ng mga empleyado ng ABS-CBN na tulad niya.

Binigyang-diin din ni Angel na installment o “payable for 5 years” ang naturang investment niya, at hindi pa raw niya nakukumpleto ang bayad dito.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Angel: “For your knowledge, Maliit lang po ito. As in.

“It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan.

“Mine is payable for 5 years.

“Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yun.”

Sa huli, sinabi ni Angel na inirerespeto niya ang opinyon ng sinuman, kahit hindi ito kapareho ng kanya.

“Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat.

“Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa.

“Yun naman po ang importante. [three praying hands emojis]”

Continue reading below ↓

ONCE A DIE-HARD ANGEL FAN

Taong 2010 nang nagkasama sina Angel at Vivian sa Kapamilya teleseryeng Imortal.

Sa katunayan, sa grand thanksgiving presscon ng serye noong October 11, 2010, nagpahayag si Vivian ng labis na paghanga kay Angel.

“Fan talaga ako ni Angel,” sabi noon ni Vivian nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon.

“Kasi sa mga artista ngayon, she's so down to earth.

“'Tapos I was not wrong kasi ngayong kasama ko siya, talagang mas na-appreciate ko siya.

“Ang bait-bait ng batang yun at saka talagang totoong tao siya.”

Sa katunayan, ayon kay Vivian, si Angel ang dahilan kaya napapayag siyang magbalik-telebisyon at gawin ang Imortal.

Si Vivian ang pangunahing babaeng kontrabida sa Imortal, na pinagbidahan ni Angel.

Bukod sa pagiging pinuno ngayon ng FAP, si Vivian ay isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilang beses nang nagbanta ang Pangulo na haharangin niya ang franchise renewal ng network.

Continue reading below ↓

Kaugnay ito ng akusasyon niyang hindi ipinalabas ng ABS-CBN ang kanyang presidential campaign ads noong 2016, kahit na nabayaran na ang mga ito.

Sunod na ilalathala ng PEP.ph ang panig ni Vivian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin (left) to Vivian Velez (right): “Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, Vivian Velez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results