Jimuel Pacquiao not yet ready to fall in love again

by Melba R. Llanera
Feb 22, 2020
After his breakup with Heaven Peralejo, Jimuel Pacquiao asserts that he's not in a rush to jump in on a new relationship, and would rather focus on his showbiz career for now.
PHOTO/S: Glenn Regondola

Ipinagdiinan ni Jimuel Pacquiao na very close friend lang niya si Barbie Imperial, at hindi niya ito girlfriend.

“Plano na manligaw? Wala naman, friends lang talaga kami. Super close lang,” sabi ni Jimuel nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Miyerkules, Pebrero 19, sa bakuran ng ABS-CBN sa Quezon City.

Paano ba nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Barbie? Lumalabas ba silang dalawa?

Lahad niya, “Nakausap ko siya sa MPBL, nag-muse siya, kinuha siya, parang ganun. Doon kami nag-meet.

“Go out? No, hindi naman. We saw each other few times din pero ‘yun, friends lang."

Ang MPBL o Maharlika Pilipinas Basketball League ay ang regional, semi-professional basketball competition na inilunsad noong 2017 ng ama ni Jimuel na si Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Jimuel, hindi pa siya handang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon pagkatapos ng breakup nila ni Heaven Peralejo.

Aniya, “Right now, I'm not looking for one. So, focus muna ako on myself, sa mga kailangan kong gawin.”

Continue reading below ↓

AMICABLE BREAKUP

Siniguro sa amin ng binatang Pacquiao na naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ni Heaven. Maayos ang samahan nila pag nagkakasama sila sa shows ng clothing line na pareho nilang ineendorso.

Posible bang magkabalikan sila?

Lahad niya, “Well, we don't know pero ngayon, I think we're both happy naman.

“We’re all friends. Yes, like I've said, I'm not looking for a relationship."

Materialistic ba si Heaven kaya inayawan ng mga magulang niya, partikular ng inang si Jinkee Pacquiao?

“I defended na her before and I said she's not like that. Di naman iyun iyung rason.”

SHOWBIZ CAREER

Bahagi na ng ABS-CBN Star Magic si Jimuel. Dire-diretso na ba ang pagpasok niya sa showbiz?

Tugon niya, “I feel good naman, I'm learning a lot and I'm happy to be here. Dire-diretso? Well, sa ngayon, yes.

“Ayoko kasing sayangin iyung offers, so why not give it a try?"

Suportado ng mga magulang niya si Jimuel sa desisyon niyang mag-artista.

Continue reading below ↓

“Mas gusto raw nila ito kaysa sa boxing, so, hayun.

“Boxing? Well, sabi nila, nasa akin iyung choice pero kung sila ang tatanungin, ayaw talaga nila,” pahabol pa niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After his breakup with Heaven Peralejo, Jimuel Pacquiao asserts that he's not in a rush to jump in on a new relationship, and would rather focus on his showbiz career for now.
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results