Julia Barretto to Joshua Garcia: "I will always be your cheerleader."

by Melba R. Llanera
Feb 23, 2020
Julia Barretto to former boyfriend and love team partner Joshua Garcia: "We always collaborate and talk about it. We're excited for each other, and up to this day, I always tell him na 'I will always be your cheerleader. I will always be cheering for you from afar.'"
PHOTO/S: Julia Barretto / Joshua Garcia Instagram

Pagkatapos aminin ni Julia Barretto na na-outgrow na niya ang JoshLia love team nila ni Joshua Garcia, masaya naman daw siya para sa dating nobyo dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa love team nito sa aktres na si Janella Salvador.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa presscon para sa iWant digital series na I Am U, na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN noong nakaraang February 19.

Natutuwa at proud daw si Julia sa naabot ng tambalan ni Joshua at ng kaibigan niyang aktres.

Lahad niya, "I'm very happy for the two of them. First of all, happy ako for Josh kasi nakaka-maintain siya sa ganung path.

"I'm happy also for Janella genuinely. Dati kasi, lagi naming pinag-uusapan yung mga pangarap naming dalawa.

"Yung mga gusto naming maabot, gusto naming ma-experience sa mga path na gusto naming mapuntahan.

"Ngayon also watching her also from afar, being able to do things, proud ako sa kanya. Pinagpe-pray ko rin siya."

Continue reading below ↓

JOSHUA'S CHEERLEADER

Emosyunal na pagkukuwento ni Julia, siya raw ang cheerleader ng ex-boyfriend sa mga achievements nito bilang aktor at bilang tao.

Dagdag niya, "I'm very happy for him, I'm very happy as well, like me, na nakakapag-explore din siya at nakakapagtrabaho siya with different leading ladies.

"During the duration of our partnership, that's what we also talk about. We are very open also of our individual projects kasi nung loveteam pa kami nun, mayroon kaming mga individual projects.

"We always collaborate and talk about it. We're excited for each other, and up to this day, I always tell him na 'I will always be your cheerleader. I will always be cheering for you from afar.'

"Wherever he is in his career now, I'm really proud of him because I've seen his growth, I was there to witness the beginning of all that, so I'm very proud."

Ayon kay Julia, kahit si Joshua ay nagsabi rin noon sa kanya na gusto nitong subukan na mag-solo actor.

Saad niya, "Those stuff, nanggagaling mismo sa kanya.

"Actually, he's very open to stuff like that. He always expresses yung desire niya, yung hunger niya to be able to do different genres also.

"Alam naman natin na malalim siyang tao, malalim na aktor. Ang palagi niyang sinasabi sa akin nun was gusto niyang makagawa ng different genres. He wants to pair up with a lot of leading ladies.

"Lalo na nung nag-solo ako last year with Between Maybes, sabi niya, 'Sana makagawa na rin ako ng solo,' which is happening to him right now.

"Kaya yun ang sinasabi ko na natutuwa ako sa karera niya. Natutuwa talaga ako."

Sa kasagsagan ng promo ng pelikulang Block Z ay lumabas ang balitang hindi raw nagpansinan sila Joshua at Julia sa backstage ng isang mall kung saan sila nag-promote.

Inasahan na rin daw ng Kapamilya actress na lalabas ang ganitong mga balita.

Kibit-balikat niya, "That is natural siguro for people to expect kasi iyan ang normal pag breakup. They always think that way.

Continue reading below ↓

"I think we took the different ground, but there's always respect for each other. We started off as friends, we chose to go back to that, which is healthy for both of us."

THANKFUL TO JOSHLIA FANS

Nagpasalamat din si Julia sa mga JoshLia fans na nakaunawa at patuloy na sumusuporta sa kanila ni Joshua kahit pa nga buwag na ang kanilang tambalan.

Ani Julia, "Actually, I'm very proud of them dahil napaka-mature nila, napaka-understanding, and very respectful sa mga decisions namin.

"Until now naman they support us with our different projects. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila."

NEW LEADING MAN

Isa sa proyekto ni Julia na dapat abangan ngayon ay ang iWant series na I Am U, kunsaan makakapareha niya si Tony Labrusca.

Masaya niyang lahad, "I'm very, very excited. Like I've said, ito ang una kong gagawin for iWant.

"Ako kasi naniniwala ako na iWant is really our future. So, digital is our future.

Continue reading below ↓

"I'm excited kasi yung first ko sa iWant is this kind of genre with a new leading man, and we're doing it with Dreamscape and Idea First. It was an exciting first for me."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto to former boyfriend and love team partner Joshua Garcia: "We always collaborate and talk about it. We're excited for each other, and up to this day, I always tell him na 'I will always be your cheerleader. I will always be cheering for you from afar.'"
PHOTO/S: Julia Barretto / Joshua Garcia Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results